Chapter 4

94 5 2
                                    

× Kellin ×

Pagdilat na pagdilat ko palang alam ko na namamaga mata ko. Leshe naman oh. Buti walang pasok kaso ano sasabihin ko kay Ate Jen o kila Mommy? Hala! Kinapa ko sa kama yung phone ko at kinuha yun. May messages kaso di ko maiwasan madisappoint nang hindi ko makita yung Jasey sa new messages received. Tss. Naalala ko nanaman. Pero, no!

There's no point in crying, the tears won't bring him back to me.

But the sad part is, he never was mine. And never would be. Naramdaman ko nalang may tumulo sa pisngi ko. Ay? Umuulan? May sira ung bubong? Joke! Luha lang pala to.

Para kong baliw. Sige, Kellin, itawa mo nalang. Laugh your pain away. Diyan naman ako magaling. I always smile as if I'm not dying inside, as if everything's alright, as if nothing is happening.

Ughh, ang sakit na ng mata ko. Humahapdi. Maga na nga tapos pamamagain ko pa? Umupo ako at pinunasan yung luha ko. Ang lagkit na tuloy ng mukha ko. Tumayo ako at pumasok sa Cr.

Tinignan ko yung sarili ko sa mirror. Dark brown eyes, pointed nose, pink lips, white teeth, curvy body, long, wavy hazel-colored hair. Maayos naman ako tignan ah? Bakit ayaw niya sakin. Oh wait. Haha! Ako na rin pala ang nagsabi. Maayos ako, pero siya? Maganda siya. Okay. I get it.

Naghilamos na ako at nagtoothbrush. Lumabas na ako at humiga ulit sa kama. Wala naman akong plano ngayong araw na to. Kaya tambay lang sa kwarto. Naisip kong basahin yung conversation namin ni Jasey. Ini-scroll ko sa pinakataas. Yun pa yung first naming pagtetext nun. Kasi 3 months ago, crush ko na siya. Tapos last month ko siya naging ka-close and eto, M.U. pero ngayon..

Napapangiti nalang ako nung mga topic namin dati. Napunta sa birthday hanggang sa anong kinain niya kaninang umaga hanggang sa kung ano-ano. Haha. I really liked him that time.

*bzzzzzt* *bzzzzzt*

'Good Morning :)))'

My heart literally skipped a beat. Si Jasey yung nag-text. Wow ah. May nililigawan pero sweet parin siya?

'Oh, akala ko may nililigawan ka na? Dat sakanya ka mag-goodmorning XD' reply ko. Nilagyan ko ng XD para di halatang bitter. Agad naman siyang nagreply.

'Oo nga. Pero group message kasi yun.'
Oh, ganun ba? Pahiya ako onti. Oo nga naman kasi! Ang assuming ko naman masyado! Nako, nainis ulit ako kaya pinatay ko na at tumingin sa kisame.

Haaay, bat ang puti ng kisame? Daig pa ko. Ang boring dito hays. Tapos nagugutom pa ko.

Tumayo nalang ako at lumabas ng kwarto. Kung ano-ano na naiisip ko, gutom lang to kaya bumaba nalang ako.

"Ate Jen, ano pagkain?" Tanong ko. Nasan ba si Ate Jen? May naririnig akong nagt-tss, yung parang tunog ng mantika. Baka nasa kusina. Pumunta ako doon at tama ako. "Anong pagk--"

"Ay pusang kalbo! Ano nangyari sayo!" Tanong niya at naguluhan ako. "Ilang langgam pumapak sa mata mo ha?"

Oo nga pala! I mentally face-palmed myself. Nakalimutan ko! Namamaga nga pala yung mata ko. Tss.

"W-Wala! Nasobrahan lang sa tulog. Hahaha," palusot ko. Halatang di siya naniwala pero tumango nalang rin siya. Napa-sigh ako at umupo sa upuan. Walang nagsasalita, tahimik nang bigla siyang nagsalita na ikinagulat ko.

"Alam mo, ang love parang sugat. Kung gusto mong maghilom kaagad wag mong kalikutin ng kalikutin, hayaan mo lang." Tinignan ko si Ate Jen. Huh? Anung pinagsasabi niya? Kadiri naman. Sugat? Kalikutin? "Tss. In short, wag mong madaliin ang paglimot dahil mas maaalala mo siya kung sa bawat galaw mo ay para sakanya, para kalimutan siya. Isang araw paggising mo, marerealize mo na kaya mo na ng wala siya, kaya mo na harapin ang mundo ng hindi siya naaalala."

Mutual UnderstandingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon