× Kellin ×
"It's funny how a person can hurt you so much when you were expecting it in the first place."
"Ay, putek!" napahawak ako sa dibdib ko. Bigla-bigla kasing may sumulpot at nag-salita sa tabi ko. Tinignan ko yung lalaking nang-gulat sakin.
"Bakit bigla kang nang-gugulat!?" tanong ko sakanya na halong may pagka-inis. Nakatawa lang ang loko! Hmph.
"Jasper nga pala," sabi niya pagkatapos tumawa at nilahad yung kamay niya. Kinuha ko naman at nag-shakehands kami. "Sorry rin sa pang-gugulat. Hahaha," sabi pa niya.
"Ewan ko sayo," inirapan ko siya. Pero hinarap ko siya ulit. "Kellin nga pala," sabi ko. Baka sabihin niya ang rude ko naman. Parang familiar siya sakin. Ah! Siya ata yung lalaking nakitawa nung kumanta ako sa videoke. What a coincidence.
Tumango siya at tinuro sila. "Ex mo?" tanong niya. Napa-sigh ako at umiling. "Boyfriend?" tumingin ako sakanya at umiling ulit. "Ahh, alam ko na! Mahal mo no?"
"Oo," bulong ko. Maybe, just maybe, I really do love him.
"Ano? Di kita narinig," sabi niya at lumapit pa sakin. Mga 1 foot nalang pagitan ng mukha namin. Ngumiti ako at umiling. Tumalikod ako at nag-lakad papunta sa isang bench dun sa ilalim ng puno na nasa gitna ng quadrangle, kung saan ako lagi umuupo.
Nasa quadrangle ako. Para siyang park kasi madamo tapos may mga benches and tables. May fountain pa nga dito eh na puno ng coins. Wishing Fountain ang tawag nila doon. Well, duh Kellin. Hahaha.
Haaayst, tinignan ko sila. Sila Jasey at Lorri. Naka-upo sila sa isang bench na medyo malayo sakin. Nahanap ko yung account ni Lorri sa FB kaya alam ko na kung ano itsura niya. Isa pa nga siyang Campus Crush/Sweetheart sa level namin eh. Bigla kong may naramdaman na umupo sa tabi ko kaya napatingin ako.
"Sooo.. may gusto ka dun?" tanong niya. Si Jasper nanaman. Bat gusto niya malaman? It's not part of his business, isn't it? But,since wala kong mapagsabihan, why not share it with a stranger? After all mas madali daw.
"Yeah," I sighed. "M.U. kami dati but now," sabi ko at tinuro sila. Tumango-tango siya, as if inaabsorb yung sinabi ko.
"Sus, madaming iba diyan. Hindi lang si Jasey, Lin," napatingin ako sakanya. Lin. Naaalala ko pa dati na ayaw kong tinatawag akong Lin dahil si Jasey lang gusto kong tumawag sakin nun. But, that was before.
"Wait, wait. Kilala mo siya?" I just realized na binanggit niya yung pangalan ni Jasey kahit di ko naman sinabi sakanya.
"Haha, oo," sabi niya at nag-lean sa bench patalikod. Tapos ini-stretch niya yung kamay niya sa bench so parang nakaakbay siya dun sa bench. Gets?
"Pano?" tanong ko. Pero kasi, popular kahit papano si Jasey pero sa Grade 10 lang. Eh nakita ko sa I.D ni Jasper Grade 11 na siya.
"Uhmm, pano nga ba.." hinaplos pa niya ng dahan-dahan yung baba niya as if nagiisip talaga. "Aha! Nung napaaway kami ni Vincent."
"Vincent?"
"Oo, si Vince," tumango-tango siya."Sila nga ata yung binugbog namin. Haha!"
"ANO?" tinaasan ko yung boses ko. "Ikaw yung dahilan kung bakit siya naospital dati!?"
"Woah, easy. Sila nanguna hindi kami," paliwanag niya.
"Ahh," sabi ko. Teka, anong paki ko ba kay Jasey? Pabayaan mo yung lokong yun. Tss. Di po ako bitter. Hindi!
"Nakakatawa nga eh. Haha. Lakas mang-hamon pero taob naman. HAHAHA." Aba, talagang tuwang-tuwa pa siya oh. Napatingin ako kung nasan sila Jasey pero nawala sila.
BINABASA MO ANG
Mutual Understanding
Teen Fiction"Love either makes you, or breaks you." [@hoe-suck]