Chapter 16

1 0 0
                                    

x Jasper x

"Siguro mas maganda kung ganito yung gagamitin nating effects," sabi ni Jasey kay Kellin. Psh, daming alam nitong mga to. May effects-effects pa.

"Oo nga no? Galing mo talaga!" puri ni Kellin at ngiting-ngiti pa halos mapunit na yung bibig eh. Tapos halos dumikit na yung mata niya kay Jasey kakatitig niya.

"Sama ng tingin mo sakanila ah," narinig kong sabi ni Lorri habang nagbabasa siya ng magazine. Lumingon ako sakanya at tinignan siya. Ang ganda niya parin talaga. Siya parin yung Lorri na minahal ko dati. Yung Lorri na niloko at sinaktan ako, pero mahal ko padin. Bakit ba kasi ganito. Ang labo talaga. Bigla akong umiling. Kung ano-ano nanamang naiisip ko. Psh.

"Wala," tipid kong sabi at lumingon ulit kila Kellin. Kanina pa kasing "nage-edit" tong dalawa dun sa may computer table habang nandito kami ni Lorri sa sofa. Narinig kong tumawa ng mahina si Lorri. Tch.

"Kellin," tawag ko sakanya. Di niya ata ako narinig kaya inulit ko ulit ng sobrang lakas.

"Bakit ba?" medyo inis na tanong niya at lumingon sakin. Oh tignan mo to. Pag sa akin inis na inis, pero pag kay Jasey tuwang-tuwa. Mga galawan nito ni Kellin eh. Psh.

"Pahiram ako ng cellphone mo!" sabi ko at tumayo para kunin yon. Inabot niya sakin yung cellphone at tinulak na ko palayo.

"Oo na aalis na ko. Di mo na ko kailangan ipagtabuyan!" sabi ko at umupo ulit sa sofa. Narinig ko lang siyang tumawa ng mahina. Psh, pero atleast di na ko mabobored. Kakalikutin ko nalang tong cellphone niya. In-open ko yung Facebook app niya. Nag-scroll lang ako sa newsfeed niya at nag-basa-basa ng kung ano ano. Maya-maya biglang tumunog. May nagchat sakanya. Si Ayessa daw. Sino ba yon? Kaibigan niya ata.

Tinignan ko yung ibang messages niya at nakita ko yung pangalan ni Lorri. Huh? Kailan pa sila nagsimulang mag-usap? Close na ba sila? Akala ko ba ayaw niya kay Lorri? Hmm.

Binuksan ko yung convo nila. Alam kong mali tong ginagawa ko at baka magalit sakin si Kellin, pero si Lorri to eh. Gusto ko malaman yung pinag-uusapan nila.

Lorri: hoy kellin. alam kong may gusto ka pa kay jasey. kaya ngayon sinasabi ko nang tigil-tigilan mo na siya dahil kami na! ang landi-landi mo. wag ka nang mang-gulo. itago mo yang kalandian mo ha? kundi malalagot ka talaga sakin!

Ano? Pano niya nasabi 'tong mga 'to? Hindi naman ganito yung pagkaka-kilala ko kay Lorri. Tsk. Grabe, ganun ba niya talaga kamahal na si Jasey para awayin niya si Kellin?

Kellin: makatawag ka namang malandi wagas! psh, at ako pa talaga ang malandi ah? eh niloko mo nga si jasper para kay jasey eh! pero mas okay na yun kasi jasper deserves better! HAHAHA. teka yan ba yung campus sweetheart at ms. perfect ng school? ha! funny.

Lorri: oh ano? si jasper naman lalandiin mo? ha? kunsabagay, bagay kayo. parehas kasi kayong tira-tira. if i were you lumayo ka nalang samin kundi may mga kakilala akong kayang manakit sayo! watch your words kellin.

Kellin: sus ang brat mo talaga lorri no? tapos ang plastic mo pa. good girl daw siya pero sobrang sama naman ng ugali psh. emerghed natakot naman ako dun. di ako natitinag sa mga empty threats mo. you still don't know me lorri.
✔️ SEEN

Di ako makapaniwala sa mga nababasa ko. Si Lorri ba talaga to? Tsk, hindi ko nga talaga siya lubusang kilala. Napatingin ako kay Lorri at nahuli ko siyang nakatingin din sakin. Nagulat siya at lumingon sa iba. Umiling nalang ako sakanya.

Maybe, tama si Kellin. Maybe, I do deserve better. Ayoko nang sayangin yung oras ko sa pagmumukmok araw-araw dahil kay Lorri. Wala naman siyang ginawang mabuti para sakin. Kailangan ko na talaga siya kalimutan. Mabuti nalang at nandito si Kellin. Sabay nalang kami magmu-move on. HAHAHA. Tama. Ayon na nga. Starting from now magmu-move on na ko kay Lor--

"Hoy anong ginagawa mo diyan," biglang hinila ni Kellin yung phone niya mula sa kamay ko. Tapos na ata sila sa page-edit ni Jasey. Tinignan ko yung mukha niya at biglang nag-iba. Patay! Di ko ata na-close yung messages niya. Lagot ako nito. Akala ko sisigawan niya na ko, pero bigla siyang sumimangot at nag-sigh. Huh? Tumalikod siya sakin at sinabing, "tara na, uuwi na tayo."

"Thank you ah, Jasey. Bye!" sabi niya habang naka-ngiti. "Bye Lorri," pagpapaalam niya. Ngumiti ng malaki si Lorri at nag-wave pa. Halatang di totoo at oa siya tignan. Nung lumabas na ng pinto si Kellin bigla siyang sumimangot ulit at umirap. Tsk, talagang may ganitong klase talaga ng mga babae eh no?

"Hoy, Jasper! Sumuko ka na, napapaligiran ka na namin!" narinig kong sigaw ni Kellin mula sa labas. HAHAHA. Natawa naman ako sa sinabi niya. Parang kanina lang parang pasan niya yung mundo, pero ngayon masaya na ulit.

Ang moody talaga netong babaeng to. Tumayo ako at kinuha na yung bag ko. "Ge, salamat pre," sabi ko kay Jasey at tumango siya. Tumingin naman ako kay Lorri at tumango. Ngumiti siya ng konti. Lumabas na ko ng pinto at naglakad papunta kay Kellin.

"Oh ano na? Hatid na kita tara," sabi ko. Gabing-gabi na kasi. Hinila ko yung braso niya papunta sakin at pinalupot yung braso ko sa leeg niya.

"Aray, ano ba yan. Nasasakal na ko, break na tayo," pagbibiro niya. Tumawa ako at kinutusan siya sa ulo. Binitawan ko na yung leeg niya at inakbayan nalang siya. Di naman siya pumalag kaya okay na to. Tapos nilagay niya yung kamay niya sa bewang ko.

Biglang tumahimik yung paligid habang nag-lalakad kami sa madilim na daan. Yung mga poste lang yung source ng ilaw.

"Alam mo, ang komportable ko sayo," sabi ko sakanya.

"Hmm? Panong komportable?" tanong niya. Pano nga ba?

"Yung tipong, kapag kasama kita wala akong pake sa mga ginagawa o sinasabi ko. Kasi alam kong di mo ko huhusgahan at naiintindihan mo ko," sabi ko. Tumango siya ng dahan-dahan at ngumiti. "Parang kapatid ganun. Kahit di tayo sobrang close, parang matagal na kitang kilala. Ganun ka din ba?"

"Hmm, oo naman. Masaya naman ako na nakilala kita no kahit ganyan ka. Naawa lang kasi ako sayo. Wala ka kasing friends. HAHAHAHA!" sabi niya. Nag-poker face ako at binatukan siya. "Ouch! Nakaka-ilan ka na ah!"

"Monggy ka kasi eh. HAHAHAHA. Tsaka onti nalang yung mga katulad mo sa mundo eh. Exotic kasi yang mukha mo. HAHAHA," sabi ko. Kinurot niya ko sa tagiliran kaya napabitaw ako sakanya. "Aray ko! Ang bayolente mo talaga. Ganyan din ba yung mga ka-tribo mo ha? HAHAHA."

"Ewan ko sayo. Wag mo ko kausapin," sabi niya at inirapan ako.

"Psh, pabebe pa siya. Tara sapakan tayo. Oh ano ha? Palag palag?" sabi ko at sinusuntok siya ng mahina sa braso. Maya-maya biglang nag-iba nanaman yung expression ng mukha niya kaya napatigil ako. Kanina ang saya-saya niya pero ngayon sobrang lungkot agad.

Tumuloy lang kami sa pag-lalakad sa gitna ng katahimikan. Tanging yabag ng mga paa namin yung maririnig. Napatigil ako sa paglalakad ng sabihin niyang,

"May leukemia ako, Jasper."

Mutual UnderstandingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon