Chapter 14

4 0 0
                                    

"One of the hardest things in life is watching the person you love, love someone else."

× Kellin ×

"And I, think you're from another world. And I, I couldn't love another boy, 'cause you, you make me feel like I'm intoxicated~" kanta ko ng tahimik. Ayoko lakasan kasi one, di kagandahan ang boses ko at two, nasa library ako. Maaga ako pumasok kasi maaga ako nagising kaninang umaga tsaka inatake ako ng biglang sipag. Hahaha. Kaya naga-advance reading ako ng mga lessons namin. Mga thirty minutes na ako dito na nagba-basa habang nagsa-soundtrip. Wala kasing estudyante dito! Ako lang mag-isang nagsi-sipag sipagan tuloy. Hahaha.

Sinarado ko yung libro sa Math. Badtrip. Kanina ko pa paulit-ulit binabasa pero di ko talaga maintindihan. Kaya sa English nalang ako, kaso madali lang yun eh. History? Eh, ang hirap naman masyado. Kung Values nalang kaya no? Kaso sobrang dali naman.

Kaya sa huli, napagdesisyonan kong umalis nalang sa library. Lilibutin ko nalang tong school kesa magbasa ng books. Hahaha!

Naglakad ako papunta sa Quadrangle. Mag-isa nanaman ako. Ba't ba ako pumasok ng maaga? Ayoko pa naman ng nag-iisa kasi lagi akong nalulunod. I could drown in my own thoughts. Ang drama eh no. I sighed and plugged my earphones. Ishi-nuffle ko at saktong sa 'Down By Jason Walker'. Ine-next ko na sana kaso matagal ko narin to hindi napakinggan kaya hinayaan ko na. (A/n: Pakinggan niyo yung Down : JasonWalker. Trigger song ko. Haha)

Sabi nila almost perfect daw yung buhay ko. May pera, talino, ganda, at social life. Totoo na may kaya kaming bilhin yung mga kailangan namin, pero di naman nabibili ng pera ang lahat. Oo, matalino ako sa academics, pero hindi sa mga desisyon ko sa buhay. Maganda daw ako, pero di ko naman nakikita, average lang ako. Tapos social life? Oo, marami akong kaibigan, pero sa lovelife naman wala.

May mga kulang din sa buhay ko no. Tulad nila Mama at Papa. Divorced sila, pero nasa side ako ng Papa ko. Si Mama kasi nasa California kaya minsan lang siya dumalaw dito, kapag umuuwi lang siya. May pamilya na kasi si Mama dun. Pero si Papa wala. Tatanda nalang daw siya ng binata habang inaalagaan ako.

Natawa naman ako dun. Tatanda daw habang inaalagaan ako, eh wala nga siya lagi sa bahay. Lagi siyang nagttrabaho. Pero alam ko naman na he's doing it all for me. Kaso kasi minsan, namimiss ko rin yung pag-aalaga niya. Kahit andiyan si Ate Jen mag-asikaso, iba parin yung makikita kong gumagawa diba?

Nag-hiwalay sila nung 14 years old ako. At kahit papano, masaya naman kami kahit kulang. Kaming tatlo lang kasi nila Mama at Ate Jen sa bahay. May kapatid akong isang lalaki , one year younger kaysa saakin. Si Ellie. Pero mukhang nagrerebelde siya dahil laging late umuuwi tapos ang aga-aga umaalis ng bahay.

Pero kontento na ko sa ganito. Kung tutuusin, it could get worse. Pano kung magkasama sila Mama at Papa? Edi araw-araw may gera dito sa bahay. Ayoko naman ng ganun. Alam ko namang masaya na si Mama. Kaso pano naman si Papa? Hindi ko alam kung ano maitutulong ko sakanila kaya nag-aaral nalang ako ng mabuti at nagpapakabait. Pero hirap na hirap na ko hays.

"Ano yan?" Bigla akong nakarinig ng boses kaya tinanggal ko yung earphones ko.

"Ha?" Sabi ko. Si Jasper lang pala. Lagi nalang to sumusulpot kung saan-saan eh no? Parang kabute amp. Hahaha.

"Sabi ko ano yan," pag-uulit niya at tinuro yung braso ko. Agad ko namang tinago yun at sinabing wala. Mukha namang naniwala siya. Expected ko naman yun. Umupo siya sa tabi ko at pinatay ko na yung phone ko.

"May bestfriend ka ba?" Tanong niya. Bat bigla naman niyang natanong all of a sudden? Anyway, meron nga ba? I mean, andiyan yung Squad A. Pero, bestfriend?

"Ano bang bestfriend yung tinutukoy mo?" Yung Squad A kasi yung tipong kasama ko lagi, tutulungan ako pag nangangailangan ako ganun.

"Hmm, basta yung kasama mo lagi tapos andiyan siya para sayo. Always by your side ganun. Tapos siya sinasabihan mo ng problema. Sakanya ka nagda-drama. Basta yun!"

"Oh edi wala. Wala kong bestfriend," mahina kong sabi. Wala kong nasasabihan ng problema, yung nga nararamdaman at hinanakit ko ganun. Kaya medyo nagbottle up sila sa loob. Wala din naman kasing nakaka-intindi sakin eh. Ni sarili ko nga hindi ko maintindihan.

"Oh edi ako nalang bestfriend mo!" Sabi niya. Tumingin naman ako sakanya at medyo natawa. "Oh bakit? Dali na. Ayaw mo ba ng poging bestfriend ha? HAHAHA."

"Poging bestfriend? Nasan pakita mo sakin!" sabi ko at tumawa. Bigla niya kong inirapan. Aba, bakla ata to eh. HAHAHA.

"Bakit ba all of a sudden dikit ka ng dikit sakin?" bigla kong natanong. Napatingin siya sakin at mukhang medyo nasaktan o ewan. "No offense ah. I mean, bat mo sinasayang yung oras mo sakin," agad kong dinagdag.

Napatingin siya sa malayo at biglang sumeryoso yung tingin. Mali ba yung sinabi ko? Gusto ko lang naman malaman kasi biglang isang araw close na kami.

"Hmm, sabihin nalang natin na.." biglang sabi niya. Kaya napatingin ako sakanya. Na? "Gusto kitang tulungan?" Pati siya mukhang naguluhan sa sinabi niya. Pero ngumiti nalang ako para di ako matawa. Ang kulit kasi nung expression niya! HAHAHA. Kunot-kunot yung mukha eh.

"Tulungan saan?"

Nagulat ako nang tinignan niya ko ng diretso sa mata. Gusto kong tumingin sa iba pero parang di ko kaya. "Sa lahat."

Tumayo siya at naglakad palayo. "Sige, alis na muna ko. Alagaan mo sarili mo," sabi niya habang naglalakad. Monggy talaga. Di man lang lumingon sakin habang nagsasalita. Bastos tong batang to. Bigla akong napatingin sa iba nang bigla siyang lumingon at ngumiti sakin. Bat ba siya lumingon pa! Tsaka ngumiti! Hay nako, magbe-bell na rin pala kaya pupunta na ko sa first period.

Mutual UnderstandingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon