"Can't help falling in love with you."
x Jasper x
"Muntik mo na kong mapaniwala dun ah. HAHAHAHA," sabi ko at binatukan siya ng mahina. Di siya nag-react at yumuko lang. Nagpatuloy kami sa paglalakad at walang umiimik.
"Hoy," sabi ko at sinundot yung tagiliran niya. Napatingin siya sakin at ngumiti ng konti. "Ano problema mo. Kanina ang saya-saya mo tapos nung tayong dalawa na lang ganyan ka na."
"Sabihin mo nga, totoo ba? Yung leukemia?" tanong ko sakanya ng seryoso. Napatawa naman siya ng mahina.
"Siyempre hindi no! HAHAHAHAHA. Niloloko lang kita. Weak mo talaga," bigla siyang sumaya nanaman. Baka mamaya bipolar tong si Kellin. Ipacheck-up ko na ba to?
"Hoy eto dapat di ka nagbibiro ng ganyan. Lalo na sa mga poging tulad ko," sabi ko at tumawa ng malakas. Inirapan niya ko pero nakangiti.
"Tara na hatid mo na ko. Baka mamaya lumpuhin pa kita diyan," sabi niya at binilisan yung paglalakad niya.
"Utot mo. Sakalin kita eh. HAHAHAHA," pagbibiro ko. Hinabol ko siya at inakbayan. Buti nalang din pala nakilala ko tong pandak na lokong to, kahit minsan ang sarap niyang kutusan.
***
x Kellin xDi ko naman inakala na seseryosohin ni Jasper yung sinabi ko. HAHAHA. Although, nasa lahi namin yung leukemia. Pero malayo namang mangyari yon kaya whatever.
Nakarating na kami sa tapat ng gate namin. "Sige, salamat sa pagsama sakin. Goodnight!" sabi ko at ngumiti.
Tumango siya at sinabing, "anytime. Goodnight! Kita nalang bukas. Bye!" Ngumiti siya at kumaway. Kumaway ako pabalik at pinanood siyang maglakad paalis. Papasok na sana ako nang bigla siyang tumalikod ulit at ngumiti sakin. Monggoloid talaga to. HAHAHA. Binuksan ko na yung gate at pumasok.
"Oh, anong oras na ah? Bat ngayon ka lang?"
"Inedit kasi namin yung video kila Jasey," pagpapaliwanag ko habang nagtatanggal ng sapatos. "Nandyan na ba si Ellie, Ate Jen?"
"Nako di daw uuwi nandon kila Justin sa kaibigan niya daw," sabi ni Ate Jen at pumunta sa kusina. "Kumain ka na ba? Ito may ulam pa hainan na kita."
"Sige, aakyat lang ako saglit para magbihis," sabi ko at umakyat na ng hagdan papuntang kwarto ko.
Binaba ko na yung bag ko at nagpalit ng damit. Nakakapagod 'tong araw na 'to, sobra. Although medyo masaya since nakasama ko ulit si Jasey kahit pinagsasaksak na ko ng tingin ni Lorri kanina. Psh, magselos siya sige! Wala akong paki. Ba't ba kasi may mga taong nabuhay sa mundong katulad niya. Porket biniyayaan ng ganda aabusuhin na. Hmph, well, sino ba siya ba't ko pa siya iniisip. Biglang kumulo yung tiyan ko at narealize na di pa nga pala ako kumakain simula nung lunch.
Hinablot ko sa bag yung phone ko at bumaba na sa kusina para kumain. Hinainan na ko ni Ate Jen ng chopsuey sa table. Nice! Favorite ko 'to eh!
"Salamat, Ate Jen!" sigaw ko. Nasa sala kasi siya naglilinis. Narinig ko siyang magsalita kaso mahina kaya di ko naintindihan. Oh, well, kakain na ko!
After kong sumubo binuksan ko yung phone ko at nakita ang ilang mga messages ko sa messenger. Galing kila Ayessa, gc ng Squad A, at Jasey? Siyempre inuna kong buksan yung kay Jasey.
Jasey: complete na lahat ng gagawin, lin. bigay ko na lang sayo bukas yung usb para mapasa niyo na agad.
Ohh, about lang pala sa video. Teka, ano ba iniisip kong sasabihin niya? Umaasa pa rin ba ko? Psh, wag ka na magpakatanga, Kellin. Agad akong nagtype ng irereply ko sa kanya.
Kellin: sige, salamat! salamat sa pagtulong ha? we appreciate your efforts. sige, see you tom!
Kinclose ko na yung message at tinignan yung message ni Ayessa. Nagulat ako kasi ang sabi niya nag-away daw sila ng boyfriend niya, si Aaron. Tinatanong niya kung ano daw gagawin niya since siya naman daw may kasalanan. Ako talaga takbuhan nila pag may problema sa love life eh kahit wala ako non.
After ko kumain, niligpit ko na at hinugasan kasi busy si Ate Jen. Nag-goodnight na ko sa kanya dahil matutulog na ako. Pero hindi pa siyempre. HAHAHA.
Buong gabi ako nakipagusap kay Ayessa. Pinayuhan ko siya ng kung ano-ano para sa susunod di na siya yung iiyak-iyak diyan kasi may ginawa siyang mali. Tapos sabi ko sa kanya gawan niya ng letter si Aaron. At sweets tulad ng cake or cookies, y'know, typical na sorry gift.
Ayessa: punta ako diyan bukas tulungan mo ako magbake :< di ako marunong eh.
Aba, sa akin pa talaga siya nagpatulong eh di rin naman ako marunong. Pero pumayag na ako since wala silang oven sa apartment nila. Umoo ako sa kanya at pinapunta bukas ng umaga just before kami pumasok sa school.
Ayessa: thanks! bibili na ako ingredients bukas bago pumunta diyan. sige, thank you talaga, kellin. labyu xx
Kellin: anytime, labyutu xxx natural alangan ako pa gumastos para sayo duh HAHAHAHA
Ayessa: sabi ko nga HAHAHA sana magkaayos na kami pagkatapos nito hays :< sige matutulog na ko. good night!
Kellin: magiging okay din kayo ano ka ba. pag di niya tinanggap sorry mo pabugbog natin HAHAHAHA good night din!
After non, pinatay ko na yung phone ko para makatulog na rin. Nakakapagod 'tong araw na 'to. Sana mas maging masaya bukas. Hays. At least di ko na masyado naiisip si Jasey. I mean, yung kami—kung nagkaroon man. Medyo natatanggap ko na rin lahat. Na walang kami at magiging kami. Na masaya na siya kay Lorri and that I also should be happy for them. Na pag niloko at pinagpalit siya ni Lorri nako, jusko po ewan ko kung ano gagawin ko sa babaeng 'yon! Basta all I know is I'll always be here. Hindi taga-abang, kundi to just be a friend. You can love without expecting them to love you back.
Buti na nga lang nandiyan si Jasper para kahit papano may nakakausap ako at nakakasama. Lalo na kapag wala yung mga kaibigan ko. Kahit monggoloid at poging-pogi sa sarili 'yon, mabuti naman siyang kaibigan. Good thing naging magkaibigan kami, no? Totoo ng na if someone leaves you, may dadating. Maybe not in a romantic way, but just someone to fill the hole they left.
I need to sleep now. Baka kung ano pa maisip ko at malunod nanaman ako sa mga iniisip ko. Excited na ako for tomorrow. Mahilig ako sa sweets eh! And it's gonna be my first time baking. Tas magbabaon ako sa school. Si Aaron bibigyan ni Ayessa eh. Eh ako kaya? Sino kaya bibigyan ko? Whatever. Ako na lang kakain lahat tutal single ako. Hays. Just sleep for now.

BINABASA MO ANG
Mutual Understanding
Teen Fiction"Love either makes you, or breaks you." [@hoe-suck]