Shiro
Jamaica's POV
Araw ng linggo at maaga akong nagising at maaga din akong umalis dahil meron akong importanteng pinuntahan.
Pumunta ako sa lugar kung saan ko malalaman ang tunay kong pagkatao. Pero hindi ko naman alam na sobrang sakit pala. Na matagal pa bago ko makilala ng buo ang sarili ko.
Unti unting pumatak ang luha ko pero dali dali ko rin naman itong pinunasan dahil baka makita pa ako ni manong taxi driver.
"Abandoned Ice Skating Rink,nandito na po tayo maam."
Napatingin ako sa labas at nasa lumang ice skating rink na nga ako.
Inayos ko ang gamit ko at binigay sa driver ang bayad tapos bumaba na.
Sa tuwing nawawala ako sa sarili ko. Sa tuwing wala akong makapitan. Ito lang ang lugar na pinupuntahan ko.
Dali dali kong sinuot ang figure skate ko at nagsimula nang mag isip isip habang nag s-skating.
Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako.
Bakit ganito? Akala ko ba malakas na ako. Akala ko ba matibay na ako. Bakit napaka-iyakin ko?
"B-bakit ganto?!" Bulyaw ko sa kawalan kasabay ng pagkatumba ko.
Dahil sa biglaang pagtumba ko ay syempre dumugo ang tuhod ko,pero hindi yun ang iniisip ko.
"B-bakit napaka-hina ko?!"
Patuloy lang ako sa pag ngawa pero napatigil ako ng may biglang nagsalita.
"Mai? Ikaw ba yan?"
Ang boses na 'yon
Hindi ako pwedeng magkamali. Ang boses na iyon. Boses iyon ng lalaking nagparamdam sa akin na importante ako pero parang laruan lang din naman na pinagsawaan nya.
"S-shiro? Wag kang lumapit! Hindi kita kailangan!" Dali dali akong tumayo pero natumba din dahil sa hapdi ng tuhod ko.
"Mai? Are you ok?" Nag aalalang tanong nya pero agad akong lumayo sa kanya at sinampal sya.
"Wala kang karapatan na tanungin ako nyan!" Pinilit kong tumayo at iniwan sya mag isa dun.
Hanggang ngayon sariwa parin sa akin ang sakit na dinulot nya.
Yung sakit nang panloloko nya.
Sunod sunod na namang nagsipatakan ang luha ko at wala na akong lakas para punasan pa 'yon.
(A/N: play the multimedia while reading this part)
-Flashback-
Excited akong humarap sa salamin at nag ayos ng hikaw.
Alam nyo ba kung bakit? Kase ito na yung araw kung saan sasagutin ko si Shiro.
///^_^\\\
Kinikilig ako,ano bayan!
BINABASA MO ANG
The Princess of Boy Academy High School (High School Series #1)
Teen Fiction[ON-GOING] Sabi nila basagulera daw ako,totoo naman. Wala ngang gustong tumanggap sa akin na school sa amin. Pero salamat nalang kay Ninong dahil may school sya---pero! Boy School! Pero ano pa bang choice ko?! Eh wala na. Sana lang talaga dito na ak...