Chapter 21

211 9 2
                                    

A/N: It's my birthday!!!🎉

Trouble

Jamaica's POV

Dalawang araw na ang nakakalipas matapos nung performance task namin. At ngayon,tahimik sa buong room dahil halos lahat kami busy sa pag-susulat ng pointers to review para sa exam next week.

Nakakapagtakang isipin na mga mukang rebelde ang halos lahat sa amin pero mga grade concious din pala.

"Okay class,yan ang mga kailangan nyong ireview in math. Goodluck." Sabi nung teacher namin.

Nagsitayuan naman kami at nag bow. "Thank you and goodbye maam." Sabi naming lahat at umupo ulit.

Pag-labas ng teacher,ayun naging palengke na. May one hour vacant pa kase bago ang lunch.

Tumayo ako sa upuan ko kaya napatingin sa akin ang mga ka-table ko.

"Vince pahangin lang ako--sama ka?" Tanong ko kay Vince na prenteng naka-upo habang pumapapak ng piattos.

"May pagkain ba dun?" Tanong nya kaya napa-irap ako.

"Bahala ka dyan." Sabi ko at tinalikuran sya. Pero palabas pa lang ako nung biglang dumating ang adviser ko.

Wala tuloy akong nagawa at bumalik ulit sa table namin. Pero sa pag-kaka-alam ko wala syang schedule sa amin pag huwebes.

"Sorry to interupt your vacant class. I'm just going to announce something. But before that,please sit properly. Even you unifroms,please fix it." Sabi nya na parang hingal na hingal.

Nagsi-ayos naman kami ng upo at inayos ang mga uniform namin. Lahat kami naka-abang lang sa sasabihin niya.

"Next week is your exam week right?" tanong nya at tumango naman kmaing lahat,"After your exam week,the  Drenton International School is inviting our school to come on their incoming school festival. And our school whole heartedly accepted it. So class,we are expecting you to behave. Let's change their impressions to our school. Alam kong ayaw nyong tinatawag na mga sanggano--even us,mga anak na namin kayo at masakit sa amin na marinig yun. Please behave,okay?" Paliwanag nya.

Napairap naman ako. Ramdam ko na hindi sincere yung sinabi nyang mga 'anak nya kami'. She was just saying it para pumayag kami na mag-behave.

Napatingin kaming lahat kay Yoshi nang mag-taas sya ng kamay.

"Ma'am kailan po tayo mag-s-school festival? Lagi na lang tayong uma-attend sa school festival nila pero tayo po walang school festival." Sabi nya na pinagtaka ko.

Seryoso? Hindi pa nakakaranas ang school na ito ng school festival.

Napatango tango naman sila sa sinabi ni Yoshi. Habang si maam napapabuntong hininga na lang.

"Okay,let's make a deal. Tutal,every school na pinupuntahan natin na may school festival ay laging may narereport na nag-aaway.  I want you guys to behave this time and this year! And I promise na magpapasa ako ng request para sa school festival natin. Is that clear?"

The Princess of Boy Academy High School (High School Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon