× Kellin ×
"Ate Jen, aalis ako mamaya ah," paalam ko kay Ate Jen. Nasa bahay lang ako ngayon. Weekend kasi, saturday. And yeah, may lakad kami ng Squad A. Pero para sa movie yun. Pumayag silang tulungan kaming gumawa.
"Sige lang basta wag kang papagabi masyado ah," sabi niya nang hindi inaalis yung tingin sa TV. Pinapanood kasi yung 'super-mega-favorite' niya daw na teleserye.
"Yes, of course." Inaantok nanaman ako. Ano ba yan! 9am palang naman kasi. Nasa sala kami at nakaupo sa sofa habang nanonood. Wala naman lagi si Mommy kaya kami lang ni Ate Jen ang laging magkasama sa bahay.
"Nagugutom na ako, 'te Jen," sabi ko kay Ate Jen.
"Hay nako. Ilang ulit mo nang sinabi yan Kellin Jay!"
"Eh kasi naman eh! Nagugutom na po ako," pagmamaktol ko. Di pa daw kasi nagbigay ng pera si Mommy pang grocery kaya nga-nga kami ngayon. "Ah! Lalabas nalang ako. Sa labas na lang ako kakain."
"Sige, pasalubong ah! Haha," sabi ni Ate Jen. Gutom rin siya eh. Haha! Kaninang umaga pa kami walang kain. What I meant about kaninang umaga was literally 2 hours ago. Haha!
"Oo naman. Sige, maghahanda na ako," sabi ko at pumanik na sa kwarto ko. Kumuha lang ako ng random shirt at black skinny jeans ko at sinuot na. Nagsuklay at bumaba na. Maaga pa naman at saka bibili lang naman ako ng foods kaya di ko kailangan pumorma. Sino popormahan ko dun? Janitor? Haha XD
"Alis na po ako," paalam ko habang sinusuot yung doll shoes ko. Kinuha ko yung phone ko at wallet at ready to go na.
Hindi naman ako maluho or some kind of rich kid kasi tinuruan ako ng magandang asal nila Mommy kaya marunong ako mag-commute, kumain ng isaw, fishball o kwek-kwek. Sumakay na ako ng jeep papuntang SM Fairview. Haha! Hilig namin sa SMF eh. Eto kasi ang pinakamalapit na mall samin.
"Para po," sabi ko at huminto naman. Bumaba na ako at tumawid. Habang naglalakad ay tinignan ko yung mga unread na messages sa phone ko. Di ko pa pala na-check to kanina. Some of it was only a GM pero mayroon namang hindi.
'Smile to the world, and It'll smile back.
~
Good Morning :)
JustGotUp. Text?GM.' Galing yan kay Karylle. Mahilig iyon mag-GM talaga. Kaya nga alam namin kung naliligo siya o maski natutulog eh. Ginagawa kasi nilang FB or Twitter yung GM. Hahaha!
'Should I smile 'cause we're friends? Or cry 'cause that's all we'll ever be?
-
Morning. Text?Grp. Msg.' Galing naman yan kay Fran. Mukhang may pinapatamaan ah. Hahaha! Ang labo nila men.
'I'm not afraid to love, I'm afraid to FALL inlove because things that fall gets broken.
Magandang Umaga.
Tara text tayo :) -GM.#PNGT' Kay Jonas naman yan. Bakit ang daming nagdradrama sa mundo? Isa na ako dun. Joke! Nakakainis naman yang mga quotes nila. Ang bitter.'Yung ang aga-aga papabilin ka sa Jollibee. Tapos kulang pala pera mo. Saklap XD
Happy Morning!
Here at SMF.
Text niyo ko~G.
#AngMahalOh? Nagulat naman ako. Kay Jasper galing yan eh. Tinignan ko yung time. Mga 20 minutes ago lang. Tinext ko nga.
'Seriously? Pupunta rin ako sa diyan eh! ^___^' text ko. And as usual matagal magreply yang loko na yan kaya nilagay ko muna sa front pocket ko yung phone ko. Malapit na kasi ako sa Jabi. Nasa escalator na ako paakyat sa 2nd floor.
*bzzzzzt* *bzzzzzt*
'Sino nagtanong? Joke. Pakita ka nga sakin Rae. Mag-hi ka :)," reply niya. Rae? Baliw talaga eto. Ewan ko pero bigla ako na-excite. Siguro dahil makikita ko siya in personal. But, what's good about that? Siguro kasi crush mo siya. Sabi ng isip ko. Hindi no!
'Nasan ka ba?' text ko. At himala, ang bilis niyang nagreply.
'Tanga naman neto. Natural nasa Jollibee." Aray. Na-tanga pa ko ah? Salamat naman dun. Itawa nalang natin. Hahaha!
'Sorry naman ah? Natanga pa ko XD' reply ko at natanaw ko na yung Jabi. Jabi tawag ko dun eh bakit ba?
'Slow kasi. Tss. Joke! Haha~' di ko na siya nireplyan. Dali-dali akong naglakad papuntang Jabi. Di naman ako excited. Sobra lang. Joke! Haha.
Nasan ba siya? Nasa labas lang naman ako ng Jabi eh. Kasi katapat ng Jabi ay McDo, eh sa McDo ako bibili ng foods.
Aha! Nakita ko na siya. Nakapila siya, may dalawang tao pa ang nasa harapan niya so di pa siya umoorder. Naglakad ako papunta sa entrance ng Jabi at sumigaw ng..
"Jaspeeer!" sigaw ko at tinaas yung right hand ko at winave ng onti. Nagulat naman siya. Well, actually lahat ng tao kasi sino ba namang sisigaw sa gitna ng mall diba at nakataas pa yung kamay. HAHAHA. Para kong ewan dito.
Tumingin siya sakin. Ngumiti ako at tumalikod na. Pumasok na ako ng McDo at pumila na. Sabi lang naman niya magpakita diba? Hindi makipag-usap or lumapit.
Nung ako na yung nasa counter sinabi ko na yung order ko at binigay na yung bayad. "Salamat!" sabi ko at kinuha na yung paper bags. Naglakad na palabas ng mall.
***
"Nanditey na akows!" sigaw ko nang makarating ako sa bahay. Nilapag ko na yung paper bag sa table sa may kusina.
"Ang tagal mo naman. Nagugutom na ko dito! Buti di ako nahimatay. Hahaha!" biro ni Ate Jen nang makapasok siya sa kusina.
"Sus! Ang OA mo, 'te Jen," sabi ko. Parang baliktad eh no? Ako yung bumibili ng pagkain imbis na siya. Pero ayos lang yun. Ako naman nagprisinta eh.
Inayos na namin yung pagkain at pumunta sa sala. Manonood ulit ng TV habang umuupo sa sofa. Ang boring naman ng palabas. Kinuha ko na muna yung phone ko.
No new text messages. Naisipan ko ngang mag-GM.
' "Love is blind. I know, because you don't see me
×
Morning :)
JustGotHome frm SMFGMsg.
#Lablablablab' send. Makikisama na rin sa mga Tropang Brokenhearted. Haha! Ikaw? Brokenhearted ka rin ba? Sali na! Haha XD*bzzzzzt* *bzzzzzt*
'I see you~ :)' text ni.. Jasper?
'Yes! Sa wakas naman! Haha," reply ko. Ang feeler niya ha! Pero alam kong joke lang yun kaya sinakyan ko nang trip niya. Haha. Yun naman yung palagi kong ginagawa diba? Tapos sa huli.. hayst.
'Haha. Gawa mo?" Hmm. Ano nga bang ginagawa ko?
'Nakaupo and humihinga. Ikaw?' reply ko. Mga isang minuto nagreply na. Normally 2 minutes eh. Haha! Bilang na bilang ko po.
'Kain~ :)' sabi niya. Ahhh. Tapos na ko kumain eh. Kakatapos lang pinasabay ko na kay Ate Jen yung pinagkainan ko.
'Ahh, sige. Kumain ka na muna. Nakakaistorbo pa me.' reply ko.
'Okay lang. Mas mahalaga ka naman eh. Haha :)'
Napatigil ako. Ganun ba talaga yun? Bakit biglang bumilis yung tibok ng puso ko? Bakit ganito? Nakangiting nireplyan ko siya.
'Haha, nakakatats bebe. Kaya like kita eh. Lol,' send. Sanay na ko sa ganito. Kasi ganito mga trip namin. Kahit kay Jasey, ganito kami nagsimula. Sa pa-jokejoke lang.
BINABASA MO ANG
Mutual Understanding
Teen Fiction"Love either makes you, or breaks you." [@hoe-suck]