Chapter 18

233 16 2
                                    

Fall For You

Jamaica's POV

Nakatunganga lang ako sa kumakanta pero nabalik din ako sa huwisyo nang may humila sa akin,handa na sana akong suntukin sya pero ng makilala ko kung sino sya ay kumalma ako at nagpatianod sa kanya . Wala syang suot na salamin pero kitang kita ko yung contact lens nya.

Naka-brush up ang buhok nya at naka-jeans sya at naka-puting tshirt na naka-tuck in sa harap pero hindi naka-tuck in sa likod. Ang gwapo ng dating nya.

Nang makalabas kami sa gym agad nya akong hinarap,tinaasan ko sya ng kilay at dahil isa syang genius na gwapo ay naintindihan nya ang pinupunto ko.

"I think.." pambibitin nya kaya pinitik ko ang makinis nyang noo.

Sana ganun din ang airport ko.

"Ano?!" Irita kong sabi dahil nabitin ako sa sinabi nya. Pa-thrill pa ang loko.

Unti unti nya akong tinitigan at kitang kita sa mga mata nya ang kaba.

"Uhm..I think..I-im nervous.." sabi nya at agad nagiwas ng tingin.

Tinitigan ko syang maigi. Halata nga na kinakabahan sya dahil sa nakapamewang nyang postura na parang di mapakali.

Natural lang na kabahan sya,dahil isa syang loner slash introvert na tao. Minsan na nyang nakwento na ayaw nya ng atensyon ng marami,ayos na sa kanya na may kakilala sya at nirerespeto ang gusto nya.

Napabuntong hininga ako at hinawakan ang dalawa nyang kamay na nakahawak sa bewang nya.

"Kinakabahan ka?" Tanong ko at tumango naman sya sa akin,"Pero di ka kinakabahan pag-tinatama mo ang mga teacher natin. Hindi ka kinakabahan pag nagrerecite ka sa harap..magtiwala ka lang sa sarili mo Shawn,isipin mong kumakanta ka ng mag-isa. Nagtitiwala ako sayo kaya magtiwala ka din sa sarili mo,kung natatakot ka dahil sa kung anong sabihin nila,edi magbingi-bingihan ka lang. "

"Huminga ka nga ng malalim," utos ko na ginawa nya naman agad. "Good,kapag kinabahan ka sa crowd pumikit ka lang. Effective yan plus points ka pa dahil iisipin ng judge dinadama mo yung kanta,hindi nila alam na kinakabahan ka na pala."

Binitawan ko na ang kamay nya. Sigurado akong hinahanap na sya ngayon dun,sya na kasi ang susunod na kakanta.

Tatapikin ko sana ang balikat nya pero mabilis nya akong hinila at niyakap.

A-ano 'to?

Grabe ang bilis ng tibok ng puso ko,gusto kong kumawala sa yakap nya pero mukang may sariling isip ang mga kamay ko at niyakap ko sya pabalik.

"Goodluck.." tugon ko sa gitna ng yakapan namin.

"Thank--"

"Ehem!"

The Princess of Boy Academy High School (High School Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon