PARANG may nabasag pagkarinig ko sa kaniyang sinabi.
"Lolo!" sigaw na si Jack at Michael.
Dumapo ang mata ko sa aking magulang na may nag-aalalang tingin. Alam kong hindi nila gusto ang plano ni Lolo, pero sa pamilyang ito siya ang may kapangyarihan. No one has the right to question his decision. Unfortunately, I exist and I was born to do that. Tumayo ako ng tuwid, napansin ko pa ang mahinang pag-iling ni Mom para pigilan ako pero ngumiti lang ako ng malademonyo.
"Sit down, Angela," sabi ni Lolo. May halong inis na ang kaniyang boses.
Hindi ako nakinig at walang emosyon siyang hinarap. "Do you think I will agree to that arrangement?"
"You don't have a choice but to follow my order, young Lady."
"Really? But I was born to defy you, Sir. I will do everything to stop what you're planning because I'm a bitch, no one has the right to control my life."
Nanginig sa galit si Lolo habang matalim akong tinitigan dahil sa sinabi ko. Sa lahat ng tao na nandito ako lang ang may kayang salungatin at kalabanin siya. Lahat sila takot sa matandang hukluban. Ngumiti ako sa kaniya bago naglakad paalis. Hindi ako nag-abalang lingunin siya habang sinisigaw ang malaanghel kong pangalan.
Sa kakaisip sa sinabi ni Lolo naisipan kong lumabas ng bahay, hindi rin ako dinadalaw ng antok. Nang napansin na tulog na ang lahat ng tao agad akong tumakas paalis at iniwasan ang mga bantay. Marami akong alam na labasan ng mansyon na hindi nababantayan ng mga bodyguards na nakakalat. Kailangan kong magpahangin dahil may polusyon akong nalanghap noong naghapunan kami, nakakamatay pala kapag sobra na ang nahithit mo.
Ligtas naman akong nakalabas ng mansyon. Nakasuot lang ako ng makapal na jacket at short. Biglaan kasi ang desisyon ko kaya hindi ko na naisipang magpalit ng damit. Nagsuot din ako ng cap, mahirap na baka dumugin ako ng mga fans.
Ang tahimik ng buong subdivision, wala man lang akong nakikitang sasakyan na dumadaan o tao. Tumingin ako sa relo at ala-una na ng madaling araw. Iba talaga kapag bitch, walang takot na lumalabas kahit madaling araw. Dapat kasi ang ganda hindi lang sa umaga at gabi pinapakita at nilalantad, kahit madaling araw kinakailangan din. Hindi mo inakala hindi tao ang nakatadhana sa'yo kundi engkanto.
Tumigil ako sa isang convenience store para bumili ng makakain, balak kong magliwaliw hanggang sumikat ang umaga. Ito ang trip ko ngayon kaya kahit si Manong Guard pa 'yan walang makakapigil sa akin. Dinampot ko ang ilang junkfoods, may ice cream pa akong kinuha at ilang drinks. Sa dami ng binili ko ang laki tuloy ng binayaran ko sa cashier, para namang may kasama ako.
"Thank you for buying!" pasasalamat ni Kuya at kumindat pa.
Akong malakas ang saltik kapag madaling araw, bago umalis ay may iniwan akong maliit na papel. Cellphone number ang nakasulat sa papel ngunit isa akong dakilang bitch at hindi naman ako tanga. Imbes na numero ko ang nakasulat, ang number ni Freya ang nilagay ko. Mahigad naman ang babaeng 'yon kahit cashier papatulan niya, basta gwapo. May kagwapuhan naman si Kuya kahit papaano.
Umupo muna ako sa labas ng convenience at nilantakan ang ice cream, pero nangangalahati pa lang ako nang may isang unggoy ang biglang umupo sa harapan ko na may ngising aso. Uso na pala ngayon ang hybrid na tao, may lahing unggoy na nga, hindi pa nakontento at may lahi pang-aso. Tinapunan ko lang siya ng malamig na tingin bago nagpatuloy sa pagsubo. Sa daming taong pwede kong makita sa ganitong oras si Aries pa. Akala ko ba makakabuting hindi kami magpansinan, pero lintik siya mismo ang lumunok sa sinabi niya.
"Hoy, pansinin mo naman ako."
Hindi ko siya pinakinggan, kaya kahit ano na lang ang ginawa niya sa kaniyang mukha at sinabi para makuha ang atensyon ko.
BINABASA MO ANG
A Girl Named Angela
Novela JuvenilPrevious Title: A Bitch Named Angela Lincolnshire Series 1 Gaano man ka anghel ang pangalan ni Angela Vergara kabaliktaran naman ito sa ugali niya. She's the Famous Bitch of Lincolnshire University and with her evil smile makes everyone scared of h...