Chapter 31

315 11 0
                                    

PARANG dinaanan ng supertyphoon ang buong classroom sa ginawa ko. Mas lalong umingay ang mga tao sa labas, mga chismoso. Dinampot ko ang aking bag at lumabas na parang walang nangyari. Sumalubong sa akin sina Jack at Michael na may pag-aalala sa mga mukha.

Kahit pawisan ay alam kong maganda at hot pa rin akong tingnan at kahit ang kamay ko ay duguan.

"Angela."

Malamig na tingin ang ibinigay ko sa kanila bago naglakad paalis na parang wala lang. Narinig ko pa ang malakas nilang pagsinghap at sigawan sa pangalan ko. Iba ako kapag umabot sa tuktok ang galit, parang bulkan na sasabog bigla. May warning na nga pero iba sa oras na pumutok.

Lahat ng estudyanteng nadadaanan ko ay tumatabi at napapatigil at lahat sila sinawalang bahala ko. May nagtanong pa na Prof. pero kahit siya hindi ko pinansin. Gusto ko lang magkulong sa dorm kaysa makapanakit ng iba.

"Angela!" Hingal na hingal na pinigilan ako nina Jack at Michael.

"Umalis kayo sa dinadaan ko."

"Ate kumalma ka, alahanin mo ang sinabi ng Dr. Chan sa'yo. Gusto mo tawagan ko sila Mom?"

"Lumayo kayo dahil ayaw kong umabot sa puntong kayo ang mabuntungan ko ng galit na hindi pa rin humuhupa."

"Ate."

"Sabing alis!"

Lalagpasan ko na sana sila ngunit bigla akong nakaramdam ng antok. Napatingin ako kay Jack at hindi man lang napansin natinurukan na niya ako ng pampatulog. Saan niya 'yan nakuha?

"Walangya ka Jack, lagot ka sa akin paggising ko," huli kong sabi bago kinain ng kadiliman.

"Ano ba talaga ang eksaktong nangyari?"

"Tita wala talaga kaming alam, at sino ang gumalit kay Angela. Kwento ng mga kaklase niya, pumasok daw 'yan na galit na galit ang mukha. Wala namang nangahas na kalabanin siya dahil alam nila na iba siya kapag galit. Bigla raw itong tumayo at pinalabas silang lahat. Narinig na lang nila ang malalakas na ingay at pagbasag."

"Naku naman, alam natin na sa oras magalit siya lahat ng bagay sisirain. Pasalamat na lang tayo at walang nasaktan na iba o nadamay."

"Sa nasaksihan ko sa nangyari sa classroom nila ay halos hindi na makilala sa sira na ginawa niya."

Nalimpungatan ako sa mga boses na naririnig at napaungol. Ang sakit ng buo kong katawan lalo na ang kamay ko. Pagmulat ko si Mom agad ang una kong nakita at napansin na nasa mansyon na ako.

"Okay ka na?" puno ng pag-aalalang niyang tanong.

Imbes na sagutin siya ay binaling ko ang tingin kay Jack. "Jack lumapit ka nga," utos ko nang makita siya sa gilid ng kama. Lumapit naman siya na may pagtataka. "Lumapit ka pa ng konti." Nang makita kong tama lang ang layo niya sa akin ay walang pagdadalawang-isip ko siyang binatukan kahit masakit ang kamay ko.

"Aray Angela naman."

"Walangya ka, sinong nagsabi sayong turukan ako ng pampatulog?" Masama ko siyang pinukulan ng tingin.

"Tama na 'yan Angela," sita ni Mom. "Ano naman ba ang nangyari at nagwala ka sa loob ng klase mo?"

Mabilis akong napaiwas ng tingin. Naalala ko tuloy ang gunggong na si Aries. "Basta."

"Anak naman, nag-aalala kaming lahat sa'yo kahit Lolo mo. Kulang na lang ipatawag niya ang chopper para mabilis na makarating sa eskwelahan mo."

May himala yatang nangyari kung totoong nag-aalala ang matandang 'yon, kasi sa buong buhay ko kailanman hindi siya ganyan. Alam niyang isa siya sa dahilan kung bakit ganito ako, at wala siyang pake. Ibang pag-aalala ang kinilos ni Lolo dahil ang totoo nag-aalala lang siya na maari kong sira ang kaniyang reputasyon at ang buong angkan.

A Girl Named AngelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon