Lunch
Jamaica's POV
Napairap ako ng mariin ng maging seatmate ko yung lalaking tinapakan ko yung paa.
"Mr Herrera sit beside Miss Macario,on the right side."
Nawala ang pagkairita ko ng malaman na katabi ko parin si Vince.
Hinarap ko si Vince ng nakangiti,nginitian nya rin ako.
Masakit parin yung pwet ko dahil sa pagkakabagsak,pero nevermind na lang.
Napalingon ako ng kalabitin ako ng katabi kong ungas.
"Bakeeet?!" Napaatras sya sa pagtataray ko pero bumawi sya at ngumiti.
Aminin na nating gwapo sya pero I dont care. Meron syang redish lips na sinabayan nang medyo masungit na mata.
Gets nyo?
Feeling ko di nyo gets,wag nyo na lang isipin. Baka sumakit lang ang ulo nyo. Medyo wavy pala yung buhok nya---aish! Joke lang.
"Nice meeting you! Hemilton Ray Herrera. Sana--" agad ko syang pinigalan ng marinig ang apelyido nya.
Tinakpan ko ang bibig nya at tinitigan sya.
"Magka-bro kayo?.." nginuso ko si Vince at tumango sya.
Agad naman akong lumapit ng onti kay Vince at hinampas sya sa balikat. Inis syang lumingon saakin at bagot akong tinitigan.
"Bro kayo?" Gulat kong tanong at naiinis syang tumango at nag iwas ng tingin.
Kung naiinis si Vince kay Hemilton. Ibig sabihin di sila bati.
Napaayos ako ng upo hindi nilingon ang mga katabi ko.
Umalis na rin yung adviser namin at ngayon hinihintay nalang namin yung next subject teacher namin.
Dumukdok nalang ako sa upuan ko pero napabangon din agad ng biglang pumasok yung teacher namin.
Sa tingin ko yun yung teacher namin.
"Hindi ako makakapagturo.." bungad nya at halos lahat kami matuwa. Oo pati ako kasama.
"...pero magiiwan ako ng seatwork." Dagdag nya dahilan para lahat kami magingay sa galit.
"Quiet! May biglaang meeting kaya hindi kami makakapagturo." Sabi nya at sinulat sa board yung bookpage.
Alam nyo yung worst? Mathematics yung subject! Oo math! Jusko!
Binagsak ko yung ulo ko ng malakas sa table ko kaya lahat nang malapit saakin ay lumingon.
"Aw..napalakas. Bakit kase ganto!"
Hinimas himas ko yung ulo ko dahil sobrang sakit.
Naiinis king binasa at inintindi yung math problem. At mas lalo akong nainis nang makitang x at y na naman yung hahanapin.
"Aish! Bakit ba kase laging may x at y?! Bwisit!" Sigaw ko,at this time. Hindi lang malapit sa pwesto ko ang lumingon.
Buong klase!
Nahihiya akong umupo at nanahimik pero biglang umimik si Shiro na nakaupo sa may bandang gilid malapit sa binta.
"Dahil pagkatapos ng paghihiwalay laging may tanong na bakit.." bored nyang sagot.
Napairap ako sa sagot nya. Hindi ako bobo para hindi maintindihan yung sinabi nya. Pero hindi naman naging kami kaya never mind na lang. Baka pagkamalan pa akong Miss Assuming.
BINABASA MO ANG
The Princess of Boy Academy High School (High School Series #1)
Teen Fiction[ON-GOING] Sabi nila basagulera daw ako,totoo naman. Wala ngang gustong tumanggap sa akin na school sa amin. Pero salamat nalang kay Ninong dahil may school sya---pero! Boy School! Pero ano pa bang choice ko?! Eh wala na. Sana lang talaga dito na ak...