PART 2

51 3 0
                                    


"WHAT are you doing here?!"

Napalibot agad ang mga mata ni Louisa sa paligid nang mapalakas ang boses niya. Nagulat kasi siya nang makita si Tommy sa harap ng gate ng university nila. May mga iilan na napatingin sa may gawi nila. Mabuti na lang at kakaunti pa lang ang mga studyanteng palabas na kasabay nila.

Ang binata naman ay ngiting-ngiti lang sa nangyari. Kahapon lang ay nagkita sila nito dahil nagluto ito ng tanghalian sa kanyang apartment bago muling bumalik sa opisina. Wala naman itong sinabi na pupunta ngayon sa pinapasukan niya.

"I'm here to fetch you."

Pinasadahan niya ito ng tingin. Preskong-presko ito sa suot na puting sando na napapatungan ng asul na polo, ang mga butones ay nakabukas. Habang ang pangbaba naman nito ay printed board shorts. Gwapong-gwapo sa kanyang paningin.

Prente lang itong nakasandal sa kotse nito at nakapamulsa.

"Fetch me? At saan naman tayo pupunta at mukhang pang bakasyunan 'yang suot mo?"

"Magbabakasyon lang naman kayo, Sis." Napalingon siya kay Katherine. Nakalimutan na niyang kasama nga pala niya itong palabas ng university. Napailing siya. Nakita lang niya si Tommy pero nakalimutan na niya ang sissy niya.

Kumunot ang noo niya nang rumehistro ang sinabi nito. Magsasalita pa sana siya nang bigla na lang itong may iabot kay Tommy. Hindi niya napansing dala nito iyon noong sunduin niya ito sa huling classroom nito.

Nanlaki ang mga mata niya nang makilala iyon. It's her duffle bag! Paano nito nakuha iyon?

Nagniningning ang mga mata ng kaibigan niya nang tumingin ito sa kanya. Si Tommy naman ay nilagay sa trunk nito ang inabot ni Katherine at bumalik na sa kanila.

"What's this all about? Bakit nasayo yung mga gamit ko?"

"We... are going to have a vacation." Nakangising sagot ni Tommy. Parang natutuwa pa sa kawalang ideya niya sa nangyayari.

"Don't worry, Sissy. All is set na for that!" Sabi nito sabay ng pagdaop ng dalawang palad nito. "Lahat ng kakailanganin mo for the trip ay nandyan na. Wala ka ng poproblemahin."

Naitaas niya ang kanang kilay sa sinabi nito. "Both of you, you planned this? At kailan mo naman kinuha itong mga gamit ko, huh Sissy?" Since may kanya-kanya silang susi sa kanya-kanya nilang tinutuluyan ay pwede silang lumabas at pumasok lalo na kapag gusto nilang mag-sleep over.

"He he he. Uhm, kanina lang tanghali." Parang nahihiya pang sabi nito.

Kaya pala hindi sumabay sa lunch kanina!

"At wala ka ng kawala dahil sinabi ni Katherine na wala naman kayong schedule for this weekend at halos tapos na lahat ng clearance ninyo. So, you're pretty much available for this trip that I planned." Sabi ni Tommy.

Napanganga lang siya sa sinabi nito. Hindi man lang siya sinangguni ng mga ito?!

Tumingin ito kay Katherine. "Are you sure you don't want to come with us? Makakapag-unwind ka rin doon."

"Nah. Some other time, Pogi. Saka baka maka-istorbo lang ako sa inyong love birds ano! Next time na ako magpapaka-third wheel sa inyo."

Nakakaintinding tango lang ang sinagot ng binata. "Siya, aalis na kami. Baka maiwan pa kami ng bus." Binuksan na nito ang passenger side para sa kanya.

Mahigpit na nagyakap sila ni Katherine. "Yiieehh! Good luck, Sis. Ingat kayo, ha? Sige na, gora na."

She sighed. "May magagawa pa ba ako? Napagplanuhan niyo na ito. All set pa."

"Wuuh! Gusto mo rin naman." Tudyo nito.

"Sis!"

Tumawa lang ito. Napapailing naman siyang sumakay na.

"Thanks Katy! I owe you! Ingat ka." Narinig pa niyang sabi ni Tommy bago sumakay.

Nasa byahe na sila papunta sa kung saang bus terminal nang tanungin niya ito.

"Kailan pa kayo naging close ni Katherine, huh?" Usisa niya rito. "And Katy? Sa mga pinapayagan niya lang na maging close sa kanya pumapayag yun na tawagin siyang Katy."

Napangiti ito. "What can I say? We're already close."

She snorts. "At nagplano pa talaga kayo behind my back."

"Because it's a surprise, Lo-Bi."

Naramdaman niyang nag-init ang mga pisngi niya nang marinig ang nickname nito sa kanya. Iba na sa pakiramdam kapag naririnig niya iyon lalo na at alam na niya ang totoong ibig sabihin niyon. It made her heart skip a beat.

"Where are we going anyway?"

He clears his throat before answering. "You'll know l-later."

Nagdikit ang mga kilay niya nang mapansing parang nabalisa ito. Nakita niya ring napahigpit ang hawak nito sa manibela. But she set aside it anyway. Baka namalikmata lang siya.

