Chapter 15

250 9 0
                                    

He Needs Her

Jamaica's POV

Nakatayo lang ako mula sa malayo. Start na ng performance pero ayaw kong makita nila ako. Mamaya na ako magpapakita,para surprise.

Lahat sila naka upo sa harap at pinakababa ng gymnasium.  Habang ako ay nasa pinaka dulo at pinaka-taas. Medyo madilim pero sakto lang ang pwesto ko para di ako makita.

Bored lang akong naupo dun hanggang sa unti unting tawagin ang mga kasection ko. May iba sa kanila na sumayaw,kumanta,nagpaint and many more. May iba na by group may iba na nagsolo.

Pinaka-last pa ako,dahil last akong nag pasa ng kanta ko.  Tinawag ang grupo nina Vince,Hemilton,Blake at Sherwin. Akala ko magkaaway sila,pero siguro for the sake of grades nagsama sama sila.

Nagsimula silang nag rock and roll at naging wild ang buong gym. Hanggabf sa matapos ang performance nila ang wild parin ng crowd. Pero tumahimik sila nung tinawag na ang pangalan ni Shiro. Maski ako napa-ayos ng upo.

"Mic test.." sabi nya habang pinapakinggan ang boses nya sa mic.

Biglang tumugtog ang masakit na intro ng kakantahin nya. Napatitig ako sa kanya. Nakapikit na sya ngayon.

"You are the one for me
You're the only boy I see
You are the one I want
You are more than enough.."

"Mai-mai,gusto kita.."

Napapikit ako ng mariin ng maalala ko na naman ang araw na nag-confess sya sa akin. Sa ice skating rink,kung saan kami laging pumupunta.

Minulat nya ang mga mata nya at bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko ng magtagpo ang mga mata namin.

"You are the one for me
You make me happy.."

FLASHBACK..

"Uy shi-shi akala ko ba sa mall tayo pupunta? Bat nandito tayo sa ice skating rink?" Tanong ko sa kanya pero ngumiti lang sya sa akin ng matamis.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng bigla nyang hawakan ang kamay ko.

"Ayaw na kitang mawala mai,masaya ako pag kasama kita. At kumpleto na ang buhay ko kapag nakikita kitang ngumiti--lalo na kung ako ang dahilan."

END OF FLASHBACK...

"And I want you to love me
I want you to hold me
I want you to keep me close to you,"

Tinitigan nya ako ng malalim na oara bang ako yung tinutukoy nya. Napabuntong hininga na lang ako.

Totoo na ba yan Shiro?

Napailing ako at umiwas ng tingin sa kanya. Hindi Jamaica,hindi pwede. Ngayon lang ulit kayo nagkita. Imposible.

"I want you to need me
I want you to miss me
I want you to kiss me like you do.."

Agad akong tumayo at lumabas ng gym. Ayokong mag-stay dun. Para ano? Para tumakbo sa kanya at yakapin sya ng mahigpit?

Napasandal na lang ako sa entrance ng gym. Agad dumausdos ang mga luhang tinatago ko.

Bakit ba bumalik ka Shiro.

Para ano? Para saktan ako? Para ipamukang mahina ako?

"T-tama na.." usal ko habang patuloy na humihikbi. "Aarrrghhh! Tama na Shiro! Ayoko na!"

"Imposibleng kailanganin mo ang gaya ko! Bakit ka ba bumalik?! Para saktan ako..bwisit ka talagang lalake ka! You need me? Putrages ka." Kung may nakakakita man sa akin alam kong iisipin nilang baliw ako.

The Princess of Boy Academy High School (High School Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon