Chapter 15

5 0 0
                                    

x Kellin x

After a long, long time, natapos na namin yung movie na key namin para exempted kami sa Science. Wooh! Last subject na namin to. Wooh! 2 minutes nalang bell na. Wooh! Uwian na. Wooh!

*kriiiiiiiing*

Pagkatapos mag-goodbye sa teacher namin ay inayos ko na yung gamit ko. Pupunta kasi ako kila Jasey. And if you must know, ako lang kasi marunong sa Squad A mag-edit. Kaya tutulungan ko si Jasey. Sana nga di maging awkward eh. Hays.

Pero alam mo, onti-onti nang nawawala. Sana magtuloy-tuloy na to. Buti nalang kasi andiyan si Jasper. Nakakalimutan ko kasi yung mga ganung bagay kapag kasama ko siya. Monggoloid kasi yun kasama eh. Tawa siya ng tawa. HAHAHAHA.

Lumabas na ako ng room at naglakad sa campus palabas ng school. Alam ko naman kasi yung bahay nila Jasey kasi malapit lang tsaka nakapunta nadin ako dun once.

Hinugot ko yung phone ko galing sa magic hat. Joke. Sa bulsa ko. Wag kayo masyado maniwala. HAHAHA. Itetext ko si Jasey na on the way na ako kahit nasa school palang. HAHAHA. Yan ang tunay na pinoy. Kaya nga it's more fun in the Philippines eh.

Pagkatapos ay sinend ko na. Biglang may kumalabit sakin sa balikat. Lumingon ako sa likod pero wala naman. Ang weird. Pero pagkaharap ko bigla kong nakita yung mukha ni Jasper.

"What the f—ano ba!" sigaw ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Langya akala ko minumulto na ko. Bumilis yung takbo ng puso ko, mas mabilis pa kaysa sa twing nakikita ko dati di Jasey. Charought. HAHAHA.

"San ka pupunta?" Tanong niya na parang walang nangyare. Kahit kailan talaga to eh masasapak ko na to. Pigilan niyo ko, pigilan niyo ko!

"Malamang palabas ng school. Duh," mataray kong sabi. Kunyare galit ako. Hahaha. Parang tanga kasi kala niya nakakatuwa lahat ng ginagawa niya. Di niya alam nakakasakit din yung pagpapaasa niya na magiging kami tapos malalaman ko nalang may ka-M.U. na siyang iba. Hmph. Pero siyempre joke lang no. Moved on na ako. Hohoho.

"Ohh, kamusta na nga pala yung movie project niyo?" Binigyan ko siya ng are-you-serious-look pero tumawa lang siya. Oh diba? Eto yung tinutukoy kong tawa ng tawa eh. Baliw na ata to nako kailangan ko na tong iwasan baka mahawa pa ako. Hahaha.

"Pupunta nga ako kila Jasey ngayon eh," sabi ko sakanya. Mukhang nagulat siya sa sinabi ko. "I-eedit na kasi namin yung movie. Tapos na kasi," dagdag ko pa. Tumango-tango siya.

"Eh bakit kila Jasey pa? Tsaka bat ikaw pa eh ang dami niyo namang pwede pumunta!" medyo inis na sabi niya. Ano ba problema nito?

"Ako lang kasi marunong samin mag-edit kaya tutulungan ko si Jasey," pagpapaliwanag ko. Tsaka bat nga ba ko nagpapaliwanag dito. "Mas madali kasi kung sa bahay nila. Malapit lang tsaka sandali lang naman yun." Feeling ko nagpapaalam ako sa tatay ko eh. Hahaha.

"Eh kahit na! Di ka man lang sinamahan. Gabi na kaya. Sus walang kwenta yang mga kaibigan mo." Natawa naman ako sa mukha niya. Nakakunot yung noo tapos nagsanib pwersa yung mga kilay. HAHAHA. Pero anong sabi niya? Kaibigan ko walang kwenta? Psh.

"Hoy busy kasi sila no! Tsaka may kwenta sila. Lakas naman ng loob mo sabihin yan eh di naman tayo ganun ka-close," asar kong sabi at tumingin sa iba.

"Oo nga naman no? Di naman tayo close. At ni hindi nga tayo magkaibigan," seryosong sabi niya. Nung nasa gate na kami bigla siyang tumigil kaya napatigil din ako. Tumingin siya sakin sabay sabing, "Sige, mag-ingat ka. Bye." Pagkatapos ay naglakad na siya palayo sakin. Bigla naging cold yung boses niya. Dahil ba sa sinabi ko? Psh, galing mo kasi Kellin eh. Lahat nalang ng ginagawa mo mali. Mas okay na to, di ko naman siya deserve. Wala kong kwentang kaibigan. Hayst. Da't kasi di nalang ako nagsalita. Well, whatever.

Nagsimula na ako maglakad papunta kila Jasey. Walking distance lang naman eh kaya kahit di na sumakay. Buti nalang may mga post lights dito kaya di masyadong madilim. May mga students din akong kasabay maglakad, pero onti lang.

Lumiko ako papunta sa village nila. Isang liko pa tapos dire-diretso na kila Jasey kaya di ako maliligaw. Hindi ko alam kung ano mas nakakatakot eh. Yung walang katao-tao o yung may mga tao na hindi mo kilala eh. Ang creepy talaga dito.

Biglang tumigil saglit yung tibok ng puso ko. Binilisan ko ng onti yung paglalakad ko. May narinig kasi akong yapak ng paa sa likod ko. Di ko alam kung sino yun pero wala na kong balak alamin. Binilisan ko nalang yung lakad ko. Grabe tong kaba ko nako. Nung natanaw ko na yung bahay nila Jasey, nakahinga ako ng maluwag. Nung nakarating na ko sa tapat ng gate nila, magdo-doorbell na sana ko ng..

"AHHHHHH!" sigaw ko ng may humawak sa dalawang balikat ko. Napatakip ako ng tenga at napaupo. Pagtingin ko sa taas, walang 'ya talaga 'to! "Ano ba Jasper!"

"HAHAHAHAHAHAHAHA," tawa siya ng tawa. Nakapokerface lang ako. Di parin siya tumigil kaya sinipa ko yung paa niya. Napahawak siya sa paa niya at nagsitalon-talon. "Aray ano ba yan! Ang sakit aray."

"Ano nangyayari sainyo?" Napatingin ako sa likod. Si Jasey pala tsaka si Lorri. Ha? S-Si Lorri? Tumingin ako kay Jasper at nakatingin lang din siya sakin. Teka, baka magaway nanaman tong dalawang mokong nato.

"Ah, eh, wala wala!" pagtatanggi ko. Binigyan niya ko ng anong-ginagawa-niya-dito-look. "Hinatid lang niya ko," sabi ko nang nakangiti at tumingin kay Jasper. "Aalis na rin siya. Diba?" Nilakihan ko siya ng mata para umoo siya.

"Anung aalis ka diyan! Sasamahan kita papunta at pauwi oy!" pagpupumilit niya. Tinignan ko sila Jasey pero nakataas lang yung kilay niya samin. Eto namang si Lorri nakatingin lang sa baba habang nakahawak sa braso ni Jasey. Psh, niroll ko yung mata ko internally. Tinignan ko si Jasper at hinugot na yung damit niya.

"Tara na."

Mutual UnderstandingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon