DAHAN-DAHANG sumipsip si Louisa sa in-order niyang frappe at pasimpleng pinasadahan ng tingin ang kabuoan ni Tommy habang kausap ang isa nilang kaklase noong elementary. Halatang namayat ito at base sa mga itim sa ilalim ng mga mata nito ay kulang ito sa tulog.Nakaramdam siya ng awa ngunit pilit na isinantabi niya iyon. Sa tuwing naaalala niya ang tagpong nakita niya sa Ilocandia ay naghihimutok siya sa inis.
Naroon sila sa isang café sa Makati kung saan napagkasunduan nilang magkita-kitang magkakaklase.
Nasa Metro Manila na pala ang iilan sa mga ito kaya napagdesisyonan nilang magkaroon ng maliit na reunion.
Pumunta na siya dahil nabanggit ng mga ito na hindi dadalo ang binata. Naisip niya na, at least, doon ay mada-divert ang isip niya sa ibang bagay.
Ngunit hindi niya inaasahan na magbabago ang isip ng binata at pumunta sa kanilang reunion. Pagdating nito ay nandoon pa rin ang pagbilis ng tibok ng puso niya tuwing nakikita ito. Mahal pa rin niya ito. Ngunit hindi maiwasang masaktan siya sa nakita.
Masaya na silang nagkukwentuhan nang dumating ito.
Ang mga kaklase ay natuwa samantalang siya ay nanlumo at kinabahan. At nangyari nga ang sumagi sa isip niya na lalapitan siya ng lalaki at kanina nga ay nilapitan siya upang makausap ng sarilinan.
Mabuti na lamang at nagtagumpay siyang maging civil na naitaboy ito. Akala niya ay hindi iyon mapapansin ngunit alam niyang napansin ng mga kaklase iyon at pasalamat siya na pare-parehong walang sinabi ang mga ito.
Nakita niyang nagpaalam ito saglit sa kausap at papuntang muli sa kanya. Sa taranta ay napalapit siya sa katabi niyang si Jeffrey at naidantay ang braso sa mga balikat nito. Ang siste ay mukha tuloy niyang yakap ito.
Naghabi na rin siya ng kung ano-ano para lang may masabi kay Jeffrey at kausapin ito.
Sa gilid ng mga mata ay nakita niyang natigilan si Tommy sa kanyang ginawa at dali-daling umalis na roon.
Narinig pa niyang tinawag ito ng isa pa nilang kaklase ngunit tuloy-tuloy lang ito.
She suddenly cringed of what she did with her former classmate. Ginamit pa niya ito para lang makalayo kay Tommy. Napapikit rin siya ng mariin nang ma-realize na posibleng magselos din ang binata sa ginawa niya. Hindi niya intensyong pagselosin ito at gantihan.
"Okay! Spill it out!" Nagulat siya nang magsalita ang kaharap niyang si Sarah. Naka-lean pa ito ng husto sa mesa at titig na titig sa kanya.
"W-what are you talking about?" Tanong niya rito. Grabe ang tingin nitong mapang-usisa.
"C'mon Lou. Akala mo ba hindi namin napapansin? You're clearly avoiding Tommy. Tapos pinagselos mo pa siya with Jef-"
"I didn't intend to do that." Mabilis na pagtatama niya rito.
"Then what happened? Bakit mo siya nilalayuan?"
She deeply sighed. Hindi niya alam ngunit kusa na lang na bumuka ang bibig niya at kinuwento ang mga nangyari sa mga ito. Ang mga ito naman ay tahimik lamang na nakikinig. Saka lang nagsalita ang mga ito nang matapos siya.
"You know what, kapag nakikita namin kayo noon, feeling na namin magiging kayo." Sabi ng isang katabi pa niya na si Jea.
"Looking back, I realized, tama si Jea. Kung makatitig kasi si Tommy sayo eh. Lalo ka na sa kanya." Ani Jeffrey.
Napakunot ang noo niya. Ganoon siya ka halata noon?
"Saka lagi kayong magkasama." Sabi ng isa pa nilang kaklase.
"Siguro hindi pa lang nare-realize ni Tommy noon." Anang isa pa.
"Think about it. Kung noon pa man, ganoon na siya sayo, at naghintay ng halos walong taon, ano naman ang dahilan niya para baliktarin ang mga sinabi niyang iyon ngayon?" Tanong naman ni Sarah.