Nakarating sila sa bus terminal at ini-park muna nito ang kotse sa isang parking facility kung saan pwedeng iwan ng mga pasahero ang sasakyan ng mga ito hanggang sa bumalik.

"Uhm. Excuse me, Sir, but I can carry that myself." Sabi niya nang makitang ito ang nagbubuhat ng duffle bag niya kasama ang gamit nito.

"Sure, you can." Sagot nito saka isinampay sa balikat nito ang bag saka tiningnan siya na sinasabing huwag ng umangal pa. "But I want to do it."

"Thanks."

Iginiya siya nito sa lounge ng terminal. "Stay here. I'll just check our bus number and buy some snacks."

"Sige." She gave him a small smile.

Saglit na nag check muna siya ng phone para i-entertain ang sarili at para sumagot ng text. Nag text kasi si Katherine na mag-ingat daw sila at mag-enjoy. She thanked her best friend and wished the same.

Nang matapos ay inilibot naman niya ang mga mata. Saka inaninag ang loob ng pinuntahan ni Tommy kung saan naroon ang mga booth ng terminal. Nakita niyang nasa window na ito at kausap na ang naroon.

Natigilan naman siya at nahigit ang hininga nang makita ang mga bus na naka-park at naghihintay roon.

Dahil lahat ng destinasyon ng mga iyon ay iisa lang. Ilocos!

Tumingin agad siya kay Tommy nang marinig niyang tinawag siya nito. Papalapit na ang binata sa kanya. Ngunit unting-unting nawala ang ngiti nito paglapit sa kanya. Natumbok na nito na alam na niya. Kaya ba parang nabalisa ito kanina?

"Hey." Umupo ito sa tabi niya at hinawakan ng maigi ang kanyang mga kamay.

"Stop overthinking. Don't worry, hindi tayo pupunta roon. I promise." Pag-aalo nito sa gumugulo sa isip niya. "That's only our destination. But we won't be going there."

Sa sinabi nito ay napanatag siya. She trusts him. Hindi sila pupunta roon. Marahil ay naisip nitong ganoon ang magiging reaksyon niya kaya hindi nito sinabi ang destinasyon nila.

"Are you okay?"

Tumango siya. "Yeah."

Halata sa mukha nito ang pag-aalala kaya in-assure niya ito. "I'm okay now."

"Let's go? Tayo na lang daw ang hinihintay sa bus."

"Okay." Iyon lang at iginiya na siya nito sa kanilang sasakyan na bus.

"Boss, dito po kayo ni Ma'am sa 8A at 8B." Imporma sa kanila ng konduktor. Ito na rin ang naglagay ng mga bag nila sa overhead luggage space.

Halatang deluxe ang sinasakyan nila dahil sa magandang interior niyon. May mga TV rin sa likod ng kanya-kanyang upuan at malaking espasyo para mas maunat ang paa ng uupo. May lavatory din iyon katulad ng sa eroplano.

She told him that she liked it.

"All for you." Nakangiting sagot nito.

Sinubukan niyang kalikutin ang maliit na telebisyon na nasa harap niya at pumili ng mga pwedeng panoorin. Nakakita naman siya ng dalawa at magkasunod iyong pinanood.

Ilang oras na sila sa byahe at papatulog na si Louisa nang lamigin siya. Elbow length lang kasi at leggings ang suot niya. Iniisip kung nakapag-gayak ba si Katherine ng jacket o kahit long sleeve lang na damit para maipang-patong at maibsan ang lamig. Hindi naman niya ma-text ito dahil gabi na rin. Tiyak na tulog na ang kaibigan.

Napatingin siya sa katabi. Hindi rin naman niya makukuha ang bag sa taas dahil tulog si Tommy at mabilis ang andar ng bus.

Napabuntong-hininga siya at niyakap ang sarili. Napa-angat ng tingin sa sira naman palang takip ng aircon kaya malamig. Iharang ko kaya yung kurtina sa aircon?

Nakatingala pa rin siya at pinag-iisipan kung gagawin iyon ng biglang-

"Come here." Nagulat siya sa paos na tinig na sabi ni Tommy.

Nakatingin ang inaantok nitong mga mata sa kanya. Huli siya nito sa binabalak niyang gawin sa kurtina at aircon.

"Uhm." Nahihiyang wika niya. Ngunit wala na siyang nagawa nang ibalot nito ang asul na polo sa kanya saka siya niyakap.

"P-pero-

"Ssh. I got you. Sleep now, Lo-Bi." Naramdaman niyang humigpit ang yakap nito at binigyan siya ng halik sa bumbunan.

Natitigilan pa rin siya sa ginawa nito.
Hanggang sa mayamaya ay gumanti na rin siya ng yakap dito at idinantay ang ulo sa dibdib nito. Kay sarap na mapaloob sa mga bisig nito. Hindi na rin siya nilalamig dahil sa init na binibigay ng katawan nito.

Masarap talagang matulog kapag nasa bisig ka ng taong mahalaga sa iyo.


7


==================❤️❤️❤️

Maraming salamat po sa pagbabasa!
Stay safe po kayo!! :*

==================❤️❤️❤️

Posted: February 28, 2021 11:30 pm

Please, Love Me Too [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon