Chapter 25

211 10 3
                                    



Realization

Jamaica's POV

No more fight? Basic.

"Oh ano kuya,pumayag na ako sa mga kondisyones mo. Tara na pili na tayo motor." Taas noo ko'ng yaya.

Tumawa naman sya bago niliko ang manibela at umiba kami ng ruta pauwi.

Napangiti ako dahil mukang pupunta na kami sa shop ng mga motor.

"Hindi ko pa nga nakikita ang mga scores mo." Sabi nya.

"Sureball pasado na yun," mayabang kong tugon habang tataas-taas ang kilay.

"Seriously? Ganyan ka ka-confident,ibang klase." Asik nya.

Sasagutin ko na sana sya nang mapansin ko na hindi naman kami papunta sa shop ng mga motor.

NASA PARKING LOT NA KAMI NG MALL!

"K-Kuya naligaw ka ata.." sabi ko habang nakatulala.

Pinagkunutan nya ako ng noo, "what do you mean?" Tanong nya at bumaba sa kotse.

Nagtungo sya sa direksyon ko at pinagbuksan ako ng pinto.

Bumaba nama ako dun habang may nakarehistrong pagtataka parin sa muka ko.

Kumunot ang noo ko nang mahina sya'ng tumawa. Malakas ko naman sya'ng hinampas sa balikat.

"Akala ko pupunta tayo sa motor shop!" Bulyaw ko at naunang maglakad sa kanya papasok sa mall at hindi alintana ang pagkirot ng binti at balakang ko.

Hinintay ko naman sya nung makapasok na ako sa mall. Aba! Wala ata ako'ng pera.

"Aano tayo dito?" Bungad ko sa kanya nang makalapit na sya sa akin.

"Bibili ng damit," tipid nya'ng sabi at nagpatiuna'ng maglakad.

Sumunod naman ako sa kanya at agad ko sya'ng pinigilan nang madaanan namin ang stall ng ice cream.

"Gusto ko nun," sabi ko habang nginunguso yung ice cream.

Umiling iling sya,"hindi pwede,bawal ipasok ang pagkain sa boutique." Sabi nya at hinila na ako.

Dumireto kami sa boutique nga at mga damit panglalaki ang bumungad sa akin.

"Sabi ni tito tayo'ng dalawa daw ang a-attend sa party ng mga Asuncion." Paliwanag nya habang namimili ng susuotin.

Asuncion? Agad na kumunot ang noo ko.

"Party kina Ninong?" Tanong ko pero hindi na nya ako pinansin.

Busy na sya sa pagpili ng damit nya. Tsk! Wala naman ako'ng mapipili dito. "

"Kuya punta lang ako sa kabila,wala naman ako'ng mapipili dito." Paalam ko at inilahad ko ang kamay ko sa kanya.

"Credit card ko," sabi ko.

Sa kanya ko kasi pinapahawak ang credit card ko. Baka kasi mawala ko kapag ako lang ang humawak.

Iniabot nya naman saakin 'to. Napangiti ako at hinalikan ang credit card kong matagal ko nang hindi nahahawakan.

Aalis na sana ako ng tawagin ako ni kuya. "Bakit?" Tanong ko.

"Evening gown or dress ang pipiliin mo. Hindi pantalon at tshirt." Paalala nya.

Hindi ko na sya pinansin at iniwan sya mag isa.

The Princess of Boy Academy High School (High School Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon