× Jasper ×
Pagkagising ko parang minamartilyo yung ulo ko sa sakit. Ugh. Dito ako sa table nakatulog? Langya, ang sakit tuloy ng leeg ko. Wala man lang malasakit sakin si Kellin. Di man lang ako pinahiga sa kama. Pero di naman niya siguro ako kaya. Ang macho ko kasi at gwapo pa. Haha, joke lang. Buti nga sinamahan niya ko magdrama kagabi. Di ko na alam gagawin ko nun.
Tatayo na sana ako nang makita ko yung papel na nakaipit dun sa baso. Galing kay Kellin. Natural, siya lang naman yung napili kong bulabugin sa madaling araw para uminom. Binuksan ko at binasa yung letter.
'Hoy,
Paggising mo panigurado masakit ulo mo! Kaya uminom ka ng gamot at uminom ng maraming tubig! Wag ka naring pumasok kung di mo kaya. Sige, sige. Salamat.
Ang cute mong kaibigan,
Kels'P.s. Ba't ang cute ko? Pakisagot please. Hahaha! :))))'
Psh, cute? Siya? Layo. Haha, joke. Cute naman siya eh, pero pogi ako. Ngingiti sana ako kaso biglang sumakit yung labi ko, may sugat. Tss. Puro nga pala ko sugat at pasa. Pasalamat yang Jasey na yan dahil mahal siya ni Lorri. Ayokong kamuhian ako ni Lorri kapag binugbog ko siya. Pasalamat talaga siya. Tch.
Hayst, kailangan kong uminom ng gamot at tubig kaya naglakad ako papunta sa kusina.
Binuksan ko yung cabinet sa taas ng lababo at kumuha ng aspirin. Kumuha rin ako ng baso at nilagyan ng tubig. Iinumin ko na sana kaso may nag-doorbell. Nak nang. Ang aga-aga eh. Binaba ko muna yung gamot at baso bago naglakad para buksan yung pinto.
"Who's there?" sabi ko. Kunyare englishero. Haha. Binuksan ko na at bumungad sakin ang panget--este-- ang mukha ni Vince na mukhang nagulat.
"Oh? HAHAHA! Anyare sa mukha mo? Nakipagsabunutan ka nanaman ba?" sabi niya at tumawa ng malakas.
"Hindi no! Atsaka, isang beses lang yun no!" sabi ko. Oo, nakipagsabunutan ako, nakakahiya man aminin. Pero sa bakla ah, hindi sa babae. Hindi ako nananakit ng babae kahit sobrang sarap nang hambalusin dahil sa sobrang kulit nila. Hahaha.
At oo, hindi totoo yung sinabi ni Lorri kay Jasey. Pero.. bakit naman sinabi ni Lorri yun? Eh, siya nga tong mahilig manghampas at manabunot eh! Halos malagas na yung gwapo kong buhok dahil sakanya pero ayos lang sakin, kasi nga mahal ko siya.
Nung oras na yun kasi nag-uusap kami. Nag-uusap kami tungkol saming dalawa. Pinuntahan ko siya sa bahay at pumayag siya na mag-usap kami kaya lumabas kami ng bahay niya at naglakad-lakad.
*flashback*
"H-Hindi mo na ba ako mahal?" nag-aalangan na tanong ko sakanya habang naglalakad kami. Nakatingin ako sakanya pero ni hindi niya nga ako nililingon.
"Nung una palang naman eh," panimula niya. Naguluhan ako. Anong ibig sabhin niya? "Nung una palang.. hindi kita minahal."
Napatigil ako sa paglalakad kaya napatigil rin siya. Bakit ganun? Kahit alam ko naman yun.. masakit parin. Siguro talagang mas masakit kung manggagaling yun sa taong mahal mo.
Medyo naluluha na ako pero di ko pinapahalata. Ano ba yan! Ang hina ko naman. Wag kang iiyak, Jasper!
Nagsimula na ulit siyang maglakad kaya naglakad narin ako para maabutan ko siya.
"Mahal ko siya," sabi pa ni Lorri. Hindi ako nagsasalita at tumitingin sakanya. Sa baba lang yung tingin ko habang nakapasok yung mga kamay ko sa bulsa ko. "Mahal ko siya, Jasper!" sabi niya pa at hinawakan yung braso ko.
Napatingin ako sakanya. "Oo narinig ko! Di mo na kailangan ulit-ulitin para ipamukha sakin na di mo ako mahal!" sabi ko at napatigil siya.
