Chapter 6

49 4 0
                                    

× Kellin ×

"Sige, alis na ko, may pupuntahan pa ko eh. Bye!" paalam niya. Kanina pa kami dito nag-uusap at sa wakas natapos narin. Gusto ko naman siya kausap, kahit oras-oras ayos lang kaso kasi, puro tungkol kay Lorri. Kesyo ang ganda niya, kesyo ang bait niya, kesyo mukhang mahal na niya daw siya.

"Sige, ingat lagi you, tanga ka pa naman," sabi ko at tumayo siya.

"Sus, mas tanga ka no! Haha, sige bye! Next time ulit," sabi niya at kumaway pa. Kumaway din ako at pinanood siyang maglakad paalis.

"Yeah, mas tanga ako. Ang tanga ko dahil nahulog ako sa isang tulad mo," bulong ko nang tuluyan na siyang makaalis.

"It's so easy to fall in love but hard to find someone who will catch you."

"Ay, pusang kinalabaw!" nagulat ako! Biglang may humawak ng balikat ko. Pagtingin ko, si Jasper lang pala. "Sus, ikaw lang pala! Sulpot ka ng sulpot!"

"Sorry, gwapo kasi ako kaya ganun. HAHAHA!" Sabi niya at umupo ulit sa tabi ko. "Tsaka ayaw mo nun? Free quotes. Haha!"

"Ewan ko sayo," sabi ko. "At oy, ba't iniwan moko kanina ah!" pinalo ko siya sa braso pero di naman malakas.

"Hoy, hindi kita iniwan no! Pinapanood ko nga kayo eh!" Sabi niya. "Naririnig ko nga rin usapan niyo eh."

"Hindi! Iniwan mo parin ako," sabi ko. Kunyari galit ako pero natatawa nalang ako.

"Sus, may M.U. ka pang nalalaman diyan. Di kaya tayo M.U." bulong niya.

"Neh! Tinignan ko lang kung ano reaksyon niya no! Wag ka mag-isip ng kung ano," pagpapaliwanag ko.

"Sus, assuming kasi. Kaya ka nasasaktan eh. HAHAHA!" Sabi pa niya. Binatukan ko nga pero umilag siya.

"Di ako assuming no! Tsaka anong konek? Hahaha," sabi ko at tumawa lang kami. Ang gaan ng loob ko pag kasama ko siya. Kahit kakakilala ko palang sakanya kanina. Siguro kasi masiyahin siya. Sana mahawahan niya ko ng saya niya.

"Bakit ka ganyan?"

"Bakit gwapo ako? Wala eh, inborn na this. HAHAHA," sabi niya at nagpose pa.

"Sino nagsabi sayo niyan? Pakita mo sakin! Bubugbugin ko! Sinungaling eh! HAHAHAHAHA!" sabi ko at tumawa ulit kami.

"Corny mo talaga. HAHA!" sabi niya.

"Sus! Tumatawa ka nga eh," sabi ko. Magsasalita sana ako nang marinig ko yung ringtone ko. Dinukot ko sa bulsa ko yung phone at nakasulat dun yung pangalan ni Karylle.

"Wait, sagutin ko lang to," sabi ko kay Jasper at lumayo sakanya.

"Oh bakit?"

(Nasan ka na?)

"Sa quadrangle ako. Bakit?"

(Baliw ka ba? Magii-start na po yung klase baka gusto mong umalis na diyan?)

"Huh? Maaga pa ah?"

(Eng-eng naman to. 10 start ng klase! 9:50 na.)

"Ano!? Sige, sige. Papunta na ko sa room."

(Dalian mo habang wala pa yung teacher natin.)

"Sige, bye."

"Oy, papasok na ko magii-start na klase eh," sabi ko kay Jasper at kinuha yung bag ko sa bench.

"Ahh, sige. Hatid na kita?"

"Di, wag na. May pasok ka pa diba," sabi ko at sinuot yung bag ko.

"Cutting ako. Tara, hatid na kita," sabi niya at binuhat yung libro na dala ko. Isang libro na ang nipis-nipis pa.

Mutual UnderstandingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon