x Jasper x
"Sige, salamat po," mahina kong sabi dun kay nurse. Di ko alam na ganun pala pinagdadaanan ni Kellin.
"Oo naman feel free na pumunta dito kapag may tanong ka. " Ngumiti yung nurse sakin. Ngumiti din akong pabalik at tumango.
"Eh, ano kaya pwede kong gawin para makatulong sa kanya?" Kahit di kami sobrang close ni Kellin, gusto kong malaman niyang nandiyan ako para sakanya.
"Basta pakita mong may care ka sakanya at lagi kang nandiyan. Yun lang talaga yung kailangan niya." Tumango ako at nagthank you ulit.
Pumunta na ko sa kama ni Kellin at umupo sa tabi niya. Nakayuko lang siya habang kinakalikot yung cellphone niya. Medyo namamaga at namumula pa yung mata niya. Tch. Bat kasi niya kailangan umiyak. Ayoko pa namang nakakakitang umiiyak na babae. Basta ayoko.
Ilang araw daw siyang di kumakain. Tapos stressed daw siya sa mga nangyayare sabi nung nurse kanina. Hindi ko alam kung bakit siya malungkot o kung bakit niya ginagawa to sa sarili niya pero basta andito lang ako para sa kanya.
"Ano ginagawa mo?" Tanong ko na medyo masaya para naman maglighten up yung mood. Di siya tumitingin sakin pero alam ko namang naririnig niya ko. Natural magkatabi lang kami eh. Hahaha.
"Wala, wala. Tara alis na tayo," sabi niya. Mukhang nanghihina pa siya. Tsk. Nilagay niya yung phone niya sa bulsa niya at tumayo na.
"Teka teka, tara samahan mo muna ko," sabi ko. At tumayo na din at hinawakan yung braso niya. Naglakad kami palabas.
"Ano ba yan wag mo nga ko kaladlarin!" Sabi niya at pilit tinatanggal yung braso niya sa kamay ko.
"Oa mo ah. Tara may bibilin lang ako sa supplies store." Wala na siya nagawa kaya pumunta na nga kami dun. Yung mga mata niya laging nag-iiba. Sa mata kasi niya nakikita kung ano yung totoong nararamdaman niya. Pero ngayon wala akong makita. Blanko. Nakatingin lang siya sa malayo at parang may iniisip.
Pagdating namin dun bumili ako ng biogesic at gatorade. "Oh, para san yan? May sakit ka ba?" Tanong ni Kellin.
"Anong ako. Ikaw nga yung may sakit diyan eh! Baunin mo to sa first class mo baka mahimatay ka ulit eh," sabi ko at binigay sakanya.
"Eh! Ayoko nga kaya ko bumili para sa sarili ko no. Tsaka wala naman akong sakit eh," sabi niya at tumingin sa baba. Sus.
"Oh siya, punta tayong quadrangle," sabi ko at inakbayan siya. "Come on vamonos! Everybody let's go!" Kanta ko at napatawa siya.
"Come on let's get to it!" Pagtutuloy ko. At bigla niya kong sinabayan. "I know that we can do it!"
Nagsitawanan lang kami kasi ang daming estudyante na tumitingin samin. Pero wala siyang pake sakanila. Hahaha.
"Where are we going?!" Sigaw niya. Tapos tumuro ako sa harap.
"To the Quadrangle! Hahaha," tumawa kami ng malakas. Wala na kong paki kung pinagtitinginan kami. Bakit sino ba sila? Tsaka pogi ako no di ako nagpapaapekto sa mga ganyan.
Umupo kami sa usual bench na tinatambayan ko. Dun sa tapat sa wishing fountain. Tinignan ko si Kellin, nakatingin lang din siya dun sa Fountain.
"Naka-wish ka na ba diyan?" Tanong ko.
"Hmm," mukhang nagiisip siya. First time! HAHAHA. "Hindi pa eh. Di naman totoo yan."
"Anung hindi ka diyan!" Sabi ko at tumayo. Hinila ko siya papunta sa fountain.
"Oy yung gamit natin!" Sabi niya at nagpupumilit pang bumalik pero hinila ko pabalik. "Parang bata naman to eh! Naniniwala ka diyan?" Inis na sabi niya.
"Hoy bata pa naman talaga ako ah. Tsaka ano ka ba! Papatunayan natin dali magwish tayo," aya ko sakanya. Kumuha ko ng coins sa bulsa ko at binigyan siya. "Oh eto na alam ko namang wala kang pera kasi pulubi ka. HAHAHA!"
"Aray wag ka nga mambatok!" Sabi ko habang hinihimas ung ulo ko. Bigla-biglang nambabatok tong abno na to eh.
"Excuse me, wag mo na nga ko kausapin di kita kilala. Chupe!" Asar na sabi niya. Bat ba ang bilis nito mapikon. Kaya ang sarap asarin eh. Hahaha.
"Nako tara na nga magwish nalang tayo. Sorry na," sabi ko at humarap sa fountain. Ano ba pwede kong iwish? Ah! Alam ko na. Binato ko yung coin at nagwish.
Sana matupad to.
***
x Kellin xBigla siyang pumikit. Aba't. Talagang magwiwish siya ah? Wala naman sigurong mawawala kung hihiling ako diba. I'll just give it a try. Pumikit din ako habang hawak hawak yung coin.
'Sana may magandang mangyari sakin.'
Binato ko na yung coin sa fountain. Pagtingin ko kay Jasper nakatingin siya sakin at ang laki nung ngiti.
"Ayan bagay sayo ganyan ka nalang forever ah. HAHAHA!" Sabi ko at napasimangot siya.
"Atleast ako pogi. Ikaw panget. Sobrang panget. Ikaw pinakapanget sa buong mundo. HAHAHA!" Asar niya. Hahaha. Alam ko naman yun di na niya kailangan ipaalala. Ngumiti nalang ako at naglakad na papunta dun sa bench. Nangangawit yung paa ko eh. Sumunod din siya sakin.
"Alam mo," panimula niya. Biglang sumeryoso yung mukha niya. "Minsan napapaisip nalang ako." Napatingin ako sakanya. Magsasalita na sana ko nang..
"Kung bakit ang pogi ko. HAHAHA!" Napaface palm nalang ako. Loko-loko talaga to eh no. Hahaha. Akala ko naman kung ano na.m
"Nako wag mo nga ko kausapin naiirita ko sa mukha mo!" Sabi ko at inirapan siya. Pero sa totoo natatawa nalang ako sakanya. Hahaha. Ang taas kasi ng pangarap eh. Kala mo pogi.
"Sus, kinikilig ka lang eh!" Pang-aasar niya. Tumingin ako sakanya para magsalita kaso napatingin siya sa phone niya. "Hala malalate na ko! Di ko narinig yung bell. Patay!"
"Sige mauna ka na dalian mo oy!" Sabi ko at tumango siya at nag-bye sabay takbo paalis. Mas maaga kasi yung klase ng mga grade 11 at 12.
May isang oras pa ko para magpahinga. Bigla kong inantok ano ba to. Pinlug ko nalang yung earphones ko at pinikit muna ng sandali yung mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Mutual Understanding
Teen Fiction"Love either makes you, or breaks you." [@hoe-suck]