Oo, oo alam ko! Kahit nung una palang. Di ko naramdaman yung pagmamahal niya. Nandiyan nga siya lagi sa tabi ko pero wala naman sakin yung atensyon at isip niya. Dati ko pa alam na nagpapakatang* lang ako sakanya. Kaso di ako bumitaw. Di ako bumitaw dahil ang inisip ko nun na.. na matututunan niya rin akong mahalin, pero mali, mas lalo siyang napalayo sakin. Dapat pala pinakawalan ko na siya noon para di ako sobrang nasasaktan ngayon.
"So, ano na tayo ngayon?" tanong ko pagkatapos ng mahabang katahimikan.
"Wala," sabi niya lang. Napatingin ako sa malayo at nakita ko si Kellin. May mga kasama siya. At kasama niya siya. Si Jasey. "Wala nang tayo."
Nalipat sakanya yung tingin ko at nakita ko siyang umiiyak. Siya pa may ganang umiyak ngayon ah? Gusto ko sana ibigay sakanya yung panyo ko kaso naalala ko na.. wala na pala kami.
Wala na ko sa tabi niya para saluhin yung bawat luha niya.
Wala na ako sa tabi niya para tulungan siya sa mga problema niya.
Wala na ako para maging unan, tissue balikat at Kuya niya.
Wala na ako para ibigay sakanya lahat para maisip niya na mahal ko siya at special siya sakin.
Pero.. sabi nga nila, pag may nawala, may darating na bago. Kaya 'pag nawala na ako, si Jasey na ang papalit sa pwesto ko.
Bago pa ako magsalita biglang napaupo ako dahil may sumuntok at tumulak sakin.
*end of flashback*
"Sino ba kaaway mo? Ba't ka nabugbog? Hahaha," sabi ni Vince at nagdire-diretso sa sala. Umupo siya sa sofa at binuksan yung T.V.
"Tch. Si Jasey, pre," sabi ko at umupo din sa sofa. Napatingin siya sakin.
"Oh? Dapat tinawagan moko para ako na bumugbog dun!" sabi niya. Alam niya kasi lahat. Sinasabi ko sakanya lahat ng nangyayari sa buhay ko, ultimo pagtae at pagligo. Hahaha. Joke. Private na yun no.
"Edi nagalit sakin si Lorri," sabi ko pa at kinuha yung remote para ilipat sa basketball yung channel.
"Ang labo mo pre," sabi niya at tinignan ko siya nang nakataas yung isa kong kilay, gwapo kasi ako. "Ibig ko sabihin pre, ano naman kung magalit si Lorri? Kung ako sayo bubugbugin ko yun si Jasey para makaganti. Niloko ka ni Lorri tapos inagaw naman ni Jasey, tama lang sakanila yun."
Napa-iling ako sakanya. "Alam mo, iba na yung sira mo eh."
"Oh? Ako pa ah. Ikaw nga tong nagpapakatang* kay Lorri eh."
"Mahal ko kasi siya kaya ganun," sabi ko. "Palibhasa di ka pa naiinlove eh."
"Anong hindi? Andami ko na kayang naging gf," pagdedepensa niya. Pft, gf daw.
"Love naba yun? Eh isang buwan lang nagsasawa ka na agad," sabi ko. Totoo naman eh. Pinakamatagal niya na yung si Rain. Monthsarry na nila bukas eh. Bilis no? Hahaha.
"Eh, ah, ganun talaga eh."
"Huh? Sinong Kels?" tanong niya. Tumingin ako sakanya at nakita kong hawak-hawak niya yung letter na binigay ni Kellin.
"Ahh, si Kellin," sabi ko at biglang nanlaki yung mata niya. Bakit? Kilala ba niya?
"Oh? Kasama mo siya dito kagabi?!" gulat na sabi niya at biglang ngumiti ng malisyoso. Tch. Alam ko na iniisip nito.
"Hindi no, gag*! Sinamahan lang niya ko uminom," pagpapaliwanag ko. Tumango-tango siya at tinignan ulit yung papel na hawak niya.
"Pano mo nakilala?" tanong ko. Eh di ko naman napakilala ng maayos si Vince kay Kellin nung nasa canteen kami, diba?
"Ah, wala, nakikita ko ko lang sa campus," sabi niya at nag-shrug as if no big deal sakanya. Tumango lang ako at nanood na ulit ng T.V. Unti-unti nang nawawala yung sakit ng ulo ko.
Maaga pa naman kaya pwede pa ako maging tamad ngayon.
"Oo nga pala, ano ba sadya mo dito at pumunta ka?" tanong ko nung nag-commercial na.
"Parang nagsasawa na ko kay Rain, pre."
Told you so, walang nagtatagal sakanya. Kaya nga nilalayo ko na sa mga kaibigan ko to eh. Hahaha!
Lalo na kay Kellin.
BINABASA MO ANG
Mutual Understanding
Teen Fiction"Love either makes you, or breaks you." [@hoe-suck]