Chapter 19

210 7 0
                                    

Saved by a freak

Jamaica's POV

"Shawny gusto mo?" Alok ko ng chips sa katabi ko.

Umiling lang sya at binalik ang tingin sa harap. Mag lilimang minuto na wala parin si Red. Marami ng nabobored at isa na ako dun.

"Sa tingin mo,nasaan na kaya ang kurimaw?" Tanong ko kay Shawn.

Mahina syang tumawa at humarap sa akin. Pinitik nya pa ang noo ko kaya naman inis ko syang tinignan habang hinihimas ang noo ko.

"Stop calling him like that,bahala ka dyan. Ikaw din,pag narinig ka nun lagot ka. But don't worry,your bestfriend is here." Usal nya at kumindat pa ang loko.

Hindi ko na lang sya pinansin at tumayo ako mula sa pagkaka-upo.

"Labas lang ako," paalam ko kay Shawn at iniwan na sya dun. Narinig ko pa ang pag-tawag nya sa akin pero kinawayan ko lang sya habang nakatalikod na ako.

Paglabas ng gym,ang sariwang hangin agad ang dumampi sa balat ko. Dumiretso ako sa mini playground ng school.

Dati daw may mga elementary dito mapa-lalaki o babae,sabi nung kung sino na nadaanan ko lang nung nakaraan.

Minsan ko ng tinanong si Vince tungkol dun sa narinig ko pero umiwas lang sya sa tanong ko sa paraan ng pag-iiba nya ng kuwento.

Tinapon ko muna ang balat ng chips bago ako pumesto sa duyan. Ramdam na ramdam ko ang mainit na araw sa likod ko dahil tanghali na rin naman at pahapon na.

Nasaan na kaya si Red-Eyed-Sleepyhead.

Baka nasa gym na at nag-pe-perform. Hindi naman kami close kaya bahala sya dyan kung anong plano nya sa buhay nya.

Habang nag-duduyan napapaisip ako kung ilan ang hibla ng buhok ko,kung bakit sampu lang ang daliri ng normal na tao,kung nasaan na kaya si Jack ng Titanic,kung bakit sa sobrang daming barbie movies ay iisa lang ang muka ni Barbie,at kung bakit sa dinami dami ng lugar at oras ngayon pa ako nakakarinig ng sumisitsit.

"Pssst!"

Napapitlag pa ako,napag-krus ko din ang daliri ko at napapikit ng mariin. Lord kung may galit man sakin ang kung sinong multo,please lang wag nya akong takutin sa gantong paraan.

"Pssst---!"

"Ay nako jusko po ke-aga aga bakit may sumisitsit?! Bakit ngayon pa na mag-isa lang ako!"  Mabilis kong usal habang nakapikit ng mariin.

Pero sandali akong natahimik nang may marinig akong tumatawa. Dun na ako tuluyang umalis sa pagkaka-duyan ko at mabilis na nag-lakad. Pero ramdam ko na may sumusunod sa akin kaya mas binilisan ko pa ang paglakad at hindi pinakinggan ang kung ano man ang sinasabi nung multo sa likod ko.

Jusko po,patawarin nyo na po---

"Aahhh!"

Napapikit ako ng mariin ng may biglang humawak sa kamay ko at mabilis akong hinila papalapit sa kanya.

Sandaling nagkaroon ng ingay ang paligid na kanina ay hindi ko narinig dahil sa takot ko sa sumusunod sa akin.

The Princess of Boy Academy High School (High School Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon