NAPA-IGIK si Louisa at naalimpungatan nang maramdaman niyang tumigil ang sasakyan at mamatay ang makina niyon. Nakatulog pala siya. Matapos kasi ng agahan nila ni Tommy kanina sa Ilocandia ay nagsabi itong may pupuntahan pa sila. May ipapakita raw ito sa kanya.Noong una ay napagkukwentuhan nila ang pagbalik nito sa Pilipinas. Tama lang pala ang hinala niyang kakabalik lang nito sa bansa. Mahigit isang buwan na raw itong nakabalik at inaasikaso ang pagpapatakbo ng ilang negosyo ng pamilya nito sa Maynila. Hindi na nga raw ito dumalo ng graduation at agad na bumalik na upang mag-umpisa nang magtrabraho.
Nang tumagal-tagal ang byahe nila ay nakaramdam siya ng antok - dahil na rin siguro sa pagbabantay dito kagabi - at hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. Nang tingnan niya ang orasan sa palapulsuhan ay halos isa't kalahating oras pala ang ibinyahe nila.
She blinked repeatedly to remove the sleepiness in her eyes.
Nagulat pa siya nang sa pag-ayos niya ng upo ay naka-recline ang upuan niya at may jacket na nakabalot sa kanya.
Nagtatakang napalingon siya kay Tommy. Na nakatingin at nakatitig na pala sa kanya. She felt herself blush.
"We're here." Pabulong na sabi nito.
Dagling iniwas niya ang mga mata at ibinaling iyon sa labas. Kakaiba kasi ang tinging ibinibigay nito. At hindi niya mawari iyon. Kahit sa labas na siya nakatingin ay wala roon ang focus niya. Nararamdaman pa rin kasi niya ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.
Mabuti na lamang at nagdesisyong bumaba na ito. Hindi na niya hinintay pa itong pagbuksan siya at bumaba na rin matapos ipatong ang jacket sa dashboard.
Pero nang makapunta na ito sa side niya ay bigla siyang napasinghap dahil bigla na lang nitong idinantay ang mga kamay sa bintana ng passenger seat. Dahilan para makulong siya sa pagitan nito at ng pinto.
Nanlalaki ang mga matang napaangat ang tingin niya rito. Napalunok siya. Ilang pulgada na lang kasi ang lapit ng mukha nito sa kanya. She can now perfectly see how beautiful his greyish eyes can be. Her heart rapidly beats again. Parang pangangapusan pa siya ng hininga.
"Next time, let me open your door for you, understood?"
Dahil sa bigla ay napatango na lamang siya.
Umiling ito. "I want your word, Lo-bi."
Pilit na nilunok niya ang bikig sa lalamunan at sinabing, "O-okay." Pero dagling napangiwi dahil sa tono ng boses niya. Papiyok kasi ang pagkakasabi niya niyon. Hindi na rin napansin ang palayaw na ayaw na niyang itawag nito sa kanya.
Nang sa wakas ay tumayo na ito ng tuwid at inilibot ang paningin ay saka lang siya nakahinga ng maayos.
Saka lang din niya nailibot ang paningin sa paligid.
Napangiti siya nang tumama ang malamig na simoy ng hangin sa kanyang mukha.
Kay ganda ng paligid. Mula sa sementadong barandilyang tinukuran niya ay kitang-kita ang view ng maliliit na bahay sa baba. Kahit ang mga nagtataasang mga building ay maliliit na lang din sa paningin niya. Muling umihip ang malamig at preskong hangin. Pumikit siya at dinama iyon. Kay sarap sa pakiramdam. Huminga siya ng malalim at pinuno ng fresh air ang baga. Minsan lang siya makalanghap niyon dahil iba ang hangin sa siyudad.
Nilingon niya ang binata. At dahil umiihip pa rin ang malakas na hangin ay tumabing ang buhok niya sa kanyang mukha.
With her squinted eyes - since her hair is blowing on her face - she saw Tommy smile and go near her. Tinulungan siya nitong alisin ang mga hibla ng buhok sa mukha niya at ito na mismo ang nagkumpol niyon sa likod niya. Napahigit siya ng hininga dahil sa nagkalapit na naman sila, kaya inilihis na lang niya ang tingin at pinagsawa ang mga mata sa napakagandang view. Naramdaman na lang niyang tinatali na nito ang buhok niya.
Marahil ay nakita nito ang ekspresyon niya kaya dagling nagpaliwanag ito.
"I figured this will happen, kaya nagdala na ako ng pantali ng buhok." Nang masiguradong lahat ng hibla ay nasama sa tali ay ngumiti ito. "There."
"T-thank you."
Hinawakan naman nito ang kamay niya. "Let's sit there." Iginiya siya nito sa isang bench na nalililiman ng puno. Kahit nakaupo roon ay kita pa rin ang magandang view.
"Where are we?" Tanong niya rito. Naalalang itatanong niya nga pala iyon dapat nang lingunin ito kanina.
"Antipolo." Nakita niyang sumandal ito at itinukod ang magkabilang siko sa sandalan. Siya man ay itinutok muli ang mga mata sa harap. "This is where I always waste my free time and unwind when I'm stress with work. Nang makita ko ito ay nagandahan ako. I know, it's crowded with houses and buildings, but I like the ambiance. Look at how the rays of the sun pass through those cloud's gaps. Wonderful, isn't it?"
"Yeah." Sumandal na rin siya at napa-relax sa bench na inuupuan. Isinantabi na magkatabi at magkalapit lamang sila ng binata. "Nakaka-relax nga lalo na at masarap ang simoy ng hangin. And with the tiny view of the city, seems like you're bigger than everything. Bigger than your problems. I think every time I will go here, it will brighten my mood."
Nagtagal ang katahimikan at magkatabing nakaharap lang sila sa magandang tanawin. Siya man ay ini-enjoy lang ang presko at malamig na hangin.
Natigil ang pagmumuni-muni niya nang maramdamang hinawakan nito ang kaliwang kamay niya. Pinigil niya ang sariling tingnan iyon at hinintay ang susunod na gagawin nito.
Pero tanging paghigpit lang ng hawak nito ang sumunod na naramdaman niya.
His hold felt like he doesn't want her to disappear... or go.
==================
Gusto ko pong i-dedicate ang Part na ito sa mga walang sawang sumuporta po simula sa una kong published na story. Sa inyo pong mga nag-Follow, nag-Vote, nag-Comment, at nag-Add po ng stories ko sa kani-kanilang mga Reading List, Maraming Salamat po!!
❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️
icewendy IamAyaMyers WickedFG jobedemiar MalouGalviso imcristinamarie AnnaRoseCusap bebeundo JamilaDominiqueDemes ranbalisi MaribelNogan0 user39832806 felyzamora75 cherylzkei ballpenniako user40949014 KrisMayAnneGidayao LalynTutor EarlpAcap kheline9 JhezzyTolentino
(continuation on part 3...)
==================❤️❤️❤️
Posted: December 8, 2020 6:30 pm
BINABASA MO ANG
Please, Love Me Too [COMPLETED]
RomanceLouisa has everything in life with her. Everything. She could not ask for more. Pero sabi nga, "you cannot have everything you want." For what she has was suddenly taken away from her. First is her best friend. Nasa murang edad pa lamang si Louisa a...