BONUS CHAPTER #2

82 4 1
                                    


SOBRANG abala ni Louisa sa paglalagay ng dressing sa niluto niyang salmon kani-kanina lang.

Ilang sandali na lamang at matatapos na siya. Isa iyon sa mga putaheng inihanda niya para sa kanyang pamilya na ilang minuto na lamang ang natitira ay maghahapunan na sila. Kasama si Tommy, Margareth at Katherine.

Napangiti siya nang maalala ang dalawa. Sa isip ay malamang na inuusisa na ng kanyang kaibigan si Margareth tungkol sa mga ginawa nito sa kanya sa nakaraan.

Paglabas niya sa kusina ay lalo siyang napangiti. Tinotoo nga ng kanyang kaibigan ang pinlano nito. Ini-enteroga nito si Margareth habang ang huli naman ay alanganin ang ngiti.

Nakaupo na ang mga ito sa isa sa mga mahahabang lamesa ng restaurant na iyon.

Isa lamang ang gabing iyon sa iilang hapunan na in-arrange niya para sa pamilya kasama si Tommy. Naisipan na rin niyang imbitahan sila Katherine at Margareth.

Dala ang ilang putaheng niluto ay dumiretso na siya sa kanilang lamesa. Tumayo naman agad ang mahal niya para salubungin siya. Ito na rin ang naglapag ng mga pagkain sa mesa saka siya ipinaghila ng upuan sa tabi nito. Lumobo ang puso niya dahil doon. Sweet and gentleman as ever talaga.

Nasa kalagitnaan na sila ng pagkain ng mag-initiate ng toast ang kuya Luke niya.

"This is for the success of my sister in handling this hotel when I'm away for a while. Congratulations, Ading. For the happiness of our family and good health as well." Sabay-sabay nilang itinaas ang kanilang mga kopita. "As much as I want to give you this hotel for you to manage, hindi rin naman mangyayari iyon dahil mas ima-manage mo ang ibibigay ni Tommy na chain of Ilocandia restaurants kapag ikinasal na kayo."

"Kuya!" Saway niya rito. Naramdaman niya ang pamumula ng kanyang mga pisngi. At sa isang banda ay kinikilig.

Saglit na nanlaki pa ang kanyang mga mata nang mabilisan siyang hagkan ni Tommy sa mga labi, sa harap ng kanyang pamilya at kaibigan. Hindi kakikitaan ng hiya o takot sa mga kasama nila ang mga mata nito sa ginawa. Bagkus ay pagmamalaki at kasiyahan ang makikita roon. Na ikinangiti na rin niya.

"Kaunting hiya naman sa pamilya." Biro ng kanyang kuya.

"Kaya nga. Mahiya rin sa mga walang jowa rito, oh." Dagdag naman ni Katherine.

"Walang jowa? Baka ikaw lang." Loko naman ni Margareth dito. Nakahanap ng bawi sa kanyang kaibigan. Na nagpatuloy sa pagpapalitan ng mga ito ng kung ano-ano. Natutuwa siya na mukhang nagkakasundo na ang dalawa.

Her kuya excused himself to go to the john, ngunit sa pagtayo nito ay hindi nito nakitang makakabangga ang assistant niya, na may dala ng dessert na pinagtulungan nilang gawin kanina.

Kung hindi mabilis ang reflexes at nakabawi agad ang kanyang kapatid at naalalayan ito, ay malamang-lamang na nasa sahig na ang mga dessert.

"Ikaw?!"

"You're here!"

Sabay na pasigaw na sabi ng mga ito nang magtama ang mga mata.

"Luke Niall, what's happening?" Narinig niyang tanong ng kanilang ina.

Ang assistant niya ay nanlalaki ang mga mata habang ang kuya niya ay nakangisi lang, na ikinapula ng babae.

Sa nakita ay kinikilig na napayakap siya sa baywang ni Tommy habang nakatingin pa rin sa dalawa.

Hmm... This is going to be interesting.


==================❤️❤️❤️

Balak ko rin pong gawan ng story ang Kuya Luke ni Louisa Nell, kaya makakasama niyo po ulit sila ni Tommy in the future! Heheh
Abangan niyo po!

==================❤️❤️❤️

5-31-21
11:28 pm

Thank you! :*









Please, Love Me Too [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon