Chapter 20

218 10 0
                                    

Bad name

Jamaica's POV

Dali dali akong tumakbo sa nag-ooperate ng mga tugtog at ganun na lang ang dismaya ko ng makita ang taranta nyang muka.

"Miss Jamaica,sorry. Nalingat lang ako sandali tapos nagulat na ako na deleted ang music nyo." Explain nya habang malungkot na ang tingin sa akin.

Kahit anong gawin ko o kung sisihin ko man sya wala namang mapapala yun,tinapik ko na lang sya sa balikat bago sya ngitian.

Napa-upo nalang ako sa isang tabi. Ayokong umiyak,ayokong maging mahina. Tinabihan naman ako nina Brent at Arjel at tinapik sa balikat.

Napayuko na lang ako pero napa-angat ang tingin ng makita ang ang dalawang pares ng paa. Ganun na lang ang saya na naramdaman ko nang makita sina Dark North at Dark South.

Si Brent ay si Dark West at Si Arjel naman si Dark East. Habang ang tunay na pangalan ni Dark North ay Ramsel at Jino naman ang kay Dark South.

Nabuhayan ako ng pag-asa nang nakangiti silang humarap sa akin. Tumayo ako at hinarap din sila.

"Boss.." bati nina Brent sa gangmate,tinanguan lang naman nila ito.

"Ikaw si Jamaica?" Tanong sa akin ni Ramsel,ngumiti naman ako at tumango.

"Someone texted us na nagka-problema daw sa performance mo. And she even sent these instruments.." paliwanag ni Jino at bahagya pang pinakita sa akin ang mga instrumento.

Tuwang tuwa naman akong napatalon. "Sino daw sya?" Tanong ko pero nag-kibit balikat lang sila.

"Let just put aside the questions Miss. Let's make a plan." Paalala ni Ramsel habang nakatingin sa relo.

"Ah oo.." sabi ko bago inayos ang boses ko at tiningnan sila ng seryoso. "Bad name ang kakantahin. Ramsel ikaw sa Lead guitar,bass guitar ang sayo Arjel,Rythym guitar ang sayo Jino at ikaw ang drummer Brent. Sa totoo lang hindi ko na dapat sabihin 'to dahil kilala naman kayo bilang isang sikat na banda sa lugar natin." Pagbibiro ko at para hindi rin magtaka sina Ramsel na kilala ko na sila.

Napuno naman kami ng tawanan at kwentuhan at dahil alam na rin naman nila ang kanta hindi na kami nag-ensayo.

Puro pa-chill lang at nag stretching na kami nang kami na ang tatawagin.Palabas na sana kami ng backstage ng tapikin ako ni Ramsel.

"Wala sana kaming plano mag-participate dito pero salamat sayo at makaka-graduate pa kami." Sabi nya na may halong biro. Natawa naman ako dahil sa pagiging oa nya.

Inabot pa ng ilang minuto bago tuluyang maayos ang stage. Naka-pwesto narin ako sa pinaka-gitna kung nasaan nakatayo ang isang mikroponyo.

Napakatahimik na paligid at idagdag mo pa ang madilim na aura nito. Rock ang kanta kaya anong aasahan sa porma ko? Naka-baggy pants ako at isang black tank top na may  naka-imprinta na bungo sa may bandang dibdib. May suot din ako na choker at ang buhok ko ay naka-edgy braid sa kaliwa.

The Princess of Boy Academy High School (High School Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon