PART 1

51 2 0
                                    


"HAAY. Nakakapagod din pala sa byahe. Mas masarap pa ring matulog sa kama kaysa sa reclining chair at bus na maalog." Lantay na sabi ni Louisa saka pabagsak na humiga sa kama. Pero mas okay kung kayakap ko pa rin si Tommy.

Kakarating lang nila sa hotel na tutuluyan nila ni Tommy for two days and one night. Ngunit kung tutuusin ay isang gabi lang dahil wala naman sila doon sa araw dahil sa pamamasyal. Para sa tulog lang talaga iyon. Mamaya pa raw sila susunduin ng van para sa tour mamaya kaya may oras pa silang makaidlip at mag-freshen up.

"Hey. Bago ka matulog ulit, you better look at the view outside." Narinig niyang sabi ni Tommy sa kaliwa niya.

Alam niyang nakahiga na rin ito sa sarili nitong kama. Napagdesisyonan nilang Twin room na lang ang kunin. Noon pa man ay sanay naman na sila sa iisang kwarto. Mas makakatipid pa kaysa two bedrooms pa ang kukunin nila. Nahiya na rin siya dahil puro sagot ng binata ang gastos nila.

Pinilit niyang bumangon at sinunod ang sinabi nito.

Sa pagpunta niya sa balcony ay mabilis niyang kinusot ang mga mata. Is she hallucinating? But when she opens them again ay nandoon pa rin ang mga nagtatayugang Bangui Windmills di kalayuan sa tinutuluyan nila.

Naguumapaw na kasiyahan at excitement ang naramdaman niya nang makita ang mga iyon. Dagli siyang napatakbo sa nakaupo nang si Tommy at mabilis niyang niyakap. Dahilan upang mapahiga ulit sa lakas ng impact na ginawa niya.

"Oh. m gee! Thank you! Thank you!" Sa sobrang saya ay nahalikan niya ito.

Nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto kung ano ang nagawa niya. Kahit na nagkanduduling ay nakita niyang maging ito ay nagulat din. Pero nang lalayo na siya, ay siya namang pigil nito sa batok niya at palalimin ang halik.

Sinubukan niyang lumayo ngunit parang naliliyo siya sa halik nito at nahihipnotismong napayakap muli ang dalawang braso niya sa leeg nito.

Hindi rin nagtagal ay pinakawalan na siya nito. Ngunit nanatili lang silang magkayakap.

"Hmm...That's a first."

"Argh! You don't have to say that!" Mabilis na isiniksik niya ang mukha sa dibdib nito upang matago ang tiyak niyang namumula ng mukha. Na-excite lang naman siya kaya napahalik dito.

Naramdaman niya bago narinig ang mabining tawa nito. "Come on, let's take a nap first. My oras pa tayo bago sunduin."

"Okay." Tatayo na sana siya nang humigpit ang pagkakayakap nito sa baywang niya at isama siyang umayos ng higa sa kama nito.

"Wait-"

"Ssh. Inaantok pa rin ako dahil naalimpungatan ako sa alog ng bus kanina. Let me sleep."

"Sige. Pero hindi mo naman kailangang kayakap ak-"

"Ssh." Wala na siyang nagawa nang idiin nito ang mukha niya sa leeg nito.

Which is a wrong move of him dahil sininghut-singhot lang niya ang bango nito.

Hmm. Heaven.


==================❤️❤️❤️
Posted: March 14, 2021 11:32 pm

Please, Love Me Too [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon