3 years later
NANDOON ako, nakita ko ang performance nila. Nakita ko ang pag-iyak nila, at ang pag-iyak ni Aries sa harapan ng lahat. Nandoon ako habang pinipigilan ang sarili na magpakita sa kanila at sabihing buhay ako. Gusto kong lumapit at yakapin si Aries at silang lahat. But I can't, I need to fix and find myself first. Gusto ko pagbabalik ako o kung may babalikan pa ay buo na ang pagkatao ko. Wala na ang sakit, at hindi na ako nakakadena sa nakaraan. I need time, to heal, and to move on.
Ang aksidenteng nangyari ay kagagawan ko, wala rin namang kasiguraduhan na babalik pa ako. Ayaw kong umasa sila. Ginawa ko ang lahat hindi nila mahanap. Hindi ko ginamit ang cards na alam ng pamilya ko. Ginamit ko ang bank account na hindi nila alam mula sa mga sideline kong trabaho sa kompanya dati at sa modeling.
Una kong ginawa ay hanapin ang totoo kong magulang. Hirap na hirap pa akong kumilos sa mga panahon na hinahanap nila ako. Limitado lang ang kilos ko at natagalan sa pagkalap ng impormasyon. Kumuha pa ako ng passport para makapunta ng Russia. May nakuha akong impormasyon tungkol sa pagproseso ng adoption ko sa mga Vergara. Nakahanap ako ng lead, tinungo ko ang bahay ampunan kung saan ako inampon. Natagpuan lang daw ako ng isang staff sa harap ng pinto ng building. Walang nakakaalam kung sino ang magulang ko, tanging isang kwintas at binurdang panyo lang nakita nila nang ako kay natagpuan.
Ang kwintas ang naging daan para mahanap ang magulang ko. Kumuha ako ng private investigator para mapabilis ang paghahanap. Hindi naman ako nabigo, at ilang araw ang lumipas may nakuha siyang impormasyon. Agad akong pinuntahan ang isla kung saan matatagpuan ang lalakeng na may alam sa kwintas at panyo. Sabi ng imbestigador ay byudo na ito. Gamit ang perang naipon ay nagpatayo ito ng resort sa isang pribadong isla.
Hindi ko makakalimutan ang araw na 'yon halos mapanganga ako sa ganda ng resort at napakapribado. Bilang lang ang makakapasok at kailangang magpareserve ng maaga.
Flashback
Pagbaba ko ng bangka ay nilibot ko agad ang tingin sa buong paligid. Walangya, ang ganda. Napakaputi ng buhangin at napakalinaw ng tubig. Malayo sa dalampasigan ang malaking building at bilang lang ang mga taong nakikita ko. Nang madalaw ko ang website nila, marami silang activities dito. May talon din sila na pwedeng puntahan at hiking.
Tanging isang malaking backpack lang ang dala dahil hindi naman ako magtatagal. Sinalubong ako ng nakangiting staffs at pinasuot ng flower crown.
"Welcome to Heaven Island Resort."
Ngumiti lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Sinabayan ako ng isang babaeng staff. "Ikaw po si Miss Angela?" May hawak siyang tablet.
"Yes."
"Okay po, sunod lang po kayo sa akin at dadalhin ko po kayo sa cabin niyo. Alam na po ni Sir Bayer darating po kayo. May nakareserve na po kayong meeting sa kaniya, exactly 6 pm."
"Okay."
Bago ako nagtungo rito ay kinontak ko ang sinasabi niyang Bayer. Siya ang byudong may alam tungkol sa kwintas. Nahirapan pa akong makakuha ng appointment sa kaniya at reservation dito sa isla.
Pagsapit ng alas sais, nagsimula na akong kabahan habang palabas ng cabin ko. At hindi na ako nagulat nang makita ang babaeng staff na nakaabang na sa labas ng pinto.
"Good evening Miss Angela."
"Kanina ka pa? Kumatok ka na lang sana."
"Kararating ko lang po. Sumunod na po kayo sa akin hinihintay na po kayo ni Sir Bayer."
Dinala niya ako sa rooftop ng kanilang building. May fancy restaurant sila sa mismong rooftop at tanaw mula rito ang buong isla. Sa labas ng glass window makikita ang malaki nilang infinity pool at hanging garden sa gilid.
BINABASA MO ANG
A Girl Named Angela
Teen FictionPrevious Title: A Bitch Named Angela Lincolnshire Series 1 Gaano man ka anghel ang pangalan ni Angela Vergara kabaliktaran naman ito sa ugali niya. She's the Famous Bitch of Lincolnshire University and with her evil smile makes everyone scared of h...