Unmasked or not
Jamaica's POV
Seryoso ba talaga sila? Hindi! Baka nag-jo joke lang.
Pero bakit parang totoo?! Bwisit.
Pero wala namang problema saakin. Hindi naman ako man hater,mas ok na siguro ito dahil wala narin namang gustong tumanggap saakin na school.
Sadgirl ang peg.
Tumuloy na lang ako palabas ng gate ng school namin. Oo tapos na yung klase namin.
Pero hindi pa ako nakakalabas marami nang mga studyante ang nakapalibot sa hindi ko alam kung ano.
At dahil dakila akong tsismosa nakisiksik din ako sa kanila.
"Ekskyuzmiiii!!!" Sige lang ako sa pakikipagsiksikan at sa wakas! Nakasiksik din ako.
Pagtingin ko dun sa pinagtitinginan nila nanlaki yung mga mata ko.
Si Guinea!
Palinga linga sya sa paligid at hindi pinapansin ang mga nakatingin sa kanya. Parang ako yung nahihiya sa damit nya.
Nakasuot sya nang napaka-ikling maong shorts at fitted na sando na light pink habang palinga linga sa paligid na parang may hinahanap.
I wonder who? I wonder why? I wonder when? I wonder where---ay puta ka!
Bumagsak ang tingin sa akin ni Guinea at nakangiting lumapit sa direksyon ko.
"Si Miss Gee!"
"Grabe ang seksi!"
"Pre,lalapitan si Jamaica!"
"Magka-away ba sila?"
"Ewan ko! Ang alam ko si Lady M lang naman ang kaaway nya."
Siguro mga 1 meters na lang ang layo namin sa isa't isa nang tumigil sya sa harap ko. Tinitigan nya ako ng masama habang nakangiti ng nakakaloko.
Inayos ko ang boses ko at pumikit bago mag salita. "B-bakit po?"
Yan ganyan nga Jamaica,para hindi mabunyag ang sikreto mo.
Ngumisi sya sa akin at mas lalo pang lumapit. Umikot sya sa sakin at biglang hinila ang buhok kong nakapuyod.
Rinig ko ang singhapan ng iba nang bumagsak ang mahaba at pula kong buhok.
Mariin akong pumikit at hinila ang kamay nya.
"Anong kailangan mo?" Malalim at malamig kong tanong sa kanya.
Ngumisi sya bago bawiin ang kamay nya sa akin. "You.." dahan dahan syang lumapit sa akin at bumulong. "It's you Lady M."
Pakiramdam ko umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo ko. Naiinis ako sa kanya. Naiinis ako dahil hindi ko alam kung pano nya nalaman na ako si Lady M.
Ganon ba sya kainteresado sa akin? Well,di ako interested sa kanya.
Mabilis kong hinila ang kamay nya at pinilipit. Sinipa ko ang likod ng tuhod nya kaya napaluhod sya.
"Woah! Ang lakas ni Jamaica."
"Weird.."
Dahan dahan akong lumapit sa likod nang tenga nya at bumulong.
"You want a fight? Then,let's fight." Binitawan ko sya ng pabato pero mabilis syang tumayo at akmang hahawakan ang kamay ko at hinayaan ko syang magtagumpay. Alam kong magtataka silang lahat pag nakita nila akong makipag laban. Kaya hanggang dun na lang ang ginawa ko sa kanya kanina.
BINABASA MO ANG
The Princess of Boy Academy High School (High School Series #1)
Teen Fiction[ON-GOING] Sabi nila basagulera daw ako,totoo naman. Wala ngang gustong tumanggap sa akin na school sa amin. Pero salamat nalang kay Ninong dahil may school sya---pero! Boy School! Pero ano pa bang choice ko?! Eh wala na. Sana lang talaga dito na ak...