Poison
Jamaica's POV
"Kuya bakit hindi ka makasagot? Si mama ba 'yon? Ang mama ko ba 'yon?!" Hindi ko na napigilan ang pag taas ng boses ko.
Napakatagal niyang sumagot at kulang na lang sampalin ko siya para sagutin ako.
Ang galit ko'ng tingin ay tinapatan niya din. Nagtitigan kami bago niya ako bulyawan.
"Yes! It's your mom! So what? May pake ba siya sayo? Sa tingin mo, saan siya kukuha ng lakas ng loob para harapin ka? Wala siya non! Dahil kung meron man edi sana matagal na kayong nagkita!"
"Pano mo nasabi?!"
"She had the power—" tumigil siya at unti unting lumambot ang ekpresyon niya na para bang mayroon siyang nasabi na mali.
Huminga siya ng malalim bago binalik ang tingin sa harap at paandarin ang sasakyan. Napabuga ako ng malakas bago napasandal sa kinasasadlakan.
Nanatili akong tahimik hanggang sa makaabot kami sa bahay. Gustuhin ko man na magdabog at basta na lang iwan ang mga pinamili ko at hindi ko ginawa. I am not that bratty so I think I do not need to act like I am one.
Pinanguha ko ang mga pinamili ko at agad na umakyat sa kwarto ko. Binuksan ko ang closet binato muna doon ang mga pinamili ko.
Nanghihina akong napaupo sa kama. Nanatili akong ganoon hanggang sa hindi ko namalayan na mahigit kalahating oras na akong ganun.
Nagbihis ako at agad na binagsak ang sarili sa kama. May narinig akong kumatok at bumukas sa pinto ko. Pero hindi ako nag aksaya pang lumingon.
"Half sis—"
"Hindi kita tutulungan sa assignment mo," wika ko at nagtalukbong ng kumot.
"Hindi naman iyon yung pinunta ko ih!" Maktol niya.
Hindi ako sumagot at nanatiling nakatalukbong. Naramdaman ko ang paglubog ng kabilang kama,senyales na umupo siya doon.
Naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko at paulit ulit niya akong niyuyog.
"Ano ba?! Put—" bumango ako at inis siyang hinarap. Hinarang niya agad sa bibig ko ang isa niyang daliri dahilan para hindi ko matuloy ang sasabihin.
"Samahan mo naman ako oh," sabi niya.
Napataas ang kilay ko, "at saan?"
"Sa aking mundo—aray naman!" Singhal niya nang makatikim siya ng palatok sa akin.
"Mundo ka jan!" Inis kong sabi at humiga ulit.
"Sigi na kapatid," pamimilit niya.
"Sige ka,hindi mo na malalaman ang secret ng half bro mo," pangungumbinsi niya pa.
BINABASA MO ANG
The Princess of Boy Academy High School (High School Series #1)
Teen Fiction[ON-GOING] Sabi nila basagulera daw ako,totoo naman. Wala ngang gustong tumanggap sa akin na school sa amin. Pero salamat nalang kay Ninong dahil may school sya---pero! Boy School! Pero ano pa bang choice ko?! Eh wala na. Sana lang talaga dito na ak...