NATAPOS ang sports fest, at second place kami sa overall, kainis. Tanga kasi itong si Jack natalo sa finals at si Michael. Hindi tuloy sila makatingin sa akin ng diretso hanggang bumalik ang klase. Si Aries ay nagchampion kaya ang gunggong ang lakas ng hangin.
Naging abala ako pagbalik namin, todo review ako at sinabayan pa ng sangkatutak kong punishment. Finals na, kaya halos hindi na ako makatulog. Walang awa ang Dean sa akin, alam niyang graduating na ako at bawal mastress ang b*tch. Dinagdagan pa ni Gio na palaging ginugulo ang isip ko.
"You should rest." Napatingala ako nang makita si Aries na nakatayo sa harapan ko.
Nasa library ako ngayon nag-aaral.
Hinila niya ang upuan sa harapan at umupo. "Hindi ka sumabay sa'min kanina kumain." Napalunok ako nang makita na masama ang timpla ng mukha niya.
"May ginawa pa kasi ako kanina," paliwanag ko at binaling ang tingin sa libro na binabasa.
Muli akong napatingin sa kaniya nang marinig ang tunog ng kaniyang inuupuan, nakatayo na siya at walang makikitang emosyon sa mukha na ikinalunok ko ng ilang beses. Nakakatakot talaga siya paggalit.
"Stand-up and follow me, now." Naglakad siya paalis habang ako ay ilang beses na napatulala.
Sa paglingon niya ay dali-dali kong isinilid sa bag ang libro at sumunod sa kaniya. Walangyang, nagkasaltik naman ang utak niya. Pasalamat siya wala ako sa tamang wisyo, at wala akong trip na awayin siya. Kulang kasi ang tulog ko sa karereview.
Akala ko kung saan ako dadalhin sa penthouse lang pala. Pagpasok namin ay agad siyang nagtungo sa kusina at kumuha ng ingredients. Walang imik akong umupo sa counter habang pinapanood siyang nagluluto.
"Dapat kumain ka sa tamang oras. Lalo na't malapit na ang exam." Humarap siya sa akin at tinitigan ako ng ilang segundo bago bumalik sa kaniyang pagluluto. "Pansin ko ang pag-iba ng kilos mo mula noong pageant."
Napaayos ako ng upon nang marinig ang sinabi niya at napayuko. Matapos kasi ang nangyaring sa pagitan namin ni Gio hindi ko na sila hinintay at umalis. Kahit awarding na kinabukasan ay hindi rin ako sumipot. Noong Monday lang kami muling nagkita, at hindi naman sila nagtanong.
"Heaven." Napatingala ako nang marinig ang mahinahon na boses ni Aries. Nakatitig na siya sa akin na may pag-aalala sa mukha. "Hindi kami nagtanong kasi naghihintay kami na ikaw mismo ang magsasabi. Kahit si Michael nag-aalala sa'yo nang hindi ka lumalabas ng kwarto mo matapos ang sports fest."
"May emergency lang."
"Kung may emergency malalaman ni Michael or Jack."
Napakagatlabi ako.
"Here." Inilapag niya ang pasta sa harapan ko. "Eat."
Mahina akong tumango at nagsimulang kumain. Matapos kumain, imbes na bumalik sa library ay nanatili na lang ako at dito nagpatuloy sa pagreview. Okay lang naman sa kaniya, at may free foods pa. Magkaharap kaming dalawa at tahimik na nag-aaral. Hindi maiwasang mapatingin ako sa kaniya dahil napakseryoso ng kaniyang mukha. Kahit balingan lang ako ng tingin ay hindi niya ginawa, parang may sarili siyang mundo kasama ang calculator niya.
Ilang oras ang dumaan at napahikab na ako sa antok.
"Matulog ka muna kahit saglit lang," sabi niya habang nakatutok sa ginagawa.
"Mamaya na," sabi ko. Muli akong nagbasa pero napatigil nang hinablot niya ang libro ko. "Earth!"
"You should rest."
Sumimangot ako habang nakatitig sa seryoso niyang mukha. "Ayaw ko nga, akin na ang libro."
Umiling siya at tinuro ang kwarto niya, tsk.
BINABASA MO ANG
A Girl Named Angela
Teen FictionPrevious Title: A Bitch Named Angela Lincolnshire Series 1 Gaano man ka anghel ang pangalan ni Angela Vergara kabaliktaran naman ito sa ugali niya. She's the Famous Bitch of Lincolnshire University and with her evil smile makes everyone scared of h...