Chapter 3

600 20 4
                                    

Fight

Jamaica's POV

Kinulang ba to sa tela?!

Kase naman para akong mumurahing 'kop-kop' sa uniform ko. Ngayon ko lang na realize. Bakit ba hindi ko to napansin kahapon?

Kase walang salamin.

Tama walang salamin kahapon dun. Tanging mata ko lang ang ginawa kong basehan kahapon.kainis!

"Jamaica!...anong oras na! Napakabagal!"

Ewan ko ba kung bakit si kuya ang nagmamadali eh ako naman ang papasok. At kung malate man ako,ako naman ang mapapagalitan.

"Oo---opo eto na!" Kahit no choice ako sinuot ko na lang ang gears ko at binitbit ang gamit ko kasama ang sapatos na may takong.

"Oh anak,kumain ka na..." nakasalubong ko si papa na papunta na sa dining.

"Busog pa po ako! Babye!" Sigaw ko sabay tayo nang matapos kong masuot ang degulong kong sapatos.

Narinig ko pang ang pagtawag ni papa saakin pero di ko na pinansin.

Hehehe!

Nakakapagod ang ginagawa ko kaya habang nag-s-skate pumasok sa isip ko na magpabili ng bike.

T-tekaaaa! Masyadong bata ang dating ng bike. Motor na lang.

Tama!

Papayag naman sina papa at pwede na akong makakuha ng lisensya ko dahil 17 na rin naman ako.

2 eskinta na lang at nasa school na ako ng may makasalubong ako na grupo ng mga lalake. Nakaharang sila sa dadaanan ko.

Sa gilid nun may mga motor na mukang pagmamayari nila.

Hindi ko alam pero kusa na lang akong napatigil at napatitig sa mga nag a-astigan na motor nila.

"May problema ba miss?" Maangas na tanong nang lalake.

Dun lang ako napabalik sa ulirat at namalayan ko na lang na nakatigil pala ako sa harap nilang lahat.

Tiningnan ko ang nagsalita,nagmamatapang lang ata to eh.

"Nakaharang kase kayo sa daan ko...." Kaswal kong sagot pero sa tingin ko naging tonong maangas ang pagkakasabi ko dahil halos lahat sila nagsalubong ang kilay.

"Edi hintayin mo kaming umalis para walang harang." Nakangising singit ng isa sa kanila na hindi naman kaangasan.

"Mahuhuli ako sa klase ko pag-nagkataon..." awtomatikong nagtinginan ang mga lalake sa suot kong uniporme.

"SAHS.... Taga dun ka?!"

Tumango ako sa sinabi nila at tinignan ang relos ko.

Late na ako!

"Kalaban pala to eh!" Sigaw ng isa dahilan para maalarma sila pati ako.

"Ang ingay!" Lahat kami napalingon sa lalakeng parang bagong gising lang.

Irita nya'ng tinignan ang mga lalake na mukang kasamahan nya.

"Anong problema nyo?! Natutulog ako eh!" Napayuko ang mga lalake dahil sa sigaw nya.

Pero merong isang bukod tangi-na gansa- na nagtaas ng kamay at tinuro ako.

Inis syang lumingon saakin pero nawala yun ng makita ako. Napatagal ang titig nya saakin kaya nakaramdam ako ng pagkailang.

The Princess of Boy Academy High School (High School Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon