HUMAKBANG ako papasok ng kwarto at sumalubong ang madilim na silid. Napalingon ako sa likod nang otomatikong sumara ang pinto pagkalagpas. Walangya, kahit pinto sosyalin, walang ganito sa mansyon namin. Sigurado akong may kayamanan nakatago rito. Hindi naman magpapalagay ng ganyang security pagwala. Palihim akong napangiti, hindi lang tree house ang nanakawin ko kay Aries.
"Earth," tawag ko.
May narinig akong ungol sa malaking higaan kaya naglakad ako palapit. Tumambad sa akin ang inosenteng mukha ni Aries na mahimbing na natutulog habang nakabaluktot sa kama.
Umupo ako sa gilid at hinawakan ang kaniyang noo. Ang taas ng lagnat niya pero hindi man lang uminom ng gamot.
"Earth." Mahina kong niyugyog ang kaniyang balikat para gisingin.
Umungol siya at unti-unting minulat ang mata. Namumungay ang kaniyang matang nakatitig sa akin. "You're here," bulong niya at ngumiti.
"Loko ka, pinapahirapan mo ako!" Kung hindi ko lang siya kaibigan hindi talaga ako pupunta. "Hindi ka pa raw kumakain at umiinom ng gamot. Magpapakamatay ka ba? Sabihin mo lang sa akin dahil ako mismo ang papatay sa'yo."
Mahina siyang tumawa kahit hinang-hina. Gumalaw siya paharap at biglang hinawakan ang kamay ko at niyakap. Idinikit niya pa sa kaniyang mukha sa palad ko. "Ang sarap yakapin at hawakan ng kamay mo."
"Umayos ka nga, kailangan mong uminom ng gamot. Pinagloloko mo ako eh. Bakit hindi mo pinapapasok ang pamilya mo rito? Bakit nakaregister ang mukha ko sa scanner mo?"
Imbes na makinig at sagutin ang mga tanong ko ay mahimbing lang siyang nakapikit habang mahigpit na nakayakap sa kamay ko.
"Walangya ka talaga," mahina kong bulong. Hinugot ko ang cellphone sa bulsa at nagsend ng message kay Angelina na pwedeng bang ihatid ang pagkain at gamot dito.
Ilang minuto ang dumaan bago ako nakarinig ng katok, inaksyon kong tatanggalin ang pagkakayakap ni Aries sa kamay ko ngunit mas hinigpitan pa niya ang kapit. "Stay here, don't leave me," ani niya.
Napailing ako at umirap. "Bibitaw ka o aalis ako? Kukunin ko lang ang pinahatid kong pagkain at gamot. Babalik naman ako."
Minulat niyang muli ag kaniyang mata at parang batang paslit na tumitig sa akin. "Promise?"
Walangya.
"Opo," sagot ko. "Umayos ka Earth, hindi ako tulad ng ibang babae. Kapag ako napuno sa'yo, madadagdagan talaga ang sakit mo."
Nakinig naman siya kahit nagdadalawang-isip na bitawan ako. Ang tigas ng ulo, mas malala siya kaysa sa kapatid ko kapag nagkakasakit.
Pagbukas ko ng pinto ay agad akong napaatras nang makita ang mga taong nakaabang. Lahat yata ng mga butler at maid nandito, nasa gitna si Angelina na katabi ang kaniyang magulang, at nasa likod si Jack na tumatawa. Hindi ko akalain na mapapaaga ang pagkikita ko sa magulang ni Aries, hindi ako handa!
Nakaramdam ako ng hiya at napakamot sa buhok. "Magandang araw po," sagot ko.
"Angela, right?" tanong ng Mrs. Alexander. Nahiya ang ganda ko sa kaniya, may edad na pero ang mukha parang nasa 30's pa.
"Opo, anong gamit niyong sabon?" Hindi ko napigilan ang bibig at nagtanong.
Tumawa siya at ngumiti. "Sasabihin ko sa'yo mamaya," sagot niya sabay kindat sa akin. Lagot talaga ang salitang mamaya niya, at hindi ako uuwi hangga't hindi ko nalalaman.
"Kumusta na si Aries?" tanong ni Mr. Alexander. Kung hindi lang siya ama ng kaibigan ko at kahit may edad na, naku lalapit talaga ako kay Lolo at siya ang piliin kong fiancé, ang gwapo eh.
BINABASA MO ANG
A Girl Named Angela
Teen FictionPrevious Title: A Bitch Named Angela Lincolnshire Series 1 Gaano man ka anghel ang pangalan ni Angela Vergara kabaliktaran naman ito sa ugali niya. She's the Famous Bitch of Lincolnshire University and with her evil smile makes everyone scared of h...