HINILA nila ako sa gilid ng hall at sabay-sabay kaming kumain tatlo. Pansin ko nga ang tingin ng ibang tao sa'min, nagulat yata sila sa biglaan kong paglitaw. Hindi naman nakatakas sa akin ang isang tingin na kanina pa ako hindi komportable pero mas pinili kong hindi lumingon kung saan ito nanggaling.
"Bakit ka pumunta roon?"
"Para kay Dr. Chan, doon na kasi siya nakatira."
"Ah, nagpatherapy ka ulit. Balak mo bang bumalik?" Napatingin silang dalawa sa akin at naghihintay sa sagot ko sa tanong ni Jack.
"Oo, umuwi lang ako para sa game ni Michael at babalik agad," pagsisinungaling ako. Hindi na ako tatanggapin ng mag-asawa pagbabalik ako roon.
"Ano! Aalis ka ulit?" Napakalakas na ng boses ni Jack at napasuntok pa sa mesa. Napatayo tuloy ako sa gulat. Nakaramdam agad ako ng konsensiya sa pagsisinungaling ko.
"Ate naman akala ko ba hindi ka na aalis? Paano ang pag-aaral mo graduating ka pa naman?" Parang iiyak na si Michael sa kinauupuan niya. Mas rumami ang napatingin sa aming pwesto at nakiusyoso.
Hinawakan ko ang kamao ni Jack, at ngumiti na may halong tawa habang nakatingin sa kanilang dalawa na may galit sa mukha. "Ano kas-"
"Angela! Huwag mong sabihin na nakahanap ka ng boyfriend sa Switzerland! Kaya ba ngayon ka lang bumalik? Angela naman oh, dahil lang sa lalake aalis ka na sa'min?"
Napapikit ako ng mariin, iba talaga ang utak ni Jack. Lupa kainin mo na ako, grabeng kahihiyaan ito sa magandang b*tch na tulad ko. Narinig ko pa ang pagsinghap ng mga tao sa hall sa narinig, sa lakas ba naman ng boses ng pinsan ko.
Marahas kong hinila ang dalawa palabas ng hall at ipinaliwanag ang lahat. Nakatanggap tuloy ako ng batok kay Jack at isang malutong na irap galing sa kapatid ko. Nakita ko naman na nakahinga sila ng maluwag nang sinabi kong hindi ako aalis ulit. Hindi pwedeng mawala bigla ang b*tch na tulad ko. Isang malaking kawalan sa buong university.
Pagbalik namin sa hall ay nagharutan lang kami at nagkulitan, at hindi pinansin ang nagtatakang tingin ng iba.
"Sabay tayong manood ng game ni Michael," sabi ni Jack.
"Hindi ba conflict ang game mo sa laro niya?"
Umiling siya at malawak na ngumiti.
"Okay."
"Ganado kaming maglalaro ngayon dahil bumalik ka na."
Tingnan natin kung ako ba talaga ang lucky charm niyo.
Ilang minuto na lang magsisimula ang game ni Michael, pinauna ko muna si Jack dahil dadaan muna ako ng CR. Ngunit hindi ko inaasahan na matanaw si Aries sa 'di kalayuan, napatigil pa siya nang makita ako. I'm a b*tch kaya nagpapanggap akong hindi siya nakita, at nagpatuloy sa paglalakad. May gamit din pala kapag nakasuot ng sunglasses. Diretso lang ang tingin ko, at nilagpasan niya. Ngunit hindi pa ako nakakalayo nang may biglang humablot sa aking kamay. Akala ko si Aries ang may gawa ngunit tumambad sa akin ang hindi pamilyar na mukha. Nakasuot siya ng basketball uniform ng isang sikat na university, ang Bellinford.
"Ano ang kailangan mo?" malamig kong tanong at hinila ang kamay ko. Narinig ko ang sigawan ng isang grupo ng kalalakihan na katulad ng suot niya, teammates.
"Hi I'm Ragiel, you are?"
Umirap ako at tinanggal ang suot kong sunglasses. Tinaasan ko siya ng kilay pero mas lalong lumawak ang ngiti niya. "Hindi ako kumakausap sa taong hindi ko kilala."
Unti-unting naglaho ang kaniyang ngiti. Inismaran ko lang siya at aalis na sana ngunit muli niyang hinagip ang kamay ko. "Maayos ang pagkakatanong ko sa'yo kaya dapat maayos din ang sagot mo." Mahigpit na ang pagkakahawak niya sa akin na mas ikinainis ko.
BINABASA MO ANG
A Girl Named Angela
Teen FictionPrevious Title: A Bitch Named Angela Lincolnshire Series 1 Gaano man ka anghel ang pangalan ni Angela Vergara kabaliktaran naman ito sa ugali niya. She's the Famous Bitch of Lincolnshire University and with her evil smile makes everyone scared of h...