× Kellin ×
I woke up with the familiar sound of my alarm. Haha. Joke! Saturday ngayon kaya walang pasok. Pero may gala kami ngayon ng Squad A sa SM Fairview. It's only 7:30am and 1pm pa ang usapan namin so pwede pang humilata sa kama!
And by the way, I'm Kellin Jay Rae. 16 years old and grade 10 which is equivalent to 4th year HS. We have this K-12 and I honestly don't care about that. Sa Lichmore Academy ako nag-aaral pati narin ang Squad A. Yun yung pangalan ng squad namin, obviously. Ang creative no? Halatang pinag-isipan. HAHAHA.
"Kellin Jay! Mag-almusal ka na!" tawag ni Ate Jen sa baba. Siya yung katulong namin pero part na siya ng family namin kasi wala na siyang pamilya kaya we just kind of adopted her? Pero as a katulong and a family member. Basta ganon. HAHAHA.
"Yeah! Bababa na po!" Sigaw ko at pumasok sa Cr at naghilamos at toothbrush narin. Pagkatapos ay bumaba na ako sa kitchen.
"Wow, ang sarap naman niyan, 'te Jen," sabi ko at umupo na. Pancakes with strawberry and chocolate syrup. Kukuha na sana ako kaso pinalo ni Ate Jen yung kamay ko.
"Oh, akala ko ba nagda-diet ka? HAHAHA!" Ay, oo nga pala. Jusko. Ang hirap talaga magpa-payat.
"Okay, I know. Basta gutom na ko," sabi ko at kumuha na ng pancake. Kailangan ko talaga ng self-descipline. HAHAHA.
"Ako na maghuhugas neto, 'te Jen," sabi ko at tumango siya. Nag-luluto kasi siya kaya mas mabilis kung tutulungan ko na siya. Ang bait ko talaga.
Pagkatapos ay umakyat na ako sa kwarto ko. Grabe. Ang kalat pala. Tinignan ko yung oras, 8:35am palang. Mag-lilinis muna ako. Pinulot ko yung mga papel na nakakalat at shinoot sa trashcan. Tapos tinupi at binalik ko sa closet yung mga damit ko na nakakalat sa kama.
*bzzzzzt* *bzzzzzt*
Naglakad ako papunta sa kama ko kasi nakapatong dun yung phone ko.
'Jasey'
Bigla akong napangiti. Jasey. Agad kong binuksan yung message.
'Good Morning Lin :)'
Nag-reply ako ng Good Morning too and sinend ko. Lagi akong ganito. Pag-nakikita, nakakausap, o nakakatext ko siya natutuwa ako. Sabi niya M.U. daw kami and I'm glad na M.U. nga kami.
*bzzzzzt* *bzzzzzt*
'Kumain ka na ha :)'
'Yeah, kumain na ko. Ikaw rin ah :)' reply ko. Ganito kami for a month and I can't deny na.. nahuhulog ako sakanya.
Few hours later..
'Hahaha! Ay teka, kailangan ko na maligo. Aalis ako eh.'
Di ko namalayan yung oras 11:45am na pala. And tagal naming nagkatext.
'San ka ba pupunta? Sino kasama mo?'
'SM Fairview. Squad A. Sige, babay! :)' reply ko at nag-handa na umalis. Baka mag-alburoto sila Karylle pag na-late ako.
Nakita kong nag-vibrate yung phone pero pinabayaan ko na baka simpleng 'Okay' lang niya yun. Pumasok na ko sa Cr at naligo.
Pagka-labas ko ng Cr ay ginawa ko na yung mga dapat kong gawin at ihanda. Napatingin ako sa phone at naalala kong nag-text si Jasey kaya tinignan ko.
'Ahh, ingat ka :)'
Nag-reply nalang ako ng happy face at naghanda nang umalis.
To: Squad A
'Otw na ko. Ingat kayo.'
BINABASA MO ANG
Mutual Understanding
Teen Fiction"Love either makes you, or breaks you." [@hoe-suck]