Chapter 9

53 3 0
                                    

× Kellin ×

"Lin, gising! Hoy."

"Hooooy!"

Ughhh. May yumuyugyog sakin. Sino ba to? Inaantok pa ko. Biglang may umalog nanaman sakin kaya napadilat na ako.

"Ano baaaa?" sabi ko at kinuskos yung mata ko. Ang sakit ng leeg ko! Huh? Sa bench pala ako nakatulog, kaya pala eh. Tinignan ko yung taong kanina pa inaabala yung tulog ko. "Ano bang kailangan m--"

S-Si Jasey!

"Ba't dito ka natutulog. Sasakit leeg mo niyan," sabi niya. Woah, concern parin pala siya sakin kahit papano. Kunsabagay magkaibigan kami. Kaibigan.

Pero kasi di naman niya alam na pinaasa niya ko dahil di ko sinabi sakanya diba? Tss. Wala siyang kasalanan. Magsasalita na sana ako nang may babaeng boses ang nagsalita sa likod ni Jasey.

"Tara na, malalate pa tayo. Sino ba kasi yan?" mataray niyang tanong. Hmp! Si Lorri? Isa siyang Campus Sweetheart kaya akala ko mabait at friendly. Tapos ganyan pala siya? Tss. Yan ba nagustuhan ni Jasey sakanya?

"Tss. Kaibigan ko to. Ano ka ba," sabi niya kay Lorri. Kaibigan. HAHA. Lecheng kaibigan yan. "O siya, pumasok ka na. Magbebell na. Buti nakita kita kundi late ka na!"

"Ah, ganun ba. Salamat," sabi ko at tumango siya. Mabait naman talaga siya kaso nga.. ayun manhid. Tinignan ko si Lorri Young. "Oh, malalate na kayo. Alis na!" may pagka-sarcastic kong sabi. Inirapan lang ako at hinila na si Jasey. Ano ba meron sa babaeng yun? Ang taray naman niya. Akala ko kasing ganda niya yung ugali niya, di pala. Ano bayan! Gravi si destiny. Lagi nalang kami pinagtatagpo ni Jasey. Buti kasi kung mag-isa siya eh. Eh lagi niyang kasama si Lorri kapag magkikita kami. Saklap.

Kailangan ko na talagang kalimutan siya. Onti-onti nang nawawala yung sakit. Sana magtuloy-tuloy na to. Basta lalayo muna ako sakanya hanggang sa tuluyan nang lumayas yung pesteng feelings ko sakanya.

*KRIIIIING*

HALA. BELL NA. AGAD KONG SINUOT YUNG BAG KO AT TUMAKBO PAPUNTA SA BUILDING NAMIN. INAYOS KO NA RIN YUNG ITSURA KO BAKA MAMAYA MAY LAWAY LAWAY PA. HAHAHA.

Lagot ako nito! Takbo lang ako ng takbo. Buti di masyadong malayo yung room namin. Hinihingal na ako. Haist!

Pag punta ko sa room..

"MISS RAE. BAKIT KA LATE!?" Shiz. Si Ma'am Hannah pala to. Strict pa naman siya. Pero di niya kasing ganda yung pangalan niya. Matanders na kasi. Hehehe. Shh lang.

"Uhmm, sorry po. Di na mauulit," sabi ko. First time ko lang ma-late so hopefully palalagpasin niya ko. Mahilig pa namang mangbara at mamahiya si Ma'am Hannah. Sana di ko sapitin yun.

"Dapat lang! Umupo ka na!" Sabi niya at agad akong umupo sa tabi ni Karylle. Seatmates kami diba. Haaaayst! Buti nalang talaga at di na ako sinermonan. Tinignan ko yung relo ko. 10 minutes lang naman ako late eh. Menopausal na kasi siguro si Ma'am. Joke! Wag niyo ako isumbong. Hahaha.

"Psst. First time ah. Ano ginawa mo?" sabi ni Karylle na suot ang kanyang nakakalokong ngiti.

"Wala. Nakatulog lang ako. Haha," sabi ko. Pinalabas ni Ma'am yung assignments kaya nilabas na namin lahat. Science kami ngayon kaya as usual boring. Kaso strict si Ma'am Hannah kaya bawal tatamad-tamad.

"Makinig kayo! Ngayon ay may project kayo. Ang makaka-perfect ay exempted na sa lahat ng activities at.. final exams," nagulat kami sa sinabi ni Ma'am.

Processing...

"WHOOOOP! YEEEEEAAAAAH. THANK YOU MAAAAAAM. WE LOVE YOUUU!" sigawan ng mga classmates namin. Hahaha. I love you Ma'am! Ipeperfect ko na to.

Mutual UnderstandingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon