SABAY kaming naghulog ng token at nagsimulang naglaro. Nakatitig lang ako sa ring at iilang palya pa lang ang nagawa ko. Ayaw kong tumingin sa kanan saan si Aries at baka mas lalo akong mapressure. Pinagtitinginan na nga kami ng ilang mga dumadaan, para naman kasing isang milyon ang makukuha sa seryoso naming mukha. Buhay ko ang nakasalalay rito kaya dapat akong manalo.
Nang matapos ay pareho nakataas ang kamay namin. Tumingin kami sa scoring board, ngunit gumuho at nawarak ang pagkatao ko sa total scores.
"Isang shoot na lang pantay na sana tayo, 'yan tuloy talo ka." Ang laki ng ngiti niya sa mukha at tumalon pa sa saya. Pinalakpakan din siya ng mga taong nanonood.
"Aish!" Nakaramdam ako ng inis at sinipa ang basketball machine bago iniwan si Aries na tuwang-tuwa. Kailan man ay hindi pa ako natatalo sa isang laro, ngayon lang. Kahit si Jack at Michael ay hindi pa ako napabagsak sa anong klaseng laro online or offline at board games man 'yan.
"Hoy!"
Hindi ko siya nilingon, naiinis ako sa mukha niya at lalo na sa presensiya niya.
Napadpad ako sa isang stall na nagbebenta ng otaku merchandise and personalize na gamit. Dumapo ang tingin ko sa couple jacket ng Attack on Titan, mabilis akong pumasok at nilapitan ang nakadisplay na jacket.
"Miss, bibilhin ko ang isa," saad ko sa Saleslady.
"Ma'am couple jacket po kasi 'yan, dapat ang dalawa ang bilhin mo."
Natulala ako, aanhin ko naman ang panglalakeng jacket? Hindi naman mahilig si Jack or ang kapatid ko ng anime. Napakamot ako sa ulo hanggang sa biglang may yumakap sa akin mula likod.
"Gusto mo bang bilhin 'yan, Babe? I can buy that for you." Para akong natuod sa biglang paglitaw ni Aries at walang pagdadalawang-isip na binigay ang credit card niya. Umalis ang saleslady at iniwan kami.
"Anong ginagawa mo?" Kinurot ko ang tagiliran niya at tinulak para makaalis sa yakap niya.
"Bumili ng couple jacket natin."
"Boyfriend ba kita para bilhin mo ako? At anong Babe ang sinasabi mo?" Inis ko siyang tinitigan.
Bumalik ang saleslady at binigay sa akin ang paperbag. "Thank you for buying."
Mapait akong ngumiti sa saleslady at mabilis nagmartiya palabas.
Hinabol naman ako ni Aries. "Wala talaga sa bokabularyo mo ang salitang salamat," komento niya.
"Kaya kong bilhin ang jacket. At alam mong wala sa bokabularyo ko ang salamat."
"Yeah, yeah Bitch Rules."
Nanliit ang mata kong lumingon sa kaniya. Unti-unti kong nilapit ang mukha at binusisi siya ng mabuti.
"Kung gusto mo akong halikan, hindi kita pipigilan," hambog niyang sabi.
Binatukan ko siya ng ubod ng lakas.
Napaaray siya habang sapo-sapo ang ulo. "What's that for?"
"For being a jerk and knowing my Bitch Rules! Paano mo naman nalaman ang mga rules ko? Kahit magulang ko at kapatid ay walang alam, ikaw na hindi ko kilala may ideya sa mga rules ko." Napansin ko ang paglunok, at pagkabalisa niya. Napaatras siya kaya't humakbang ako papalapit. "Tell me the truth Aries."
"Ah, guess ko lang at ang bilis mong basahin. May mga pagkakataon din kasi na sinasabi mo siya."
Tinaasan ko siya ng kilay, may punto naman ang sagot niya pero may pagdududa pa rin ako. "Sa oras na malaman kong nagsisinungaling ka, hindi ka na sisikatan ng araw." Naglakad ako palayo sa kaniya habang nanatili siyang nakatulala. Ngumiti lang naman ako ng malademonyo at gano'n agad ang reaksyon niya. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Jack. Nevermind as if I care.
BINABASA MO ANG
A Girl Named Angela
Dla nastolatkówPrevious Title: A Bitch Named Angela Lincolnshire Series 1 Gaano man ka anghel ang pangalan ni Angela Vergara kabaliktaran naman ito sa ugali niya. She's the Famous Bitch of Lincolnshire University and with her evil smile makes everyone scared of h...