PART 2

50 1 0
                                    


INAASAHAN niyang sasalubungin siya ni Tommy kapag dating niya dahil inabisuhan na niya itong malapit na siya, pero hindi niya akalaing iba ang madadatnang tagpo roon.

The scene made her heart shatter.

Tommy is sitting at the table, with a woman across him, whose hand is holding her boyfriend's hand.

That woman is none other than Margareth.

Si Margareth ang ka-meeting nito? Magkakilala ang mga ito? Mas pinili pa nitong makipag meeting sa babae kasya puntahan at sunduin siya? Sunod-sunod na tanong niya sa isip.

They look so sweet and so happy.

Bumalot ang sakit at lungkot sa dibdib niya. Wala na ba talaga itong gustong gawin kundi agawin ang lahat sa kanya? Pati ba naman si Tommy? Hindi lang iisang beses nitong ginawa ang ganoon. At alam niyang sinasadya nito ang mga iyon para pasakitan siya.

Iyon at iyon nga ang naging dahilan kung bakit siya umalis...



Mabilis na bumaba siya ng hagdan nang marinig ang tunog ng nahimpil na kotse. Ibig sabihin niyon ay dumating na ang mama at papa niya galing sa mall na nasa bayan. Isang oras din ang byahe mula roon papunta sa kanilang mansyon. Hindi niya alam na pupunta pala ang mga ito roon. Nalaman lang niya sa kanilang mga kasambahay.

Nagulat pa siya nang sa pagbaba niya ay nadatnan niyang nagtatawanan ang mga ito kasama ang kuya Luke niya at si Margareth. Kasama sila? Pero bakit hindi ako kasama?

"Oh, Anak. Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ng mama niya nang makita siya.

"Pakiramdam ko po?" Takang tanong niya.

"Oo, Hija-"

Naputol ang sasabihin nito nang biglang lumapit si Margareth at yakapin ito. "I took the liberty to inform them na masama ang pakiramdam mo kaya hindi ka nakasama sa pamamasyal. Ayaw naman namin na mas lalong lumala iyon kaya hindi ka na namin inabala pa."

"That's true, Anak. Ayos ka na ba? Bumili ako ng paborito mong Miki para naman mainitan ang sikmura mo." Tanong naman ng papa niya. "Nangan kan?" (Kumain ka na?)

Napatitig siya kay Margareth nang humarap ito sa kanya. Masama ang tinging ibinigay nito sa kanya at inuudyukan siyang sumagot na nagsasabing 'ayusin mo yang sagot mo.'

Halatang gumawa ito ng paraan para lang hindi siya makasama sa pamamasyal at masolo ang kanyang pamilya. Noong una ay inintindi niya iyon para magkaroon ang mga ito ng bonding time. Pero iilang beses na rin iyong nangyari. At ngayon ay inuudyukan siyang magsinungaling sa mga ito. Pero ano nga ba ang magagawa niya, wala naman siyang karapatan sa trono nito.

Napahinga siya ng malalim. Dahil sa sakit na nararamdaman sa dibdib ay napatango na lamang siya. She held back her tears. Pilit na pinapanatag ang sarili dahil nararamdaman niyang tutulo na lang ang mga luha niya.

Nakita niya ang pagtaas ng gilid ng labi nito sa pagsang-ayon sa ginawa niya.

"You know what?! Nag-shopping kami ni Mama. Super saya! Super bonding time! I even told her I'll shop for you." Masayang sabi nito. Matamis ang ngiti nito na kinuha ang dalawang paper bag na hawak ng kuya niya. Pero pagbaling sa kanya ay halatang plastik iyon. "Look! I bought this for you!"

"S-salamat." Pilit na pinatatag niya ang boses. Ayaw niyang ipakita rito na nagpapaapekto siya. Pero sa lungkot na nararamadaman ay mas gusto muna niyang magkulong muna sa kwarto. Mukhang magkakatotoo ang hinabi nitong kwento na masama ang pakiramdam niya.

"Sige po. Aakyat po muna ako." Hindi na niya hinintay ang sagot ng mga ito at bumalik na sa kanyang silid. Saka ibinuhos ang sakit at pighating nararamdaman.


==================


"YOU should go to your real family, you know."

Napalingon siya sa pinto nang marinig si Margareth.

Naroon siya sa kusina at nagpe-prepare ng makakaing meryenda.

Lumapit ito sa kanya at inabot ang isang tarheta. "That's the calling card of your Tito Eldo. The one I've grown up with, which supposed to be na ikaw ang totoong kasama niya kaysa ako." Mataray na sabi nito. "You should call him now, para naman masundo ka na niya."

"Pero hindi pa naman ako pina-paalis nila Mama."

"Correction! My Mama. My family. Not yours. Dapat nga hindi mo na sila tinatawag ng ganoon. You don't have any right no more." Then she crosses her arms. "Isa pa, syempre hindi nila magagawang sabihin iyon sa harap mo. Knowing you. So dramatic! Kaya you should be the one making the move."

Ang sumunod na ginawa nito ay nagpagulat sa kanya kaya hindi siya nakahuma agad. Tinulak siya nito kaya napaupo siya sa sahig at nabitawan ang plato na naglalaman ng cupcake at donuts. Nabasag iyon at naglikha ng ingay sa tahimik na bahay.

Umahon ang galit sa dibdib niya at itinulak din ito. Siguro ay hindi nito inaasahan na gaganti siya kaya bumagsak din ito sa sahig.

Na siyang naabutan ng kanyang kuya.

"Anya ti ububraen yo nga duwa?" (Anong ginagawa ninyong dalawa?) Dinaluhan nito si Margareth at tinulungang tumayo.

Magpapaliwanag na siya nang unahan siya ni Margareth. Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa nito.

Nag-umpisang umiyak ito at yumakap sa kanyang kuya Luke.

"I just told her that Tito Eldo wants to meet her n-na and he wants her to be with him na. P-pero sinabihan niya ako na bumalik na kay Tito dahil wala raw akong k-karapatan sa pamilyang ito. And then she pushed me!"

Binabaliktad siya nito!

"Is it true, Louisa?"

Napatingin siya sa kanyang kuya. Magpapaliwanag na sana siya nang makita ang dilim ng mukha nito.

Naumid ang dila niya. Pinapaniwalaan nito si Margareth?

"Go to your room."

Lumunok siya para mawala ang bara sa lalamunan. "P-pero Kuya-"

"Now, Louisa." Maigting na sabi nito.

Bago pa siya makalabas ay nakita niya ang nanguuyam na ngisi ni Margareth sa kanya.



==================



MAHIHINANG katok ang narinig ni Louisa sa pinto ng kanyang silid.

Pero hindi niya binuksan iyon at tahimik lang na lumuluha sa ilalim ng comforter niya sa kama. Aalis din ang kumakatok kung hindi siya magsasalita at magtutulog-tulugan. Ayaw na muna niyang humarap sa kahit na sino.

Ngunit napapikit siya ng mariin nang marinig ang pagbukas at pagsara ng pinto. Mas lalo pa niyang isiniksik ang sarili sa kumot.

Naramdaman niyang lumundo ang kama nang umupo ang kung sino roon.

"I know you're awake."

Hindi pa rin siya gumalaw.

Bumuntong-hininga ito. "Alam kong hindi mo talaga sinadya iyon, Ading."

Napahikbi naman siya sa narinig.

"Hey." Dahan-dahang inalis nito ang nakatalukbong na comforter sa kanya.

Sinalubong niya ang mga mata nito. "How d-did you know? Don't tell me she told you."

"No, I figured it out." Pabulong na sabi nito habang pinupunasan ang kanyang mga luha. "Don't worry. Pinagsabihan ko na siya."

"I-I thought pinaniwalaan mo talaga siya."

"I know you, Ading. You wouldn't do that." He sighed. "I'm sorry about my tone a moment ago. You know me. Ayoko lang may pinagsasabihan sa harap ng ibang tao kaya pina-akyat muna kita."

"And you're here because it's my turn to be scold."

"No. I just want to apologise for what happened. You two are both of my sister. I don't want you two fighting. But as much as I want the both of you to be close, gusto kong, as much as possible, layuan mo na lang muna siya hanggat maaari at huwag pansinin. I know this situation is hard for the both of you. And I know na sa inyong dalawa, ikaw ang mas nakakaintindi. I just need you to have more patience."

Nodding, "I understand." She then looked up at him. "You're not mad at me, Kuya?"

"Mad at you?!" Tiningnan siya nito na para siyang nababaliw. "I will never get mad at you, Ading. Always remember that."



==================



PERO kahit anong gusto ng mga itong manatili siya sa pamilyang iyon ay miminsan na nakakaramdam pa rin siya ng sakit at selos na nag-udyok sa kanyang magdesisyon na sumama na sa kanyang totoong tiyuhin.

Hindi na niya kakayanin pa na ganoon na lang lagi ang nararamdaman.

Tinawagan na niya ang numero na nakasulat sa binigay na tarheta ni Margareth at nagpasundo na sa kanyang Tito Eldo.



==================

...continuation

Sa patuloy pong nagbabasa, nagbo-Vote, nagpa-follow at nag-Add ng gawa ko sa kanilang mga library...

Thank you so much po sa inyo:

@DaisyGraceLobo @DucoRachelle @ClarissaLlacuna @RubelynSacendoncillo @CharrySeleciaCornet3 @arahbalmes @JacklynGarcia1 @KayePardeOrcales @dimpleshangi @evones1516 @MEnDoZaAnNEO @Ahamadmarsilyn @khulet0913 @EshemirZulueta @RebambaMarlyn @AlRn141 @MinSanFelizLegaspi @RonalynRegala0 @tintinyanno @Ericapelayo8 @angelaljas

may continuation po ulit sa susunod na Chapters hehe

==================

Posted: May 29, 2021 8:38 pm

Please, Love Me Too [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon