KAKAUWI lang ni Louisa sa kanilang mansyon para ibigay sa kanyang mama at papa ang kanyang report card, at para ibalita na rin sa mga ito na siya ang tatanghaling Valedictorian para sa school year ng eskwelahan nila ng mga sandaling iyon, nang makita niya ang kanyang mama na umiiyak sa sala kasama ang papa at kuya niya. Kasama rin ng mga ito ang ninong ng kuya niya na siyang abogado rin ng kanilang pamilya.Mabilis na dinaluhan niya ang kanyang mama. Worried that something bad had happened to her mother.
"Mama, what happened? Bakit po kayo umiiyak?" Pero patuloy lang ito sa pag-iyak. Ni hindi mai-angat ang mukha mula sa mga palad. Hindi niya alam ngunit parang may iba. She has a feeling that something bad is going to happen. But she set it aside.
"Papa?" Nagtatanong ang mga matang tiningnan niya ang kanyang papa, ngunit tumungo lang ito at hindi siya sinagot.
Nang tingnan naman niya ang kanyang kuya ay malungkot lang itong nakatingin sa kanila ng ina.
Lalong umusbong ang kaba sa kanyang dibdib. Gustong malaman agad kung ano talaga ang nangyari. Ngunit wala namang sumasagot.
Sinubukan niyang tanungin ang kanilang abogado na naging parte na rin ng kanilang pamilya. "Tito, ano po ba talaga ang nangyari? Bakit po umiiyak ang mama?" Nag-aalala nang tanong niya. Malapit ng mainis na kung ito ay hindi rin sasagot ay sa tingin niya'y sasabog na siya.
Umiling lang ito. "I'm sorry, Hija. But it's not up to me, to tell you what happened."
Pilit niyang pinahinahon ang sarili. Kuntodo alala na siya pero wala namang gustong magsabi kung ano ang nangyayari. Wala ba siyang karapatang malaman kung ano ang dahilan at kung ano ang nangyayari sa kanyang pamilya?
"Mama, tungkol saan po ba ito? Bakit ayaw niyo pong sabihin?" Mahinahon niyang tanong.
"Anak, kasi-" Umpisa ng kanyang papa.
Pero dagling nagsalita ang kanyang mama at pinutol ang sasabihin nito. "Don't." Kahit hilam sa luha ay nagbabanta ang tingin sa asawa.
"But hon-"
"No! It's not true... So, there is nothing to tell." Maigting na sabi nito.
Nagulat siya nang bigla siyang yakapin ng kanyang mama. "She's mine." Sinubukan niyang kumawala upang makaharap ang kanyang mama. Naguguluhan kasi siya sa mga sinasabi nito. Pero mas humigpit lang ang yakap nito sa kanya. "She will always be mine."
"But we still have to tell the truth, Jenna." Malumanay na pagpapaliwanag ng kanyang papa. Tiyak niyang seryoso ito dahil pangalan na ng mama niya ang ginamit nito.
Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mga magulang. Hindi niya matukoy kung ano ang pinagtatalunan ng mga ito. Pero siguradong-sigurado siya, na siya, at tungkol sa kanya ang problema ng mga ito.
Nang tingnan niya ang kanyang papa ay may kalakip na simpatya at lungkot ang mga mata nitong nakatingin sa kanyang mama. Pero hindi nagpatalo ang kanyang mama. Kakikitaan pa rin ng pagtutol ang ekspresyon nito.
Then there is a silent debate between the two of them that her mother had to retreat as she can now see the plea in her eyes. But her father only shook his head against her mother's plea.
Nang makita niya iyon ay hindi na niya napigilan ang bugso ng kanyang damdamin at tuluyan ng sumabog.
"Please! Just say it! And don't ever tell me that this is not about me because without any doubt that this," itinuro niya ang kanyang sarili. "This is all about me."
Kailanman ay hindi siya naging ganoon sa harap ng mga ito, ngunit hindi na niya maalis ang takot at pag-aalala sa kanyang dibdib. Kailangan na niyang malaman kung ano man ang dahilan kung bakit nagkaka-ganoon ang kanyang mga magulang.
"You are not a Brigaste."
==================
NAPALINGON siya sa nagsalita.
Hindi niya akalain na rito pa manggagaling, at ito pa ang magsasabi kung ano ang itinatago ng mga ito sa kanya.
Sa una ay hindi pa gaanong nag-sink in sa kanya ang sinabi nito.
"Anong sinabi mo, Kuya?"
His brother pursed his lips and averts his eyes away from hers.
"You're not my r-real sister, Louisa."
Hearing that, she felt nothing at first. Then all of these emotions suddenly came to her senses: confusion, fear, sadness, and somehow, a little bit contempt. She can't believe what her brother just said. Hindi namalayang nabitawan ang hawak-hawak na report card.
Isa-isa niyang tiningnan ang mga magulang. Na parehong nakatunghay sa kanya. Ang ama ay seryoso ang mukha ngunit may lungkot na makikita sa mga mata. Ang kanyang ina naman ay patuloy sa pag-iyak habang hawak ng mahigpit ang kanyang mga kamay.
Naisip pa nga niya na niloloko lang siya ng kanyang kuya. Na nagbibiro lang ito.
Ayaw pa niyang maniwala, ngunit nakita niya ang pagbalong ng luha sa mga mata nito. Sa mga sandaling iyon ay parang tumigil ang pag-inog ng mundo. Alam niyang kahit kailan ay hindi ito nagsinungaling sa kanya.
Suddenly, she can't breathe properly. Unti-unti ring bumalong ang mga luha sa kanyang mga mata. Napahawak siya sa dibdib at pilit na hinabol ang hininga. Taking deep breaths to somehow ease the pain that's in her heart.
This can't be happening! I'm a real Brigaste! I'm their real daughter! I'm-
"H-how?"
Narinig niya ang paghikbi ng kanyang mama sa kanyang tabi ngunit hindi niya nilingon ito. Nakatingin lang siya sa harap, pero wala talaga roon ang pansin niya. She's like trying to shut down her emotions.
Matagal bago may sumagot. Parang pinapakiramdaman ng mga ito kung ano ang magiging reaksyon niya. Nanatili lang siyang nakatingin sa harap. Hindi tinatapunan ng tingin ang mga ito.
"Someone came to your Tito's office firm and told him that that man is your real... uncle. He's insisting that you are his niece." Anang papa niya. "May dala-dala siyang mga papeles na nagpapatunay na ang lumaking bata sa poder nila ay ang totoo naming anak."
"And we're disturbingly surprised that his lawyer brought original documents to prove that." Segunda naman ng abogado nila na noon lang sumali sa usapan.
Doon na nagbagsakan ang mga luhang pinipigilan niya. Parang isang bomba iyong pinasabog sa kanya. Hindi niya akalaing sa hinaba-haba ng masasayang pagsasama ng pamilya nila ay doon hahantong ang mahigit labing-pitong taon ng buhay niya.
Ikinulong ng kanyang mama ang mukha niya sa mga palad nito. "Don't fret, Anak. Itatama namin ito ng papa mo. Ikaw ang tunay naming anak, Louisa. Ikaw ang anak ko." Muli ay nagbagsakan na naman ang mga luha nito.
Sa sobrang sakit ng kanyang nararamdaman ay napatango na lang siya, kumawala sa hawak nito at lumuluhang tumakbo papunta sa kanyang silid.
==================
Posted: October 9, 2020 8:00 pm
BINABASA MO ANG
Please, Love Me Too [COMPLETED]
RomanceLouisa has everything in life with her. Everything. She could not ask for more. Pero sabi nga, "you cannot have everything you want." For what she has was suddenly taken away from her. First is her best friend. Nasa murang edad pa lamang si Louisa a...