May punto ito.
"Dear, just talk to him and hear him out first. He clearly wants to talk to you. Siya na ang nagri-reach out, girl. Ngayon, ikaw naman. Listen to him." Paglilinaw ni Jea.
Sa mga pinayo ng mga ito ay nalinawan na siya. Kakausapin na niya si Tommy. Wala na siyang paki-alam kung masasaktan siyang muli o hindi sa mga pag-uusapan nila. Ang mahalaga ay mapag-uusapan nila ang bawat side ng isat-isa. Kaysa magsisi pa siya.
==================
SHE TRIED reaching out to Tommy, pero hindi ito sumasagot sa mga tawag niya.
Marahil ay nagtampo na ito sa kanya. It made her heart ache and felt remorseful because she steer clear off from him. Talagang nasa huli ang pagsisisi.
"Why are you frowning, Sis? Dapat masaya ka ngayon dahil graduation mo, hindi ba?" Pansin sa kanya ni Katherine. Araw ng graduation niya ngayon at naroon ito kasama ng kanyang pamilya. Naghihintay na lang sila sa lobby. Ilang minuto na lamang at papapasukin na sila sa hall at magsisimula na ang seremonya.
Graduation niya nga ngayon at dapat ay maging masaya siya at excited. But something is missing. At alam niya kung ano iyon. Rather, someone.
"Hindi ko pa rin kasi siya ma-contact, Sis." Nag-aalalang sabi niya. Paano kung huli na pala siya. Paano na?
Inayos nito ang kinulot nitong buhok niya. "I know he loves you so much, Louisa. I saw it through him. So, don't think too much. Ini-stress mo lang ang sarili mo. At huwag mong hahayaan yan dahil nakaka-a-attract ka lang ng negative vibes. And negative vibes turns out having bad happenings. So, stop it."
"Pero paano na lang kung huli na pala ang lahat?"
"Then it's his lost. Not yours! At least nalaman mo kung gaano siya kawalang kwenta." Katherine tsked. "Napapahugot tuloy ako. Malay mo, he only needs time. Or maybe, he is giving you enough time. For sure he'll come around eventually. As I've said, nakita ko kung gaano ka niya kamahal. Impossible naman siguro na mawala iyon agad-agad. Naghintay siya ng halos walong taon para lang iwan ka dahil lang sa maling akala? Don't me, ah. Don't me."
May kaunti pa ring siyang pag-aalala ngunit kahit papaano ay napanatag siya. Pero nag-announce na ang head dean nila na pumasok na ay wala pa ring Tommy na dumarating.
Matagal na niyang nasabi ang araw ng graduation niya at nangako itong dadalo. Ngunit nagbago na ata ang isip nito.
Sa loob ng ilang oras ng seremonya ay tanging ang mga nais niya lang at gustong sabihin kay Tommy kapag nagkita sila ang nasa isip niya. Kung paano siya hihingi ng kapatawaran sa pangbabalewala rito. Ni hindi na nga niya napakinggan ang speech ng speaker ng graduation rights na iyon.
Sandaling nabaling sa iba ang isip niya nang umakyat na siya sa stage kasama ang kanyang mga magulang at kuya. Napaluha siya. Iyon ang gusto niyang makamtan noon pa. Ang makasama ang mga ito sa entablado at ang mga ito ang magsabit sa kanya ng medalya. Gusto niyang maging proud ang mga ito sa kanya at alam niyang iyon ang nararamdaman ng mga ito. Kinutsaba niya si Katherine na ramihan ang pagkuha ng larawan. She wants more souvenirs and memories to look on from that day.
Natapos na ang seremonya at papunta na sila sa hotel na pag-aari ng kanyang kuya Luke dahil doon din sila magse-celebrate at kakain.
Palabas na sila nang mapatigil siya nang makita niya kung sino ang naghihintay sa kanila sa labas.
==================❤️❤️❤️
Sino kaya sa tingin niyo yung naghihintay? Hmmm...??? 🤔🤔
==================❤️❤️❤️
Posted: May 31, 2020 9:15 pm
BINABASA MO ANG
Please, Love Me Too [COMPLETED]
RomanceLouisa has everything in life with her. Everything. She could not ask for more. Pero sabi nga, "you cannot have everything you want." For what she has was suddenly taken away from her. First is her best friend. Nasa murang edad pa lamang si Louisa a...