Chapter 22

236 12 0
                                    

New Friend

Jamaica's POV

"Bakit hindi sila yung tanungin mo?" Irita kong tanong kay Red.

Kanina pa sya nangungulit kung anong nangyari. Pero wala naman syang makukuhang sagot sa akin. Pati na din sa iba syempre.

"Kumakain yung tao iniistorbo mo.." dagdag ko pa at narinig ko naman ang mahina nyang pag-tawa.

Tinitigan ko sya ng masama kaya tumigil sya at tiningnan ako ng seryoso.

"Tao ka pala?" Mapang-asar ang tono ng pananalita nya.

Inis ko syang tinitigan bago duruin ng tinidor. "Isa pa! Bwisit." Tatawa tawa naman syang umalis sa harap ko kaya naman nawalan ako ng ganang kainin ang huling subo ng pagkain ko.

Inis akong lumabas ng canteen na pinagtitinginan parin. Nag-tungo muna ako'ng washroom bago bumalik sa room.

Pagpasok ko sa room halos kalahati na kami ang nandun. Umupo ako sa pwesto ko. Wala pa ang mga kasama ko sa table dahil kararating lang nila dun sa canteen.

Naglabas nalang muna ako ng libro at nag-basa. Terror ang teacher na papasok sa amin ngayon,at sigurado'ng mag-s-surprise quiz yun o di kaya mag pa-recitation.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa nang tumunog ang cellphone ko.

"Hays,buti na lang wala pa si Miss." Bulong ko bago sinilent mode ang phone ko,pero napatigil ako nang mahagip ng paningin ko ang isang message na naging dahilan ng pag-tunog nito.

Message from: +639*********

I'll be waiting at you later. In the gate of your school. Purple lambo.

- G

Napakunot ang noo ko bago ibalik ang phone sa bulsa ng bag ko. Unti unting pumasok ang mga kaklase ko at ang iba ay nagtakbuhan pa.

Pagpasok nila ay ang sunod na pagpasok ni Miss Suzete,salubong ang kilay nito at pabagsak na sinarado at ni-lock ang pinto.

"I don't tolerate lates." Matalim nyang sabi bago binagsak ang libro sa teachers table.

Umayo ako ng upo at tinitigan sya. Medyo chubby,maitim ang labi,may makapal na salamin at may galit na muka palagi.

"Before I give the pointers to review I will choose four students to recite here in front,gusto kong malaman kung anong mga natutunan nyo sa buong quarter." Announce nya at napuno ng bulungan ang room.

Mas lalo akong napaayos ng upo at napatingin sa mga ka-table ko. Para silang mga walang pake sa sinabi ni Miss Suzete.

Nagsimulang ilibot ni Miss ang paningin nya at bumagsak ito sa isa kong kaklase na nasa kabilang table.

"Mister Fuentes come here in front.." utos nya at nanginginig naman na tumayo si Fuentes, naglibot naman ng tingin si Miss at bumagsak ito kay Yoshi. "Mister Cruise,stand up here!"

"And you too Mister Novva! And come here Mister Failon!" Sigaw nya at sunod sunod namang tumayo ang mga kaklase ko.

At dahil hindi naman ako tinawag,naglabas na lang ako ng papel at nag-drawing.

"What is kinematics?" Rinig kong tanong nya,nilingon ko naman kung sino yun at si Yoshi pala na takot na nakatingin sa kanya ang tinatanong nya.

The Princess of Boy Academy High School (High School Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon