PART 3

63 3 0
                                    


"HMM... patayin mo. Maingay." Nagrereklamong sabi ni Louisa nang marinig ang malakas na tunog na iyon.

"Gusto ko pang matulooog."

Pero hindi pa rin tumitigil ang ingay na iyon. Nanggagalaiting napaluhod na siya sa kama at nanliliit ang mga matang hinanap ang pinanggagalingan ng ingay.

Nang sundan niya ay nagmumula iyon sa kanyang nightstand. Cellphone niya pala ang nag-iingay at ringtone niya ang tumutugtog.

Ngunit nang sasagutin na niya iyon ay hindi na niya naabutan.

Sino naman kaya ito at ang aga-agang mang-bulahaw? Hindi kasi naka-register sa kanyang contacts ang number ng tumawag.

Ipinatong na niya muli iyon sa mesa para bumalik sa pagtulog nang bigla ulit iyong tumunog. Pero hindi na ringtone ang tunog niyon kundi ang kanyang alarm.

Argh!

Hahayaan na lamang sana niyang mag-snooze iyon nang biglang may naalala.

Mabilis na napabalikwas siya sa kama.

"Tommy!"

Naalala niya bigla ito. Nag-set nga pala siya ng alarm upang mabantayan ang oras ng pag-inom nito ng gamot. Mabilis na pinasadahan niya ang kanyang buong apartment. Wala siyang maramdaman na kahit na anong sign na naroon ang binata.

Kinuha niya ang cellphone para sana tawagan ito nang maalalang wala nga pala siyang number ng binata.

Nakaramdam siya ng kirot sa kanyang dibdib.

She sighed. Hindi man lang nagpaalam. Ginawa lang akong tagapag-alaga.

Sabi ko naman sayo, tigilan mo na, pigilan mo.

Ibabalik na lang niya ang cellphone sa nightstand nang mahagip ng kanyang mga mata na may nakasulat sa alam niyang bakanteng notepad niya na nakapatong doon.

Kinuha niya iyon at binasa.

Thank you for taking care of me. I appreciate it a lot and I'm very much willing to reciprocate. Be ready Louisa, I'll fetch you at 9 am sharp.

Yours, Mmy

Napangiti na siya. Sa nabasa ay nagkaroon ng buhay ang puso niya. Hindi naman pala siya nito iniwan at pinagpawalang bahala ang mga efforts niya.

Na-excite siya. Lalabas kami! Pero dagli ring nawala iyon at nanlalaki ang mga matang napasinghap nang mapatingin siya sa orasan.

8:20 na!

Nagmamadali siyang tumayo sa kama at dumiretso na sa banyo.



==================



NAGPAPATUYO na ng buhok si Louisa nang makarinig siya ng ugong ng humintong sasakyan. Hindi man niya makita ay alam na niyang ang binata iyon. Hindi niya alam kung paano ngunit base na rin sa paglukso ng dibdib niya at ang antisipasyong nararamdaman ay tanging si Tommy lang ang dahilan niyon.

Ilang sandali pa ay narinig na niya ang doorbell. Pagbukas niya ng pinto ay si Tommy nga ang nakita niya.

Mukhang maayos na nga ito. Hindi na kakikitaan na may sakit. Wala na ang pamumula ng mukha nito katulad kahapon.

Bagkus ay napakagwapo at preskong tingnan nito sa suot na puting v neck t-shirt at maong na pantalon.

Mabuti na lang at naaayon ang suot niyang short shorts at puting blouse na balak niyang samahan ng rattan sling bag.

Nang tingnan niya ang mga paa nito ay nakita niyang nasosuotan iyon ng sneakers. Katulad ng sa kanya.

Lihim siyang napangiti. Parang nag-usap sila kung ano ang isusuot at parang naka couple attire.

Lihim din siyang kinilig. Magtigil ka nga Louisa! Para kang teenager.

She tried to conceal her smirk.

Nang matapos niyang pasadahan ng tingin ito ay nakita niyang ganoon din ang ginagawa nito bago bumalik sa mga mata niya ang tingin. She felt herself blush.

"Are you ready?" Nakangiting tanong nito.

Kagat ang labing tumango siya. Pumasok sandali sa loob upang kunin ang kanyang sling bag.

Paglabas niya ay bungkos ng mga puting rosas na ang nakita niya.

"For you." Sabay abot nito ng mga rosas. May kinang na kaakibat sa mga mata nito.

Hindi niya napansing hawak nito ang mga iyon kanina.

Napakaganda ng mga bulaklak. Halatang naalagaang mabuti. Habang naglalakad sila papuntang kotse ay inaamoy-amoy niya ang mga iyon.

Ang bango!

Pinagbuksan siya ng pinto nito. Lumobo naman ang puso niya sa simpleng effort nito. Katulad ng dati ay ganoon din ang ginagawa nito. Hindi na niya napigilan ang kilig at tuluyan nang napangisi.


4


==================

Posted: December 4, 2020 11:42 pm

Please, Love Me Too [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon