Invite
Jamaica's POV
Nakatulala ako habang nilalakad ang madilim na kalye. Oo nilalakad ko lang. Gusto ko kaseng magdrama at maglakad kaya bitbit-bitbit ko ang roller skates ko at sa kabilang kamay ko naman ay ang school shoes kong de-takong.
Hanggang ngayon kase palaisipan parin sakin kung bakit nag-aalala si Red. Natatakot tuloy ako,marupok pa naman ako.
Tapos dumagdag pa sa iniisip ko yung message ni kuya Jade na hinahanap daw ako ni Shiro.
Napagalitan tuloy ako nung mga teacher ko,oo 'mga' kase sa lahat ng klase ko buing hapon tulala ako kaya ayun,napagalitan ako ng apat na teacher sa iba't ibang subject.
At yun ang dahilan nang pagda-drama ko.
Biyernes narin bukas at natatakot akong baka magkahiwalay kami ni Vince sa lunes. Namomoblema din ako sa biodata ko. Anong picture ang ilalagay ko dun? Wala naman akong picture.
Ting!
Hindi pa naman ganun kadilim,at may pumasok na ideya sa utak kong walang laman.
Dali dali kong sinuot ang roller skates ko at hinubad ang tsinelas ko at nilagay sa bag.
Kasya naman yung tsinelas,pero pano yung school shoes?
"Hayst! Bahala na si super cat." Siniksik ko pati ang school shoes ko at dali dali na akong umalis sa lugar kung nasan man ako.
"Magkano po magpapicture atsaka magpa photo copy nun?" Agad kong bungad sa photoshop na pinasukan ko.
"Depende sa size iha,ano bang size?" Tanong sakin nung parang photographer,may hawak kase syang camera.
"1 by 1 at 2 by 2 po kuya,tig 50 pieces po.." nanlaki naman ang mga mata nila sa sobrang dami nang sinabi ko.
Di bale nang handa.
Napakamot sa ulo yung nasa bandang computer atsaka nilingon ako, "Lahat ng yun,iisa lang ang kuha?"
"Hindi po,yung 25 pieces sa 1 by 1 nakangiti ako yung 25 pieces sa isa pang 1 by 1 ay nakangiti pero labas ngipin. Tapos sa 2 by 2 ganun din. Hehe." Mahaba kong paliwanag at pareho naman silang napakamot sa ulo nila.
"Ready! 3,2,1 say cheese!"
"Cheese!"
"Ok na,iha." Dali dali naman akong lumapit sakanya at sinilip kung ayos ba ang kuha nya sakin.
"Ayos na po! Salamat!"
Pagkasabi ko nun,pinasa na nung photographer yung picture ko sa babaeng naka-upo sa computeran.
Habang hinihintay ko silang matapos kinuha ko nalang muna ang cellphone ko sa bag at nag compose nang message ko kay Papa.
To : Papa'ng malupet
Pa pauwi na me,patapos na yung pag-photo copy. Ingat ako. Bye. Ingat.
Message sent!
Pagtapos kong mag send ng message kay papa ay natapos nadin ang mag-asawa sa pag photo copy ng muka ko.
"Salamat po,magkano po?"
"100 pesos lahat sa 1 by 1, 250 pesos naman sa 2 by 2." Paliwanag nya sakin habang ako naman ay kumukuha na nang pera sa pitaka.
"Bale 350 po? Eto po 400 na po keep the change. Pambawi man lang po sa pag istorbo ko kahit medyo madilim na." Pagkasabi ko nun binigay ko na agad sa kanya ang apat na daan at nagpasalamat kami sa isa't isa at umalis na ako sa lugar na yun dahil nagugutom na ako.
BINABASA MO ANG
The Princess of Boy Academy High School (High School Series #1)
Teen Fiction[ON-GOING] Sabi nila basagulera daw ako,totoo naman. Wala ngang gustong tumanggap sa akin na school sa amin. Pero salamat nalang kay Ninong dahil may school sya---pero! Boy School! Pero ano pa bang choice ko?! Eh wala na. Sana lang talaga dito na ak...