"I keep myself busy with things to do but everytime I pause, I still think of you."
× Kellin ×
"Kunin mo nga yung gravy, Gaaaab," sabi ko. Nasa KFC kami ngayon at kumakain.
"Wait," sabi niya at tumayo papunta sa counter para kunin yung gravy. "Eto oh," sabi niya at kinuha ko sakanya.
"Thanks," nginitian ko siya at nilagyan na yung plate ko.
"Oh? Ginawa mo naman 'yang sinigang!" natatawang sabi ni Jonas.
"Oo nga parang di pa nakakatikim ng gravy to oh!" sabi pa ni Joshua.
"Walang pakielamanan. HAHAHA," sabi ko. "So, ano na pagkatapos nito?" tanong ko sabay kain. Sarap talaga ng chicken nila hindi nakakasawa di katulad sa iba.
"Uhmm, ewan. San niyo gusto, guys?" sabi ni Zyrell. Magsasalita sana ako ulit kaso tinapik ako ni Karylle, nasa tabi ko siya kasi at si Gab ang kaharap ko tapos si Ayessa naman sa isa ko pang tabi.
"Si Jasey oh," sabi niya at tinuro yung isang table dun sa dulo ng KFC. "Oh? Sino yung kasama niya?"
"Di ko alam eh," I sighed. Si Karylle lang may alam na M.U. kami kasi ayoko sabihin sakanila hangga't di pa kami. Na mukhang malabo na mangyari ngayon. Tinignan ko sila, ang ganda nung babae. No wonder kasama niya yun.
"Sabi niya nga kanina nasa bahay daw siya pero nakita ko siyang kasama yung babae kanina," naiinis kong sabi pero mahina lang para di marinig nila Zyrell yung pinaguusapan namin.
"Hmm, pero M.U. kayo diba? Ano kaya yun? Psh," sabi niya. Exactly. Nag-shrug lang ulit ako at kumain na.
Sino ba yung babae? Pero familiar yung mukha niya. I think nakita ko na siya sa Lichmore eh. Grade 10 rin siya siguro. Aalamin ko nga. Tss.
"Hoy!" Sigaw ni Jassine kaya napatingin ako at napa-'ha?'. "Tapos ka na ba kumain sabi ko?"
"Ah, eh, oo."
"Tara mag-libot na tayo," sabi ni Ayessa at sumang-ayon kami. Tumayo na kami palabas ng KFC. Tinignan ko ulit yung table nila Jasey bago makalabas ng KFC kaso wala na sila dun. Nakita ata ni Karylle yung lungkot at inis sa mukha ko kaya sinabayan niya ako maglakad.
"Text mo kaya," suggest ni Karylle. Tinignan ko siya. I-text ko ba? Pero baka sabihin niya ang clingy ko naman. Kaso ba't kasi siya nagsisinungaling sakin.
"Haayst, sige."
'Hey, ano gawa mo?'
Inintay ko yung reply niya for about half an hour pero wala parin. Hayst, I shouldn't be wasting my time. Nagba-bonding kaming magbabarkada so dapat sakanila lang ang oras at atensyon ko. Tch. Mabuti talaga akong kaibigan. Haha!
"Tara, guys! Videoke tayo!" Aya ko at um-oo sila. "Eto kakantahin ko!" Sabi ko at tinuro yung kanta na nilagay naman nung lalaki sa videoke.
Umakyat na ako sa stage dun habang naka-upo yung Squad A sa mga bench sa baba. 3.. 2.. 1..
May gusto ka bang sabihin
Ba't di mapakali
Ni hindi makatingin
Sana'y wag mo na 'tong palipasin
At subukang lutasin
Sa mga sinabi mo na ibang nararapat sa akin
Na tunay kong mamahalinOhhhhh wag na wag mong sasabihin
Na hindi mo nadama itong pag-ibig kong handang ibigay kahit pa kalayaan moAno man ang naakala
Na ako'y isang bituin
Na walang sasambahin
Di ko man ito ipakita
Abot langit ang daing
Sa mga sinabi mo na ibang nararapat sa akin
Na tunay kong mamahalinOhhhhh wag na wag mong sasabihin
Na hindi mo nadama itong pag-ibig kong handang ibigay kahit pa kalayaan moAt sa gabi
Sinong duduyan sayo
At sa umaga
Ang hangin na ang hahaplos sayoOhhhhh wag na wag mong sasabihin
Na hindi mo nadama itong pag-ibig kong handang ibigay kahit pa kalayaan moOhhhhh...
Ohhhhh...
Ohhhhh wag na wag mong sasabihin
Na hindi mo nadama itong pag-ibig kong handang ibigay kahit pa kalayaan moPagtingin ko sakanila.
What the--
Andami nang nanonood sakin! Tapos nagpalakpakan sila. Ang cliché man pakinggan. HAHA. Sabi ko lang 'Thank you' tas bumaba na sa stage. Baka sabihin nila feel na feel ko naman, which is true. HAHAHA. Joke.
"Ang ganda ng boses mo!" Sabi ni Renysa nang maka-upo ako sa tabi nila.
"Kaboses nga ni Kitchie!" sabi pa ni Zyrell at hinampas ako sa likod, akala niya siguro tapik lang yun, ang sakit kaya!
"I know, I know. Joke! Haha. Di, no. Di ako kumakanta," sabi ko. Onti-onti naring nagsisialisan yung mga tao kanina.
"Oh, sinong susunod na magpapakitang gilas? Haha," tanong ni Joshua at agad na tumayo si Fran. Umupo ako sa tabi ni Karylle at Carlo.
"Galing mo ah. Haha!" Sabi ni Carlo at nag-salamat ako. Nag-start nang kumanta si Fran ng pambansang awit, Thinking Out Loud. Hahaha. Walang kasawa-sawa mga tao. Kunsabagay, fan ako ni Ed kaya alam ko kung bakit.
"Dedicated kay Joshua yan oh, pustahan! Hahahaha!" Sigaw ko at nagtawanan sila. Alam kasi naming lahat na may gusto siya kay Joshua pero eto si Joshua torpe kaya walang nangyayare.
"When your legs don't work like they used to before.." simula niya at nagpalakpakan kami lahat. Yung tipong di na marinig yung boses niya. HAHA. Joke. Maganda boses ni Fran, nagsi-singing lessons yan since nung bata pa.
"Haha," may narinig akong tumawa. Sino yon? Napatingin ako sa likod at may nakita akong lalaki. Siguro kasing age namin or a year older. Isa siya sa nanood sakin kanina. Napansin niya ata na nakatingin ako kaya napatingin siya sakin.
Nagkatitigan lang kami. Walang nagbre-break ng eye contact. Ngumiti ako at parang nagulat siya kaya umiwas ng tingin. Bigla siyang umalis. Sino ba yun? Ay, ewan. Pinanood ko nalang si Fran ulit na nagco-concert na. Nag-lalakad na sa baba ng stage habang kumakanta eh! Haha. Biglang may nag-vibrate.
*bzzzzzt* *bzzzzzt*
Fr: Jasey
'May sasabihin ako sayo, Kellin.'
BINABASA MO ANG
Mutual Understanding
Teen Fiction"Love either makes you, or breaks you." [@hoe-suck]