PART 1

62 1 0
                                    

Something happened today. I THANK God for protecting us and leading us away from danger. Also for sending Your Guardian Angels. I love You po!
==================❤️❤️❤️

"I CANNOT believe that they released this." Sabi niya habang tinitingnan ang hawak na dyaryo, nakaupo sila sa mahabang sofa habang nasa loob siya ng bisig ng kanyang mga magulang. Iyon pala ang sinasabi ng kanyang kapatid na nakita siya ng mga ito sa dyaryo.

Ang kanang pahina niyon ay napupuno ng litrato ng mga ga-graduate with honors sa susunod na linggo ng kanilang paaralan. Ang litrato niya at pangalan ay nabibilang sa grupo ng Magna cum laude. Nakita na niya iyon sa bulletin board nila kung saan nakapaskil ang mga candidate students with high honors. Pero walang nabanggit na ilalathala pala iyon sa dyaryo.

Kaninang dumating sila ng kanyang kuya sa hotel room ng mga magulang ay agad siyang sinunggaban ng yakap at pinupog ng halik ng mga ito. Syempre ay hindi nawala ang iyakan.

Matagal na nasa ganoong posisyon na sila at wala pa siyang balak na kumalas sa mga ito.

"We're so proud of you, Anak." Ani ng kanyang papa.

"Yeah. Napakatalino talaga ng bunso niyo, Papa. Elementary and High school, valedictorian. Ngayong college naman, magna cum laude." Sang-ayon naman ng kuya niya.

She glanced at her mother as she affectionately strokes her hair.

"I want to apologise for what happened years ago, Anak. Naloko at nagpaloko kami sa isang kasinungalingang inihain sa amin. At dahil doon, nasira ang mga panahong dapat na k-kasama mo kami at maganda sana ang pamumuhay. I'm r-really s-sorry, Anak." Lumuluhang sabi ng mama niya.

Siya man ay naninikip na naman ang dibdib. At sa garalgal na boses, "It's not y-your fault. Don't blame yourselves for what happened. Let's just forget about it. At least naitama na po ang lahat. Magkakasama na ulit t-tayo. We can make new and more memories again."

"Yes. While we're doing that, I'll make sure that that man will pay for what he did." Sabi ng papa niya.

Sandaling naghari ang katahimikan bago nagsalita ang kuya niya.

"Welcome back, Louisa. To our family, where you rightfully belong."

Pero bigla namang bumusangot.

"I just can't believe na boyfriend mo na siya. Ni wala man lang nabanggit noong magkita kami." Nagmamarakulyong sabi ng kuya niya.

Natawa naman siya. Naiinis ito dahil hindi man lang daw siya naprotektahan nito sa mga manliligaw niya. Hindi raw nito nagawa ang "kuya duties" nito sa kanya. Sana raw ay hindi muna siya nag-boyfriend.

"Leave it, Luke. Tommy is a good man. We know what kind of family he comes from." Pag-aalo ng mama nila rito. "Isa pa, he's the one who told you where your sister is. Let's just be thankful."

Napangiti siya. Masaya siya na aprubado ang mga ito sa relasyon nila ni Tommy. Excited na siyang ibalita iyon dito. Gusto na niya tuloy na makipagkita sa lalaki. Kapag nagkita sila ay ikukwento niya rito ang mga nangyari.



==================



HINDI na niya mahintay na ibalita kay Tommy ang lahat kaya tinawagan na niya ito. Hindi na niya na text o natawagan ito kahapon dahil nawili na siya sa reunion nilang pamilya. Kahit ito ay hindi na siya natawagan o na text. Mukhang marami talaga itong trabaho.

"Hello, my Lo-Bi." Malambing na sabi nito. Hindi niya mapigilang kiligin. "I'm sorry I haven't been able to call you yesterday. Nagkaroon kami ng meeting nila Papa. You would not believe it. Inabot na kami ng gabi. And now we're having another one here in Ilocandia."

"Really? Sorry, I didn't mean to distur-"

"It's okay. I'm glad that you called. I need a break, really. The meeting is boring me and I miss you already."

Kahit hindi siya humarap sa salamin ay alam na niyang namumula siya.

"I m-miss you too, Mmy." Pabulong na sagot niya rito.

Mahina namang natawa ito sa kabilang linya. Shucks! He knows the effects he has on me.

"Ikaw naman, nami-miss mo agad ako." Alam niyang may ngiti sa mga labing sabi nito. He's teasing her.

"Yeah, right." She just rolled her eyes. "I just need to see you. I have something to tell you."

"Now you want to see me."

Again, she rolled her eyes.

"I'll fetch you right after this meet-"

"No. No!" Pigil niya rito. "Ako na lang ang pupunta sa iyo. Anong oras ba matatapos ang meeting ninyo?"

"This will end soon. By the time na dumating ka rito, tapos na kami. Look, I'll just instruct Papa's driver to fetch you."

"No need. May driver ako. I'll let you know kapag malapit na kami."

"Driver?" Takang tanong nito.

"That's what I'm gonna tell you later."

"Okay. See you later. I love you."

She smiled. "I love you too."


==================❤️❤️❤️

Hello po to Ate/Ms. @NannetteVicedo! Thanks po!

Thank you rin po sa inyo,

@maricabrera092 @Elchiquitita @KierKlaus @JaymalynMillare @EmphyBorromeo @MaySaner9 @DianaCastro890 @EthanJacobMahayag @joye613 @YanniehKambal @RizzeTheBookWitch @rhianmanlunas @Blishbelle @sasarac21 @CharmaineBungay3

Di talaga ako makapagTag :(
Diko kayo ma-mention...

==================❤️❤️❤️
Posted: April 25, 2021 8:25 pm

Please, Love Me Too [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon