Chapter 4

541 19 6
                                    

A/N: Nagulat ako shems! Kase may isa pa akong watty account. Ang pangit ng name nya kaya gusto kong palitan,ang problema ay nakalimutan ko ang pass. Tinry kong ireset yung pass pero ito yung lumabas tapos nagulat ako kase may read na tong story kong to tapos may vote pa..thank you sa 71 reads at 6 vote! Na appreciate ko tapos nabuo nyo pa yung araw ko..❤❤

Almost three months or 3 months na along walang ud so here!

Bye Mitchie

Jamaica's POV

"I forgot to ask your name kaninang morning. That's why I'm here.."

Dahil lang sa pangalan ko dumayo pa sya dito?! Adik ba to?!

Matapos nyang makipag away sa mga nanggulo sa amin kanina muntikan pa syang sugurin ng iba,buti na lang pumagitna kami ni Vince.

"Anak ng kape! Dahil sa pangalan ko muntikan kang pagtulungan!" hindi kami close at hindi kami friends,pero di ko alam kung bakit ganito ang reaksyon ko.

Sumilay ang nakakalokong ngiti sa kanya,"You care for me..huh?"

"H-ha...HINDI AH!...k-kargo ko pa..p-pag may nangyari s-sayo." punyetaaaa bakit ako nauutal?!

Natawa sya sa reaksyon ko habang ako nakatitig lang sakanya.E

"Tunaw..." muntik na akong mapaiktad ng biglang sumulpot si Vince sa tabi ko.

"Punyeta naman Vinceng! Nanggugulat!" lumalaki-laki pa ang butas ng ilong ko kaya pati sya natawa.

"hahahahaha....s-sorry..hhah gusto ko lang sana sabihin na paalisin mo na yang si Red dahil baka magkagulo dito sa room."

Nagtaka ako sa sinabi ni Vince at nilibot ko ang paningin ko. Halos lahat sila masama ang titig sa akin---kay Red pala.

"..bakit ako?" tumaas ang kilay nya sa sinabi ko.

"Ikaw nagdala,ikaw magpaalis..." nakangusong aniya.

Napailing na lang ako sa sinabi nya. Para makaiwas ng gulo ginawa ko na lang ang gusto nya.

Huminga ako ng malalim,"Tapos kana?baka pwede ka nang umalis.."

Tumigil sya sa pagtawa at tumingin sa akin,"Your name..." nangunot ang noo ko sa kanya."....your not telling me your name yet."

Tumingin muna ako sa paligid ko bago sya sagutin. "Jamaica Mitch...jm for short."

Sumilay agad ngiti sa labi nya at tumango-tango."Ok I'm done with my thing,aalis na ako."

Napahinga naman ako nang maluwag ng lumabas na sya sa pinto,pero bumalik na naman sya at sumilip.

"Bye Mitchie..."

Hindi ko alam pero bigla na lang tumibok ng mabilis ang puso ko.

"Bye Mitchie..."

"Bye Mitchie..."

"Bye Mitchie..."

Paulit ulit kong naririnig ang boses nya sa utak ko. Nagpaalam lang naman sya at ginawan ako ng nickname pero bakit ganito ka-grabe magwala ang damdamin ko.

Nawala lang lahat ng iniisip ko ng may kumaway kaway sa harap ko.

"B-bakit?" tanong ko kay Vince.

Mabilis syang sumimangot sa akin,"Kanina pa kita tinatawag na umupo na dahil parating na si Maam."

The Princess of Boy Academy High School (High School Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon