Chapter 25

367 10 0
                                    

ISANG araw, para akong zombie habang naglalakad sa corridor, naisipan ko kasi kagabi na manood ng Sherlock Holmes series. Nagustuhan ko ang panonood, at hindi namalayang alas-tres na ng umaga. Walangyang scam talaga kapag sabihing 'last episode ko na 'to tonight'. Ang saklap pa, maaga ang klase ko at tanging apat lang na oras ang tulog ko. Ang isang b*tch kailangan ng mahabang beauty rest.

Nagtataka ang mga estudyanteng nadadaanan ko, ngayon lang yata sila nakakita ng zombie na b*tch. Nakasalubong ko pa ang Sassy Girls na tawang-tawa sa hitsura ko.

"Ang pangit mo ngayon Angela." Nag-apir sila bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Candy.

"Oh, shut-up. Ngayon lang ako pumanget, pero kayo walang araw na naging maganda." Napasinghap sila sa sinabi ko gayunadin ang mga estudyanteng malapit sa'min.

"Stop that nonsense girls."

Napalingon kami sa nagsalita, umirap ako sa taong nagsalita na nakasandal sa malapit na poste.

"Papa Aries!" Agad na lumapit ang mga Sassy Girls sa gunggong.

"Sorry Girls, si Heaven ang sadya ka."

"Heaven?"

Nilagpasan niya sila at lumapit sa akin. "What happened to you?" Tinitigan niya ang ilang kilo kong eyebags sa ilalim ng mata.

"Napuyat lang."

"Sa ano?" Alam niya kasing maaga kong ginagawa lahat ng paper works ko para hindi ako magcramming pagmalapit na ang deadline. Tinulungan niya pa nga ako sa iba kong projects.

"Sa series na pinanood ko."

Tumawa siya na mas lalong ikinalakas ng bulungan ng mga tao sa paligid.

"Sila na ba?"

"Malamusika ang tawa ni Aries, girl!"

"May relasyon ba sila?"

Palihim akong umiirap sa walang kwenta nilang sinasabi habang si Aries parang wala lang siyang naririnig at pangiti-ngiti lang.

"You want a coffee?" tanong nito na ikinangiti ko.

"Yes! Bibilhan mo ako?" Tumawa na naman siya nang marinig ang mabilis kong sagot. Kapag ako ang kasama niya ay palagi siyang tumatawa. Ang lakas ng tama niya mula noong naging magkaibigan kami.

"Kung gusto mo."

"The B*tch is not allowed to say no to every blessing that comes."

"Alright, coffee for the b*tch."

Kinuha niya ang bag ko at siya na ang nagdala habang naglalakad kami. Inakbayan pa ako na ikinagulat ng mga ususero. Ang hirap talaga kapag magkaibigan ang dalawang sikat at mas malala pa ay maraming nagkakagusto kay Aries. Malamang nasa number one na ako sa target list ng mga babae at bakla sa buong campus.

Nadaanan pa namin ang mga membro ng fanclub ko, at sabay-sabay pa silang tumili at pinagsasapak ang ilang lalakeng kasama nila.

"Push mo 'yan B*tch! Aries for the win!"

Mas lalong lumawak ang ngiti ni Aries at mas hinila ako palapit sa kaniya. Walangya 'to, ginagawan talaga ako ng isyu.

"Confirmed, sila na talaga!"

Napailing ako sa narinig. Inakbayan lang may relasyon agad? Pwede munang kaibigan lang?

Habang abala ako sa pag-inom ng kape ay hindi naman maipinta ang mukha ni Aries habang seryosong nakatutok sa cellphone niya. Ilang saglit ay dumating sina Michael at Jack, tulad din ng isa ay nakakunot ang mga noo nila habang nakatingin sa cellphone. Hindi man lang ako binati ng dalawang gunggong.

A Girl Named AngelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon