Chapter 12

51 3 0
                                    

"Nothing hurts more than realizing he/she meant everything to you and you meant nothing to him/her."

× Kellin ×

"Ang sakit. Alam mo yung feeling na tinusok ka ng karayom? Hindi lang ganun eh. Parang kinukuryente ka ng paulit-ulit. Ang sakit pucha. Letche talaga ang mga babae! Nakakasira ng ulo!"

"Tapos di pa namin kayo maintindihan! Sasabihin niyo kaibigan niyo lang. Wala kayong gusto sakanya kaya wag akong mag-alala. Eh kaso mas lalo akong nag-aalala dahil.. dahil dun kami nagsimula brad!"

"Nakakasawa ba ko? Ginawa ko naman lahat ah? Hatid-sundo ko pa nga siya eh! Kung gusto niya pati kapatid niya pa eh! Lahat ginagawa ko pero.. ni isa dun hindi niya na-appreciate. Nakakagag* pre!"

"Pwede na ba ko mag-salita?" tanong ko kay Jasper. Nandito kami ngayon sa apartment niya na di lang pala malayo samin. Ilang liko lang. Tinawagan kasi ako neto kanina para samahan daw uminom. Humahagulgol pa ang loko. Naawa ako kaya sinamahan ko na. Baka mamaya magwala pa to dito, konsensya ko pa.

*Flashback*

*bzzzzzzzzzt* *bzzzzzzzzzt*

"Ughhh, ang ingaaay," bulong ko at nag-iba ng pwesto.

*bzzzzzzzzzt* *bzzzzzzzzt*

Putek. Sino ba yung tumatawag? Gabing-gabi na ah! Kinapa ko yung phone ko at in-end yung call na hindi tinitignan yung caller. Istorbo naman sa beauty sleep ko eh. Ay, di ko na pala kailangan nun. Haha! Makatulog na lang ulit.

*bzzzzzzzzzt* *bzzzzzzzzt*

Takte. Sino ba yoooooon?! Di ba neto alam na gabi na!? Natutulog na po yung mga tao! Umupo na ako at sinagot yung call.

"Sino ba to ha!? Gabing-gabi na po oh!" inis kong tanong habang nakapikit pa.

(Kellin.. *sniff* P-Punta ka ditoooo! *sniff* Samahan mo ko uminom.)

"Huh? Sino ba to?," sabi ko. Tinignan ko yung Caller ID. "Jasper?!"

(Aray, makasigaw naman to. *sniff* Tara. Mababaliw na ko! Kailangan ko ng kadamaaaay.)

"Nako. Ayoko nga. Baka mahawa pa ko sa kabaliwan mo. Iba nalang! Gabi na!"

(Sige na. Ang sakit eh. Ang sakit pala kapag pinaasa ka. *sniff* Ang sakit sakit sakit! Tangin*)

"Pinaasa?" Sino ba yung tinutukoy ni Jasper? Brokenhearted siya? Di ko ma-imagine na may manloloko pa kay Jasper. Laking sinayang nung babae.

(Huhuhuhu *sniff*) Humahagulgol na siya! Feel kita Jape don't worry. Maraming tulad natin na iniwan at pinaasa.

"Hala! Sige. Text mo sakin adress."

*End of Flashback*

"Hindi, pre. Mahal na mahal ko siya. Di ko siya ipagpapalit sayo. Wag mo akong akitin!" sabi niya at mukhang nalalasing na.

"Aba't! Sino nagsabing inaakit kita ah!?" tanong ko. Kahit pogi to hindi ko naman siya type no! At mas lalong di ko siya inaakit. Siya na nga lang yung ginagawan ng pabor eh.

"Ayan nanaman! Di yan uubra sakin. Ngayon palang itigil mo na yang pagmamahal mo sakin." Aba. Ang tikas neto ah. Soooobrang kapal. Dulot ng kalasingan siguro kaya ganyan.

"Talagang ang kapal mo eh no? Hindi kita inaakit at mas lalong wala akong pagmamahal sayo no. Asa ka naman," sabi ko. At natawa siya. Hindi yung tawang masaya, yung tawang pang bitter talaga.

"Umasa na nga ako kay Lorri tapos pati sayo aasa rin ako? Pakyu men. Wag na tol," sabi niya at ini-straight yung isang tabo. Joke! Yung shot glass lang.

Mutual UnderstandingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon