Chapter 11

24 3 2
                                    

× Kellin ×

"Sino siya? Sabihin mo!" sabi ni Miszay kay Carlo habang nangingilid na yung luha niya. Nakatingin lang si Carlo sa baba at hindi pinapansin yung mga palo at suntok ni Miszay.

"Bwiset! Ginawa ko ang lahat Carlo! Lahat ng gusto mo ginagawa ko! Handa ako magpakatanga para sayo.. kaso.. ikaw?" sabi ni Miszay. Tuloy-tuloy nang tumutulo yung luha niya. "Kahit isang tingin na kahit may onting pagmamahal wala akong nakita. Wala akong nadama! Sabihin mo nga. Kahit isang beses ba minahal mo ko?"

"Miszay. Tumigil ka na. Tapos na. Wala ka na dap--" kalmadong sabi ni Carlo kaso pinutol siya ni Miszay.

"Tumigil!? Tapos!? Niloloko mo ba ko!? Sabihin mo muna! Dahil ako, alam ko sa sarili ako na hindi ako nagkulang! Bakit moko pinagpalit? Bakit mo ko iniwan? D-Di mo na ba ko mahal?" Napahawak si Miszay sa buhok niya at napaupo sa sahig. Kitang-kita yung sakit sa mata niya at sa bawat hikbi.

"Mahal kita, Miszay," panimula ni Carlo. Napatigil si Miszay at tumayo.

"Oh, yun naman pal--"

"Pero mas mahal ko siya," sabi niya at parang tumigil ang mundo ni Miszay. "I'm sorry."

Biglang naglakad palayo si Carlo habang naiwan si Miszay na luhaan sa gitna ng daan at--

"Pre, paabot ng popcorn tsaka juice narin," sabi ni Jasey at natawa kami lahat.

"Panira ka, Jasey!" sabi ni Fran. Nasa park kami ngayon at nagrerehearse para sa video namin. Yung para sa Science. Nasa kalagitnaan kami ng matinding eksena biglang nagsalita si Jasey kaya ayun, nasira na.

"O siya, tumayo ka na diyan Miszay," sabi ni Karylle at inalalayan siya patayo.

"Oo nga, baka akalain ng tao na totoong baliw ka na diyan. Hahaha!" sabi naman ni Jonas at sinamaan lang siya ng tingin ni Miszay pero nakangiti. Hahaha. Abno.

"Guys, tapos na yung scene bukas naman," sabi ni Jasey. "Pack-up na!"

"Kinareer mo maging director ah. Haha," sabi ni Zyrell kay Jasey.

"Uy, baka nakalimutan mo, walang bayad yan ah," sabi ko pa at tumawa kami.

"I want everything to be perfect. Kaya walang mali dapat! Haha," sabi ni Jasey at tumayo na para ayusin yung mga gamit.

Ah, sorry ah, kaya pala ayaw mo sakin dahil hindi ako perfect. Haay, kailan ba ko makakapag-move on? Nakakasawa maging bitter. Tama na. Ayoko na isipin to lahat. Friends kami. Or should I say, friends lang kami? Ugh, galawang bitter nanaman ako.

"Kain muna kayo sa loob," aya ni Carlo samin. Malapit kasi sa bahay niya yung pinagshu-shootan namin. Sakanila kasi yung mga camera na ginagamit namin.

"Yes! Kanina pa kita hinihintay sabihin yan eh," sabi ni Karylle at napatayo mula sa upuan niya. Takaw talaga neto eh. Naghanda yung Mama ni Carlo at pinaupo kami sa isang mahabang table with chairs na rin.

"Uy, hinay-hinay lang. Baka mamulubi sila Carlo neto dahil sayo," biro ko kay Karylle at tumawa kami.

"Ako nalang lagi niyo nakikita ah!" sabi ni Karylle at nakasimangot pa. "Nakakasakit na kayo, guys," sabi pa niya at tinapik-tapik yung dibdib niya for dramatic effect pa.

"Wag ka mag-alala. Di kita sasaktan. Okay na ako ang masaktan wag lang ikaw," sabi ni Jassine at inakbayan siya. Hahaha. Uso samin Bromance and Sismance (If that's a word)

"Yiiee. Nikekeleg eke, emergerd!" maarteng sabi ni Karylle. Hahaha.

"Oh tama na yan. Kumain ng kumain!" sabi ng Mama ni Carlo. Nag-sige po, yes at okay naman kami. Maraming hinanda yung Mama ni Carlo kaya nakakahiya naman kung di namin uubusin. Pero kay Karylle palang ubos na to panigurado. HAHAHA.

"Sige po. Pwede po bang mag-uwi?" sabi ni Jonas at nagsi-tawanan kami lahat.

"Oo naman. Sige sabihin niyo lang sakin," nakangiting sabi nung Mama ni Carlo.

"Sige po, Tita," hirit pa ni Joshua kaya nagsitawanan pa ulit kami.

"Maka-tita akala mo close eh," sabi ko at matawa-tawa. "Noh, Mama?" sabi ko pa at tumawa kami tapos biglang may nambatok sakin. Si Zyrell.

"JM oh! Sawayin mo nga yung mahal mo!" sabi ko at napakamot lang si JM habang nakatingin sa baba. Babatukan sana ulit ako ni Zyrell kaso umilag ako.

"Oh, namumula na si JM di lang halata. Hahaha!" sabi ko kay Zyrell at napatigil naman siya. Maitim kasi si JM pero gwapo, tall, dark and handsome ang tema niya. Haha. Pero kasi may past yung dalawa. They broke up even though they still love each other. Labo no?

"Sus. Kumain na nga kayo! Gayahin niyo si Karylle oh!" sabi ni Carlo at napatingin kami lahat kay Karylle.

"Oo nga. Tahimik at lamon lang ng lamon. Yan ang tularan niyo," sabi naman ni Ian at natawa kami sa mukha ni Karylle, na naka-busangot nanaman. Hahaha.

"De joke lang yun. Tumigil na nga kayo, guys. Hahaha!" sabi ko at kumain na kami. Baka mag-walkout na yun. Ganun yun kapag naiinis eh, Walkout Queen.

Ilang kwentuhan pa at kung ano-anong kalokohan ang nangyare tapos tinapos ko na yung pagkain ko. Pagkatapos namin kumain lumabas kami muna para magpahangin. Ang sarap ng pagkain eh. Nagkukulitan at naguusap kami dito sa labas ng bahay nila Carlo. Nagsa-soundtrip lang ako dito habang yung iba may mga sariling mundo rin. Hahaha.

Bigla akong napatingin kay Jasey. Yep, meron pa rin. Kumakabog parin ng bongga yung dibdib ko kapag nakikita ko siya.

I really know that we can't stop loving someone, we just learn to live without them. Kaya as soon as possible, sana matutunan ko na gumising araw-araw nang hindi siya yung dahilan.

Haayst, napatingin ako sa malayo at parang.. parang nakita ko si Jasper? Huh? Tumayo ako mula sa sidewalk at medyo naglakad palapit sakanila. Sila nga. Pero ba't sila magkasama? Bakit magkasama si Lorri at Jasper? Naglalakad sila papunta samin but I don't think na napansin nila kami. Mukhang naguusap sila ng seryoso.

"Oh? Kellin sino tinatanaw mo diyan?" nagulat ako kasi biglang sumulpot sa tabi ko si Jasey. Tinignan ko siya at biglang nagbago yung expression niya nung napatingin siya kila Jasper.

"Lorri?" sabi niya na nagtataka. Nanlaki yung mata ko nang makita ko yung mukha niya na galit na galit. Maybe because of Jasper. Diba sabi niya na sila yung nangbugbog kay Jasey dati? Patay tayo diyan.

"Nevermind them. Tara na," sabi ko at hinila siya kaso di ko mahila. Ang lakas niya eh. Mas nagulat ako nang naglakad siya papunta sakanila tapos naka-clench pa yung fist! Syet. Gulo to. Pinuntahan ko sila Carlo.

"Guys, awatin niyo baka awayin ni Jasey si Jasper!" natataranta kong sabi at tumakbo kami papunta kay Jasey kaso pagkita namin nakaupo na si Jasper sa lapag at mukhang sinuntok na siya ni Jasey.

Pero natigilan ako. Natigilan ako nang makita kong may pumatak sa mata ni Jasper.

***
Thanks for reading, please vote wala naman mawawala sainyo. Haha :)

And I also need feedbacks. I-comment niyo po kung ano tingin niyo dun sa chapter.

Thankiss :*
Ily

Mutual UnderstandingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon