Chapter 3

101 6 1
                                    

"Say what you want to say when you have the feeling and the chance."

× Kellin ×

Di ko muna siya nireplyan. Ayoko. Pano kung sabihin niya na.. basta. Natatakot ako. Sana naman mali yung iniisip ko. Sana naman hindi, hindi ngayon kung kailan onti nalang ay mahuhulog na ako. Ayoko mahulog dahil wala naman sasalo sakin.

"Tara kain ulit tayo!" Aya ni Karylle.

"Kakakain lang natin! Tataba ka niyan. Haha," sabi ko. Lahat kami kumanta sa videoke. Nag-duet pa nga yung mag-bestfriend na si Jonas at Joshua. Pusong Bato naman ng kinanta. Haha! Tapos back-up dancer and singer nila si JM, Ian at Gab. Ang kulit nila! HAHAHA.

"Che! Tara na, pleaase," sabi niya pa kaya wala kaming nagawa kaya sinamahan nalang namin siya kumain. Busog pa kasi kami kaya siya lang yung umorder.

"Ano ba yan! Ba't ako lang kumakain?"

"Eh, matakaw ka kasi!" Sabi ni Carlo at nagtawanan kami.

"Hindi ah! Kailangan ko nga to i-burn eh. Patay ako neto. Haha," sabi niya sabay subo. Di naman siya mataba, chubby lang talaga. Tinabihan niya ko habang naglalakad. "Kels, pano ba magpapayat?"

"HAHAHA, pano pumayat?" Natatawa kong sabi. "Wag ka kasing lamon ng lamon! Haha!" Nagtawanan kami ulit.

"You're mean!" Sabi niya at lumayo sakin.

"I'm sorry! Joke lang naman yon," sabi ko at ngumiti nalang siya. "Don't worry, ako bahala sayo!"

***

"Uuwi na kami," paalam ni Yumilka.

"Hah? Whyy? Mamaya na!"

"May pupuntahan pa kami ni Mama eh," sabi niya. Kasama niyang uuwi sila Zyrell, Jassine, Alexon, JM at Ayessa.

"Hayst, sige, ingat kayo!" Sabi ni Renysa.

"Bye, ingat ah?" Sabi ko. Ano ba yan. Ano nalang gagawin namin dito? I feel incomplete. Charought.

"Labidabidoo, ingat kayo!" Sabi naman ni Karylle at umalis na sila.

"San na ba tayo pupunta?" Tanong ni Fran. Hmm, san ba maganda pumunta? Nalibot na namin ung buong mall eh. 7pm na rin.

"Ewan, uwi na ba kayo?" Tanong ko.

"Ay! Oo! 7 na pala! Inutusan pa ko ni Mama!" Sabi ni Carlo at kinapkap yung susi niya ng kotse. "Sasabay ba kayo? Dala ko yung van diba."

"Aish, sige, uwi nalang tayo," sabi ko at pumasok na kami sa van.

"Ano ba yan. Bat di pa natin pinasabay sila Yumilka?" Sabi ni Jonas. "Baka kung mapano pa sila."

"Oo nga no? Haha," sabi ni Joshua.

"Di na rin tayo kasya sa van na to, masyadong marami na pag ganun," sabi ni Carlo. Oo nga naman. Sana maka-uwi sila ng maayos.

***

"Bye! Ingat kayo pauwi," sabi ko at pumasok na sa gate ng bahay. Hinatid kami isa-isa ni Carlo. Ni-lock ko na yung gate at pumasok.

"Dito na ko, Ate Jeeeeen!" Sigaw ko. Narinig ko siya na nag-salita mula sa kusina. "Bihis lang ako."

Umakyat ako at nagbihis na. Sinuklay ko yung buhok ko at nilagay sa isang messy ponytail.

*bzzzzzt* *bzzzzzt*

Oh? Oo nga pala. Yung phone ko. Dali-dali kong kinuha sa jeans ko yung phone ko at tinignan.

Fr: Jasey
'Kellin?'

'Slr, oh? Ano sasabihin mo?' reply ko. Kinakabahan na ako. Pano kung.. pano kung sila na pala? Pano kung niloloko niya lang pala ako? Pano kung--

*bzzzzzy* *bzzzzzt*

'Hey, nakauwi ka na?"

Sus, si Karylle lang pala. Kinabahan ako dun ah. Tss. 'Oo, ikaw? May sasabihin ako sayo.' reply ko. Sasabihin ko yung tungkol kay Jasey. Siya lang kasi ang may alam kaya sakanya ko lang nasasabi.

'Oo, ano?' sabi niya. 'Uhm, kasi nahulog na ata ako sakanya. Help naman oh," reply ko.

'Huh? Sino? Kanino ka nahulog?' Hah? Sus. Alam niya kaya yun! 'Kay Ja--' Shit! Kay Jasey ko nasend pala! Tss. Patay! 'Sayo." Reply ko pero dali kong sinendan ng 'Joke lang! XD' sana maniwala siya na joke lang. Sana maniwala siya. Sana maniwala siya!

'Wag iba nalang.' Aray. What? Wag daw? Iba nalang? Niloloko ba ko neto? Hmp. Kunsabagay, ako tong umasa. Di naman niya ata kasalanan na paasahin niya ko na may kahulugan yung mga pinapakita niya saking motibo diba? Diba!? 'Ahh, buti naman. May nililigawan na kasi ako."

Are you kidding me? A-Akala ko.. Nililigawan? Putspa naman oh! M.U. tapos may nililigawan? Diba yung M.U. yung mutual understanding? Oh baka naman iba yung pagkakaintindi ko, o pagkakaintindi niya. Ano ba kasi ang M.U.?

'Oh? Talaga? Ang galing naman. Kailan pa?'

Di niya ata na-hint yung sarcasm ko. Akala niya wala lang sakin, akala niya di masakit. Kunsabagay di naman niya alam yung feeling na pinaasa ka sa wala.

'Oo, last week pa! M.U. na nga kami eh :)'

Ganyan ba siya kamanhid? O sadyang wala lang talaga sakanya ako? Trip lang ba niya ako? At ako tong si tanga na nakisabay ng hindi nagiingat kaya ayan, nahulog. Ang sakit. Ang sakit sakit. Bwiset.

Dapat pala di na ako nag-assume na gusto niya rin ako. Kasi, sino ba naman ako? He's freaking popular and I'm just another girl who almost fell for him.

Tama, almost. Not totally. Buti bago ako mahulog ng sobra ay nalaman ko na. Na wala nang pag-asa. Na talaga nung umpisa pa lang. Paasa kasi siya. Ang sakit. Karma ko lang siguro to. Isang masakit na karma.

Humiga ako sa kama at sinubukang matulog.. kahit basa yung unan ko.

===
Sorry for my mistakes! I-eedit ko nalang :))
Vote kayo :)
And Comment na rin :)

Ily ^w^

Mutual UnderstandingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon