× Kellin ×
"Kellin!"
Napa-ungot ako nang may sumigaw ng pangalan ko. Sino ba kasi 'yon? Ugh, just 5 minutes more. Makakatulog na sana ako ulit kaso may sigaw talaga ng sigaw.
"Hoy, may bisita ka, Kellin!"
Bisita? Ay, oo nga pala! Si Ayessa na ata 'yon. Hays, inaantok pa 'ko eh. Nag-unat ako at umupo habang nakapikit pa. Anong oras na ba kasi ang aga-aga naman niya dumating. Kinuskos ko yung mga mata ko at pinilit nang tumayo. Napatingin ako sa orasan sa may bedside table ko. Tignan mo! 6am pa lang oh! Hays. Kunsabagay 10am pasok namin kaya kailangan na magmadali para matapos na agad.
"Teka lang!" sigaw ko pabalik. Dumiretso ako sa banyo para makapaghilamos at toothbrush. Pagkatapos ay lumabas na ko at bumaba.
"Sino ba 'yan? Sinisira mo beauty sleep ko istorbo ka!" sabi ko ng pabiro. Bumungad sa'kin si Ayessa na may dala-dalang sandamukal na mga plastic bags.
"Sleep lang walang beauty," sabi niya at tumawa. Nagmake face ako bago tumawa.
Tinaas niya yung mga plastic bags at ngumiti ng malawak. "Tara naaaa!" sabi niya bago tumakbo papuntang kusina. Sinundan ko siya at tinulungan ilabas yung mga ingredients.
"Ang dami naman nito. Lahat ba 'yan ibebake natin?" sabi ko habang tinitignan yung mga binili niyang ingredients. "Naka 2k ka dito?!" napasigaw ako ng onti nang makita ko yung resibo. Grabe rin effort nitong babeng to para kay Aaron. Laking kawalan niya si Ayessa no pagnagkataon.
"Nagpanic kasi ako, 'di ko alam yung mga kakailanganin natin kaya dakot lang ako ng dakot dun," pagpapaliwanag niya habang naghuhugas na ng kamay.
"Grabe namang panic 'yan ang mahal ah," sabi ko at tumawa. Pumunta na rin ako sa sink para maghugas ng kamay habang naglalabas na si Ayessa ng mga tools and equipments na gagamitin namin.
"Oh, ano ba gagawin natin?" tanong ko at pinakita niya sa'kin yung recipe. Mukhang madali lang naman siya since Nutella filled chocolate cookies lang naman tapos yung red velvet Cake na favorite daw ni Aaron.
"Kakasearch ko lang sa internet niyan eh kaya mukhang masasayang yung ibang mga binili ko. Hays," buntong hininga niya.
"Hayaan mo na, balik ka na lang next time tas bake tayo ulit," aya ko sa kanya. Mukha namang natuwa siya sa sinabi ko at ayon, nagsimula na kami kumilos.
Nagsuot na kami ng hairnet at apron para feel na feel yung pagkabaker. HAHAHAHA. And then, kinuha ko na yung mga needed ingredients. Ako na gagawa sa cookies—since mas madali compared sa cake—tapos siya sa cake. Siyempre, alangan ako mag-exert ng sobrang effort no di ko naman boypren 'yon. HAHAHAHA. Tapos, pinagsama-sama ko yung dry ingredients at wet ingredients sa magkaibang bowl—turong google 'yan oha. Si Ayessa naman ganon din, same procedures although mas maraming gagawin dun sa cake niya.
Pagkatapos naman ay ipaghahalo na yung dry sa wet ingredients using an electric mixer. Oh ayan, libreng baking lessons na! HAHAHA. Pero pagka-on ko ng mixer jusko! Sumabog lahat ng ingredients kung saan-saan. Nagcreate ng fog yung mga dry ingredients nako. Lagot ako kay Ate Jen nito!
"Hoy, ano 'yan ba't ang kalat dito?" gulat na tanong ni Ate Jen nang sumilip siya sa pinto.
"Nagbabake po kami. Hehehe," sagot ni Ayessa.
"Bake? Marunong ba kayo niyan? Tignan niyo kalat-kalat na yung mga harina oh!" sabi ni Ate Jen at tinuro yung mga harina sa mesa at sa apron namin.
"Hindi nga po eh," sabi ko at tumawa awkwardly. "Patulong kami Ate Jeeeeen. Para matapos na, may pasok pa kasi kami mamaya eh," ngumiti ako ng pagkalaki to convince her.
"Sige nga, basta bigyan niyo ako niyan ah!" sabi niya at tumawa. Sumang-ayon naman kami at tumawa rin.
After two hours, natapos na kami magbake at hinihintay na lang tumunig yung oven. Naglilinis na lang kami ng kalat at the moment. Tapos si Ate Jen naghuhugas ng mga plato na gagamitin namin. Almost 9am na, kailangan na namin 'to tapusin para 'di kami malate sa first class.
Habang kinukuha ko yung mga kalat sa lamesa, naisipan kong itanong kung ano ba nangyari sa kanila.
"Aye, bakit nga ba kayo nagkaaway?" tanong ko sakanya habang nagpupunas ng mga tapon-tapon na harina sa mesa.
She pursed her lips before talking. "Eh kasi," panimula niya. "Nalaman niya na pupunta na akong Canada next month para ituloy yung studies ko."
Nabitawan ko yung plastic at lumaki yung mata ko sa narinig ko. "Ano?!" I half-shouted. "Aalis ka na?!" Pambira pati sa'min hindi niya sinabi?
Nagulat ako nang bigla siyang tumawa ng malakas. "I was just kidding!" Napakunot ako ng kilay. Aba ayos 'tong babaeng 'to ah. "Hindi, hindi. Pinakita ko kasi sa mga kaibigan niya yung video niyang sumasayaw habang nakadress," paliwanag niya at mas lalong tumawa.
"Meron? Asan, patingin dali!" sabi ko at tumawa. Ilalabas na sana niya yung phone niya kaso tumunog bigla yung oven. Yay! Tapos na sa wakas. Dali-dali kaming pumunta sa oven.
Nagsuot si Ate Jen ng mittens at nilabas yung mga tray. "Palamigin niyo muna, sobrang init pa niyan," sabi niya.
Nagintay kami until pwede na siyang tanggalin sa tray. Lalagyan pa kasi ni Ayessa ng icing at designs yung cake. Ako naman ilalagay ko sa mason jars yung cookies. May tatlong batch kasi ng cookies. Isa kay Ayessa, isa sakin, tapos isa kay Ate Jen. Mukhang masarap naman siya sa amoy pa lang. Excited na ako tikman!
"Ang ganda naman niyaaaaan!" sabi ko habang natatakam sa cake. May mga rose candies and yung glittery balls. Tapos may nakatusok na sa each sticks na nakasulat na letter ng "I'M SORRY."
"Nako, paghindi niya 'to tinanggap ako bahala! Ako na lang kakain!" sabi ko at tumawa.
"Sige, basta bayaran mo ah. Mura lang mga 2k," tumawa siya ng malakas. "Pero teka, kanino mo naman ibibigay yang cookies mo?"
Napatigil ako at napaisip. I wasn't planning on giving this to anyone. Pero now that she mentioned it, should I? Pero kanino? Wala naman akong special someone unlike Ayessa eh.
Kay Jasper na lang kaya?
Or kay Jasey?
Maybe.
BINABASA MO ANG
Mutual Understanding
Jugendliteratur"Love either makes you, or breaks you." [@hoe-suck]