× Jasper ×
"Gumising ka na brad!"
"Tol, gumising ka kundi sasapakin ko mukha mo."
"Oy, susuntukin na talaga kita!"
"Eto naaaa.."
"WAAAG!" sigaw ko. Agad akong napa-upo at napatingin sa paligid. Nasa quadrangle nga pala ako. At sino ba yung hayop na gumising sakin!? Tss. Pagtingin ko sa mukha nung lalaking nasa harap ko.
"VINCE! Kita mong natutulog ako eh!" sabi ko at akmang babatukan siya kaso umilag.
"Eh sinabi ko na nga na pupuntahan kita diba!" Ngumiti at nag-peace sign pa ang loko. Kala mo naman bagay. Haha! "Ay oo nga pala. May chismis ako sayo."
"Yak. Ambading mo brad!" sabi ko. Bigla niya kong batukan. Aba't iniinis ako neto ah.
"Kami na," sabi niya. Napatingin ako sakanya.
"Kami? Anung kami pinagsasabi mo diyan?" tanong ko. Ang labo kasi.
"Ang slow naman ng bugok na to," sabi niya. Ako pa talaga slow. Eh siya nga yung di nililinaw yung pinagsasabi eh. "Kami na ni Rain!"
"Rain? Sinong Rain?" pinahilamos niya yung kamay niya sa mukha. Sino nga ba si Rain? Parang familiar yung name pero I don't recall.
"Tae naman brad! Si Rain! Yung nililigawan ko! Pambihira," sabi niya na naiinis. Ahh! May nakwento nga siya tungkol dun sa Rain na yun.
"Sorry naman. Haha!" sabi ko. "Ba't ang bilis naman? One week palang ah," nagtatakang tanong ko. Ang bilis namang bumigay nun. Pero ganun talaga kaming mga pogi. Mabilis sinasagot! Hahaha!
"Oo nga eh. Pero mahal niya narin daw ako eh," pagmamayabang niya.
"Mahal? Sure ka naman ba?" tanong ko. Baka mamaya masaktan lang siya diyan. Concern lang ako sa ugok na to. "Baka mamaya iwanan ka niyan."
"Tss. Ano ka ba. Ako nga laging nangbre-break sa mga ex ko eh," sabi niya. Oo nga. Si Jass, Ericka, Queenie at Kenza na ex niya, pinaiyak niya lahat. Di naman sa playboy siya, talagang mabilis siyang magsawa sa babae. Di tulad ko! Loyal ako mga fre!
"Eh kayo naman? Musta?" natigilan ako sa tanong niya. Kami? May kami pa ba? Pati ako di ko na alam eh. Pero sabi niya wala na daw. Putakte talaga oh.
Nag-shrug nalang ako tutal gwapo naman ako. Haha. I-konek niyo nalang. "Nakita ko siya eh. Kasama ni Jerome ba yun? Jerald? Jason?"
"Gag*, Jasey yun!" pagtatama ko sakanya. Teka, magkasama sila!? "Magkasama sila?!Kelan?!"
"Oo, nung gumala tayo sa Fairview," sabi niya. Tumayo ako at nagpagpag ng damit. Processing.. Fairview? Nakita niya?
"Eh, langya ka pala. Ba't di mo sinabi sakin kaagad!?" inis kong sabi. Nandun naman ako ah! Sayang at di ko siya nakita. Sayang.
"Eh, malay ko ba! Diba nagmo-moveon kana?" sabi niya at nag-shrug. Oo nga naman. Pero hanggang ngayon mahal ko parin siya. Hanggang ngayon di pa ko nakakapag-moveon. Hanggang ngayon, umaasa parin ako.
"Tss, yun naman pala eh! Da't di mo nalang sinabi na nakita mo siya. Haaayst," sabi ko at naglakad na. Pupunta nalang ako sa cafeteria. Nakakagutom matulog no! Haha! Iniwan ko nalang yung mokong na yun. Nakakaasar tuloy. Hayst.
***
"Tabi! Aba't. Alis! Baho mo pa. Maligo ka naman brad. Tss," taboy ko dun sa mga estudyante. Hahaha. Ang sama ko naman. Kasi papunta na ako ng cafeteria kaso nahugot ako papunta sa bulletin board. Di ko nga alam kung sino eh. Pag nalaman ko nako! Di na yun sisilayan ng araw.
BINABASA MO ANG
Mutual Understanding
Teen Fiction"Love either makes you, or breaks you." [@hoe-suck]