Part 3

72 3 0
                                    


TOMMY'S P.O.V

NANG mawala sa paningin ni Tommy si Louisa at tuluyan nang nakapasok sa kusina ay dahan-dahan siyang humiga sa sofa. Hindi ganoong mahaba at malambot iyon ngunit ayos na sa kanya.

Talagang nanghihina na siya. Kung bakit naman kasi kung kailan naman tapos na ang lahat ng mga dapat niyang gawin ay ngayon pa siya nagkasakit.

Mukhang mapupurnada pa ang mga plano niya. Pagkatapos na pagkatapos ng kanyang mga trabaho sa opisina ay doon na siya dumiretso agad. All the things he said the last time he saw her is true. Ngalan lamang ay tinapos muna niya ang mga trabahong iyon kaya hindi siya nakadalaw muli rito noong mga nakaraang araw. Halos hindi na nga siya nakatulog at nakakain ng maayos dahil na-excite siya sa pagpunta roon kaya tinapos na niya lahat. He missed her so much.

Papapikit na siya nang makita niya itong lumabas ng kusina.

"You should eat first para maka-inom ka ng gamot. Mabuti na lang at may stock pa ako ng paracetamol dito." Umupo ito sa tabi niya. "Pasensya ka na at ito lang ang meron ako ngayon."

Patungkol nito sa noodles na hinahalo nito. Napakunot-noo naman siya. Iyon lang ba ang kinakain niya?

"I also want to apologise, dahil imbes na idini-date kita eh, heto at ako pa ang inaalagaan mo." Sabi niya habang inaalalayan siya nitong umupo.

Nagdikit ang mga kilay nito. "D-date date ka jan. Tumigil ka nga. Ano ba kasi ang ginagawa mo rito? Hindi ka na lang dumiretso sa inyo at ng makapagpahinga ka. Look at you, you're not that even comfortable on the sofa. Ang laki-laki mo. Pagkatapos mo rito, lumipat ka roon sa kama." Saka siya sinubuan ng noodles. Napapangiti siya habang ngumunguya. Kinakabahan ito. May tendency kasi itong mag babble kapag kinakabahan. Ibig bang sabihin ay may epekto pa rin siya rito?

"Hindi ba sabi ko naman sayo ay babawi ako."

Natigilan ito. Pero dagli ring nakabawi at muli siyang pinakain.

He sighed. "Ayoko na." Marahang tabig niya sa kamay nito. Gustuhin man niyang alagaan pa siya nito, pero hindi na niya kayang kumain pa. Mas gusto niyang humiga na lang at matulog.

"Pero kaunti pa lang ang nakakain mo."

"Ayoko na. Wala rin namang lasa, eh." Nakita niyang nagdikit ang mga kilay nito dahil sa sinabi niya. Shit! Mali!

"Aba! Ikaw na nga lang itong nakikikain, eh."

"Louisa, wala akong panlasa." Inaantok nang sabi niya.

"Uhm... Sige... Oh, ito inumin mo na." Sabay abot ng gamot sa kanya.

Matapos niya iyong inumin ay inalalayan na siya nitong makahiga sa kama.

Inaayos pa nito ang kumot niya nang hawakan niya ang kamay nito.

"Thank you and I'm sorry kung hindi ako nakabalik agad. Marami kasing trabaho sa opisina. Tinapos ko muna." Paos na tinig na sabi niya.

"Once I'm okay, I promise, I'll make it up to you." Nakangiting sabi niya rito saka hinawi ang buhok na nakatabing sa mukha nito.

"Eherm... Uh... A-alam mo, antok lang yan. Matulog ka na nga at gigisingin na lang kita kapag iinom ka na lang ulit ng gamot. At nang maka-alis ka na bukas." Tumayo na ito.

Ngunit hindi nakaligtas sa kanya ang sumilay na ngiti sa mga labi nito.

Dahil sa ngiting iyon ay gumaan ang pakiramdam niya. Mukhang makakatulog siya ng maayos ngayon. Napangiti siya.

Hmm... Not bad. Not bad at all.



3



==================❤️❤️❤️


Today is a special day. That's why I've posted a complete chapter for this day. Hope you'll like it.

Enjoy! ^_^ ^_^


==================❤️❤️❤️

Posted: October 29, 2020 11:11 pm

Please, Love Me Too [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon